A/N: Finally!!! Enjoy reading sweeties!!

****

"Chloe!"

Mabilis na tinakbo ni Warren ang kinaroroonan ni Chloe. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na namalayan ni Chloe ang sumunod na nangyari. Napasinghap na lang siya ng maramdaman ang paghapit ni Warren sa kanya. Sabay ng paghapit sa kanya ni Warren, pareho silang natumba sa sahig. Napapikit si Chloe sa impact ng pagbagsak nilang dalawa ni Warren sa sahig. