A/N: New Year and New Life for Warren and Chloe. Enjoy Reading!

Happy New Year, Sweeties!

****

Napabalikwas ng bangon si Chloe, humihingal siya at sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Wala sa loob na umangat ang kamay niya patungo sa kanyang pisngi. At tulad ng inaasahan niya, may mga luhang malayang dumadaloy mula sa kanyang mga mata. God! It's been 10 years already. Pero ganon pa din ang epekto nito, madalas niya itong mapanaginipan. At sa tuwina'y nagigising siyang luhaan. She can't move on from the past.

That was the last time he saw Warren. Hindi na ito pumasok kinabukasan. Wala na siyang naging balita tungkol dito. Bigla itong naglaho. Hindi na din siya nagtangkang puntahan ito sa kanila. Bakit pa? Mainam nga iyon, para hindi sila lalong mahirapan, kung magkikita sila araw-araw. At sa kabila nang pagtataka ng lahat kung ano ang nangyari, hindi siya nagsalita. Tanging kay Bianca lang niya sinabi kung anong nangyari. Nakatikim siya ng sermon mula sa kaibigan. Ngunit sa huli, inunawa na lang siya nito.

As for her father, lalong lumayo ang loob niya sa ama, halos hindi na sila magkibuan. She didn't know na may pinagdadaanan din itong problema. Their company is facing bankcruptcy that time. Nag-invest ang ama ng malaking halaga sa isang negosyo. Not knowing na palubog na ang kumpanyang iyon. Nagtiwala ito sa maling tao. At sa kagustuhan na mabawi ang naluging pera from their company, Nangutang ito sa bangko at ginawang collateral ang kanilang mansion. Ngunit hindi na muling nakabawi ang kanilang kumpanya.

Inilihim lahat ng iyon sa kanya ng ama. Nalaman lang niya iyon ng makita niya itong walang malay sa opisina nito sa bahay. Inatake sa puso ang ama. Tanging ang abogado ng ama ang nagsabi sa kanya kung ano ang istado ng kanilang negosyo. Dahil sa pagkakasakit ng ama, halos maubos din ang ipon niya para sa gastusin sa hospital at sa mga gamot. He's in a coma for almost five months before he died. Pagkalibing ng ama saka pa lang niya naharap ang problema. At huli na para maisalba pa ang kanilang kumpanya. Tuluyan itong bumagsak. May mga utang pa na dapat bayaran. Unti unting naibenta ang lahat ng mga ari-arian nila maging ang ilang mga mahahalaga at mamahalin na gamit nila sa mansyon. Maging ang mansion ay nakuha ng banko.

At dahil walang ibang mapupuntahan si Chloe, wala na siyang malalapit na kamag-anak. Parehong only child ang mga magulang niya at parehong patay na din ang mga lolo at lola niya, both side.

Napagpasyahan ni Yaya Lucing na isama na lang siya sa probinsiya. May maliit na lupain ang Yaya Lucing niya sa Batangas. Namuhay sila ng simple doon. May maliit na tindahan ang kanyang yaya. Habang siya ay nagpatuloy ng pag-aaral.

Pag-graduate ng College, nagpasya siyang lumuwas muli ng Maynila, upang magtrabaho. Nakituloy siya sa apartment ni Bianca. Hindi naputol ang communications nilang magbestfriend kahit na magkalayo sila.

Nagtatrabaho si Bianca sa isang Construction firm. Siya naman ay nakapasok sa isang travel agency. She worked there for almost 5 years. Until one day. Bigla na lang itong nagsara. What went wrong? Hindi niya alam. Basta nagising na lang siya na wala na siyang trabaho.

So she tried again to search for a job. Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Her Yaya Lucing is old, at masasakitin na ito. Kumuha lang siya ng taga-pag-alaga para may kasama ito sa bahay. Nagpapadala lang siya ng pera para sa gamot at pagkain at sa iba pang gastusin nito. At isa pa, solo na niya lahat ng gastusin niya sa Maynila. Nag-asawa na si Bianca, gusto sana nito na tumira siya sa bahay nito, ngunit tumanggi siya. Nakakahiya naman sa asawa nito kung makikitira pa siya.

The good thing is, nangailangan ng Secretary ang company na pinapasukan ni Bianca, so she applied for that position. And she was hired instantly. Halos mag-iisang taon na siyang nagtatrabaho don.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!