A/N: Yes! Nagawa kong makatapos ng isang chapter! Haha! Sana nabigyan ko ng hustisya! Kahit bara bara lang ginawa ko. Haha! And Thank you to my co-authors! Sa pag'push sa akin para makapag'sulat ako. Labyah mga beks!

So here's the update, enjoy reading sweeties!

****

Paglabas ni Chloe ng opisina nagtuloy muna siya sa rest room para hamigin ang sarili. Pagpasok niya doon, agad siyang humarap sa salamin at tinitigan ang kanyang reflection, namumutla siya.

She's still shocked sa muli nilang pagkikita ni Warren. For all this years umaasa siya na sana muling magkrus ang landas nila, akala niya noon handa siya sakaling dumating ang araw na yon. But she's wrong. Bigla siyang nakaramdam ng takot, at hindi niya alam kung saan nangagaling ang takot niya na iyon.

Maybe because of his aura. Ibang iba sa Warren na nakilala at minahal niya noon. He now looks like a cold and heartless man. And those eyes that used to look at her with so much love and admiration is now full of coldness.

Nang sa pakiramdam niya ay maayos na siya, lumabas na siya ng rest room at nagsimulang gawin ang utos ni Warren.

****

"Grabe! I can't believe this!" Bulalas ni Bianca. "Imagine! Boss natin si Warren? Your Warren!" Dugtong pa nito.

"Bianca! Stop it. Baka may makarinig. Nakakahiya." Saway naman ni Chloe dito. Nasa canteen sila sa likod ng building. Para sa tanghalian.

"Anong nakakahiya? Totoo naman na may past kayo." Patuloy pa din ni Bianca. And thank God, hininaan nito ang boses. "Hindi nga lang maganda yong paghihiwalay nyo."

"Yon na nga bes, at pakiramdam ko, galit pa din siya."

"Kahit sino naman, magagalit sa ginawa mo noon. Imagine? Pinaniwala mo siya na hindi mo siya minahal." wika nito.

"Alam ko. And you also knew kung bakit ko ginawa yon." malungkot na tugon nya.

"Yes. And I think, it's time for him to know the real reason."

"No!" Mabilis na tugon niya.

"Ha? Anong no? Bakit No?" Kunot noong tanong ni Bianca. "Obvious naman na matagumpay na siya. Di ba yan naman ang reason mo noon? At ngayon ito na siya, successful. And Base on my source, nag-iisang tagapagmana pala yang si Warren. Sayang, kung alam lang ng daddy mo, hindi sana siya humadlang."

"Yon na nga, Bianca. He's rich now. Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo, do you think, maniniwala siya? I don't think so. Baka isipin pa niya na dahil sa yaman niya kaya gumagawa ako ng kwento" paliwanag niya dito. At ayaw niya na mag-isip pa ito ng masama tungkol sa kanya.

"Sabagay, may point ka. Pero sa tingin mo, bakit siya nandito? I mean, sa dami ng pwedeng bumili ng SCS, bakit si Warren pa?"

Pumasok din sa isipan ni Chloe ang bagay na yan. Of all people, bakit si Warren pa? Is this planned or a mere coincidence? Anyway, kahit ano pa yan. Ang importante nagkita sila ulit. At aminin man niya o hindi, masaya siya na makitang natupad nito ang mga pangarap nito. Kailangan lang niyang maging handa kung ano man ang plano nito.

"I don't know. Pero sana coincidence lang ito. Na walang ibig sabihin na dito kami ulit nagkita." Napabuntong hininga na lang siya.

"Ms. Madriaga!"

Sabay silang napalingon ni Bianca sa taong tumawag sa kanya. Maging ang ibang tao doon ay nabaling dito ang pansin. It's Warren heading towards them.

At habang naglalakad ito palapit sa kanila. Hindi niya maiwasang hagurin ng tingin ang binata. He's now wearing his white long sleeves polo na nakarolyo hanggang siko. At mababakas sa damit nito kung gaano na katipuno ang katawan nito ngayon. Wala na ding necktie ito. His hair in a mess. God! Warren looks like a man who came out straight from the Men's Magazine!

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!