A/N: Yiieeee!! Dahil nakakakilig ang message mo, this chapter is for you, Sweetie Tiara! And to your officemates! Thank you for the support! Enjoy reading sweeties!!!

****

"Chloe."
Nakalabas na sila sa classroom ni Bianca nang may tumawag sa kanya. It's Warren, waiting for her outside.

"Hey." Bati niya.

"May klase pa kayo after this?"

"Wala na, last class na namen to. Why?"

"Imbitahan ko sana kayo sa bahay. Birthday ni Nanay. At gusto ka din nyang makilala. Madalas kasi kitang ikwento." Nahihiya pang sabi ni Warren.

"Ah... s-sure." Kinabahan yata siyang bigla. Am I going to meet his mom? Oh my G!

"Ay, Warren, sorry ha? Hindi ako pwede eh. Uuwi ako ng Bulacan. Si Chloe na lang isama mo." Wika ni Bianca. "Happy birthday na lang sa nanay mo."

"Ganon ba? Sige sa ibang pagkakataon na lang."

"Oo. Anyway. I have to go. Baka mahuli ako sa last trip."

"Okay, best, ingat." Paalam ni Chloe.

"Bye guys!"

Ngiti at tango na lang ang sinagot ni Warren kay Bianca. Pagkaalis ng dalaga, binalingan nya na ang kasintahan. "So, let's go?" Aya na nya dito.

"Wait, let me." Kinuha nito yung mga books na dala ni Chloe. Her boyfriend likes to do that always, para hindi daw siya mahirapan,and then holds her hands. A sweet boyfriend. Hindi nya mapigilan ang kiligin lagi.

Nasa labas na sila ng campus ng muli siyang balingan ni Warren. "Magtaxi na lang tayo?"

"Taxi?"

"Oo. Para kumportable ka sa byahe."

"No, Warren. It's okay. Mag-jeep na lang tayo." Tanggi ng dalaga.

"Are you sure?"

"Yes, of course."

"Okay."

Pumara na ng jeep si Warren. At nang may huminto sa harapan nila, inalalayan siya ni Warren na maunang sumakay. Good thing, hindi pa puno yung jeep. Hanggang sa makaupo na sila nanatiling nakahawak ang kamay ni Warren sa kamay ng dalaga. Nakapatong ang magkahawak nila kamay sa hita ni Warren. Binitawan lang sandali ng binata ang kamay nya para magbayad ng pamasahe. After that, muling hinawakan ni Warren ang kamay niya.

Habang nasa byahe, unti unting napupuno ng sakay yung jeep. Sa kakausog nila, napunta na sila sa dulo, sa may likod ng driver. Nakapaakbay na si Warren sa dalaga, para maitukod agad ni Warren yung kamay nya sa upuan ng driver kapag biglang preno. Para mapigilan niya na maipit ang dalaga.

"Okay ka lang ba?" Bulong ng binata. Na nagpalingon sa kanya. Hindi nya alam na sobrang lapit na pala ng mukha nila sa isa't-isa na halos magtama na ang mga dulo ng ilong nila. Napalunok siya ng dumako ang tingin nya sa mga labi ng binata. Same as what's happening to Warren. Parang nag-freeze lahat at silang dalawa lang yung nag-eexist. Unti-unting nawawala ang distansya sa pagitan nila.

"Makikiabot po ng bayad!" Tinig na nagpabalik sa kanila sa wisyo. Nilingon ng binata yung nagsalita saka inabot yung bayad para ibigay sa driver.

"Bayad daw po." Wika ng binata.

Pagkaabot sa driver, saka lang ulit sila nagkatinginan at nagkangitian na lang. Yumuko si Warren sa may balikat niya saka siya hinalikan sa balikat. "I love you!" Bulong pa nito.

Shocks! This is not the first time na nagsabi ng I Love You si Warren sa kanya. Pero everytime na sinasabi ito ng binata, kinikilig sya at bumibilis ang tibok ng puso nya. Binalingan niya ito. "I love you, too." Sabay haplos sa pisngi ng binata.

