Chapter Forty

1.5K 76 22
                                    

A/N: Taaaddddaaaa!
Dahil birthday qoh, 🤣🤣🤣🤣 Ito gift qoh sa inyo, sweethearts! Update! Yes!

Enjoy Reading, sweethearts!

****

"Come on, Mondejar! Open this damn door!" galit na kinakatok ni Warren ang pintuan ng kwarto niya. Nasa loob ang mga kaibigan niya at obviously hindi pa tapos ang pangtritrip ng mga ito sa kanya. 

"I've told you, Madrigal, hindi ka pwede dito." balik sigaw na sagot din naman ni Bjorne mula sa loob ng kwarto.

"Hindi ako nakikipaglokohan sa inyo. Open this door, now!" hinampas niya ng malakas ang pintuan. Nauubusan na siya ng pasensiya sa mga kaibigan niya. All that he wanted is to sleep and get some rest. Pero ang mga magagaling niyang kaibigan may energy pang mang-asar.

"Hindi rin kami nakikipaglokohan, dude. That's  your punishment." sagot ulit ni Bjorne.

"Anong punishment pinagsasasabi mo dyan?!"

"Dude, natalo ang team niyo against our team, remember?" pagpapa-alala ni Bjorne. "Kung sino ang natalo paparusahan ng nanalong team. So, your punishment is to sleep with Chloe tonight. Actually, hindi nga iyan parusa eh. Pabor sa iyo iyan." mahabang paliwanag pa nito.

"Baka nakakalimutan mo, Mondejar. Teammate ko si Lance. Bakit siya nasa loob?"

"Dude, ito ang parusa niya. Ang matulog na katabi kami." 

"And how about Jax? Hindi siya kasali sa game."

"Gusto niyang sumali sa parusa."

Sumasakit ang ulo ni Warren sa mga naririnig mula kay Bjorne. Lalo na at naririnig din niya ang tawanan ng mga ito sa loob ng kwarto. Inis na umalis ang binata, useless lang ang pakikipagtalo niya sa mga ito. Nunca na manalo siya sa mga ito, kapag napagkasunduan na mangtrip, walang magagawa ang pinagtritripan.

Sa sala siya dumiretcho para doon matulog. Pero napamura na lang siya nang makita ang ayos ng living room. Walang sala set! 

Napahawak na lang sa batok si Warren dahil sa mga kalokohan ng mga kaibigan. Nagpakawala ang binata ng buntonng-hininga saka humakbang patungo sa kwarto ni Chloe. He guessed that he doesn't have any choice but to do what his friends wanted. Baka kung ano pang kalokohan ang maisipang gawin ng mga ito kapag hindi siya sumunod. Anyway, it's not the first time that he and Chloe will be sleeping together. So, no big deal. 

No big deal? Sinong niloko mo? His mind says sarcastically. 

Pinilig niya ang ulo para mawala ang kung ano mang naiisip. Wala siyang panahon na makipagtalo sa sarili sa mga oras na ito. Nang makarating sa kwarto ng dalaga ay atubili pa siyang kumatok. Ilang minuto pa siyang nakatayo sa harapan at nakatitig lang sa pinto. When he finally decided to knock, napakunot ang noo niya ng bahagyang bumukas ang pinto ng kumatok siya. Hindi nakalocked!

"Chloe?" Tawag niya sa dalaga. Nang walang sagot na marinig ay nagpasya na siyang buksan ang pinto ng kwarto nito. 

Wala ang dalaga sa loob. Nagtungo siya sa banyo saka kumatok. Bukas din ang pinto ng banyo. Pinakinggan muna niya kung may indikasyon na may tao sa loob bago binuksan ng tuluyan para makapasok. Wala din ang dalaga sa loob nito. 

 Paglabas niya ng banyo saka lang niya napagtuunan ng pansin ang kama. Maayos ang pagkakaayos ng higaan, tanda na hindi pa ulit ito nagagamit. 

Nasaan ang dalaga? Sa ganitong oras? 

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa para tawagan ang dalaga. Pero narinig niya ang pagring ng cellphone nito, nilingon niya ang pinanggalingan ng tunog. Nakapatong ang cellphone nito sa night table. Pinatay na niya ang tawag at agad na siyang lumabas ng kwarto para hanapin ang dalaga. 

The Broken PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon