Chapter Six

1.1K 56 4

A/N: Malapit nang matapos ang kilig. Haha! Malapit na nating makilala ang bitter Warren. Konting kembot na lang. Haha!

Anyway, dahil kinikilig din ako sa mga comments mo, This chapter is for you, Dukesacleopatra! Thankie, sweetie! Enjoy reading!

****

Lumipas ang mga araw na masaya ang magkasintahan. Mga simpleng date, sa park, sa mall or kahit sa bahay lang ng binata sila magpunta. As long as magkasama sila. They're happy and in love. Never they thought na may hangganan ang kaligayahan nila.

Pag-uwi ng binata sa kanila, masayang mukha ng ina ang sumalubong sa kanya. Pagkatapos niyang magmano, nagsalita na ang ina. "Anak, magandang balita."

"Talaga, Nay? Ano yon?" Nakangiti din nyang wika, nahawa sa masayang mukha at tono ng ina.

"Natatandaan mo yung inapplyan mong scholarship sa Harvard? Anak! Sumagot na sila! At nakapasa ka don sa exams na kinuha mo! Makakapunta ka na ng Amerika!" Masaya pa din nitong wika. Hindi napansin ng ina ang unti-unting pagkawala ng ngiti ng anak.

Amerika? Malayo dito? Malayo kay Chloe? Nasa isip ng binata.

"Anak, pasensiya na kung binuksan ko na yung sulat ha? Excited lang ako nong nakita kong galing yon sa Harvard. Pangarap mo yon db?" Patuloy pa nito.

"Hindi, Nay."

"Ha? Anong hindi? Db nga kaya ka sumubok don, dahil gusto mong magkaroon ng mas magandang oportunidad?" Takang tanong ng ina.

"Hindi na ako tutuloy. Dito na lang ako. Ayokong umalis."

"Pero bakit? Dahil ba kay Chloe?"

"Oo, Nay. Ayokong iwan si Chloe. Dito lang ako. Madami pang pwedeng dumating na maaring makatulong sa akin. Mas magsisikap ako. Para sa iyo at para kay Chloe."

"Pero anak, hindi ba mas mabibigyan mo ng magandang buhay si Chloe kung magkakapag-aral ka doon? Mas magkakaroon ka ng malaking chance na magkaroon ng magandang trabaho."

Pangungumbinsi niya. Ngunit sa loob loob nya, mas gusto nya na hindi umalis ang anak, ayaw din niyang magkalayo sila. Wala lang siyang magawa noon, dahil alam nya na ito ang gusto ng anak.

"Nakapagpasya na ako. Nay. Hindi ako aalis."

***

Samantala sa mansyon ng mga Madriaga.

"Saan ka galing?" Papaakyat na si Chloe na magsalita ang ama.

Napahinto ang dalaga at nilingon ang ama na nakaupo sa sofa sa sala, hindi niya napansin naroon ang ama. Oh, well, hindi siya sanay na magkita silang mag-ama. Mabibilang lang sa daliri ang mga panahon na nagkakasama sila. And this is one of that moment. Bumaba siya at lumapit sa ama at humalik sa pisngi. "Good evening, Dad."

"Saan ka galing? Kanina pa tapos ang klase mo db?"

"G-gumawa po ng project." Kinakabahan niyang sagot, kahit ang totoo ay magkasama sila ni Warren kanina. Hindi pa niya nasasabi sa ama na may boyfriend na siya. Hindi sa ikinahihiya niya si Warren, kundi ay natatakot siya sa maaring maging reaksyon nito. Mabuti na lang hindi nagtatanong ang binata kung kaylan niya ito ipapakilala sa pamilya niya.

"Project? Ito ba ang project na sinasabi mo?"
Sabay hagis ng isang brown envelope sa center table.

Nangunot ang noo ng dalaga na tinignan ang envelope. Kinuha niya ito at tinignan kung ano ang nasa loob. Napasinghap siya, at kulang ang sabihing namutla siya sa nakita. Tila tinakasan siya ng lakas, habang nanginginig ang kamay na tinitignan ang mga larawan. Yes, pictures. Mga pictures nila ni Warren, na magkasama. Sa school, park, mall at kahit sa lugar kung saan nakatira ang binata.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!