****

Nasa lugar na sila kung saan malayong malayo sa kinagisnan niyang marangyang subdivision. Mga batang nagtatakbuhan na nakahubad, mga inang nakaduster na nag-uusap usap sa isang tindahan, habang may mga lalaking nag-iinuman sa tabi. Ang mga bahay ay dikit dikit at gawa sa mga pinagtagpi tagping plywood at sirang yero. Mabibilang lang sa daliri ang mga bahay na bato.

Chloe eyed the depressed area in front of her. Mas nakikilala niya kung anong mundo meron si Warren. And she smiled and agreed that he is still worth her love. Tinignan niya ang lalaking naglalakad sa tabi nya at nakahawak sa kanya. And her heart tightened understanding that she couldn't love any man after Warren.

Napansin din niya na nasa kanila na ang atensyon ng lahat. Nang mapadaan sila sa tindahan may isang lalaki na tila hindi nakatiis na hindi sila batiin.

"Uy, Warren! Kamusta? Ang ganda ng kasama mo ah. Jowa mo?"

Huminto sila sa harapan ng nag-iinuman. "Mang Kardo. Opo. Girlfriend ko po. Si Chloe." Binalingan siya ng binata. "Mga kapitbahay ko."

"Magandang araw po." She greeted and give smiles to everyone.

"Aba! Maganda na, mabait pa." Puri sa kanya ng Ale na nasa tabi at nakikinig din.

"Ah, salamat po." She smiled to her.

"Bagay kayo ni Warren, mabait na bata yan. Responsable pa."
Binalingan niya ang binata na napapakamot na sa batok na tila ba nahihiya.

Hinawakan niya ito sa braso at inilapit pa ang sarili dito. "Opo naman po. Bagay na bagay kami ni Warren."

"Naku, okay tong girlfriend mo Warren mukhang mayaman pero hindi snob. Ms. Chloe, welcome ka dito. Huwag kang mag-alala, safe ka dito. Walang gagalaw sayo."

"Nako, hindi ko naman po iniisip na hindi ako safe dito. Pero salamat pa din po sa pagtanggap."

Pagkatapos na makipag-usap sandali sa kanila, ay nagtuloy na sila sa bahay ng kasintahan. Isang simpleng bahay na gawa din sa kahoy. Sa labas pa lang ay makikita na malinis at maaliwalas sa kabila ng uri ng lugar na nakapaligid. At pagpasok nila sa bahay ay mas napatunayan niya na ang bahay ng kasintahan na kahit simple lang ay malinis at napaka-homey ng dating.

"Nay. Nandito na po kami." Tawag ng binata. Mula sa kusina ay lumabas ang isang babae na marahil ay nasa 40's na ang edad, pero sa kabila ng edad ay mababakas pa din sa mukha ng babae na nagtataglay ito ng magandang mukha nong kabataan nito. Up until now, she's still beautiful kahit sa simpleng duster na suot nito.

"Hijo. Bamuti naman, tamang tama dating nyo. Katatapos ko lang magluto." Bati ng ginang habang nagpupunas ng kamay.

"Nay, Si Chloe po. Girlfriend ko." Bumaling sa kanya ang binata. "Nanay ko. Si Mildred Sandoval." Pagpapakilala ng binata. Lumapit si Chloe sa ginang para magmano.

"Magandang araw po. Aling Mildred."
Nakangiti pa nyang bati.

"Naku, hija. Nanay na lang din itawag mo sa akin." Mabait na wika nito. And Chloe felt relieved. First encounter, and it looks like na gusto siya ng ina ng kasintahan.

"Happy birthday nga po pala, Nay. Pasensiya na po pala at wala man lang akong dalang regalo. Kanina lang din kasi sinabi sa akin ni Warren." Nahihiya pang sabi nya. And she promised herself na bibili siya ng regalo para dito.

"Naku, hija, huwag mo nang intindihin yon. Ang mahalaga nandito kayo. Tara na sa kusina at nang makakain na." Aya nito.

Habang kumakain sila, pinagmamasdan ni Warren ang dalawang babae na siyang pinakamahalaga sa buhay nya. At masaya siya na makita na magkasundo ang dalawa. He's just so lucky to have Chloe, hindi siya nagkamali ng babaeng minahal.

****

-A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked my story, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie!

👉Jheng👈

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!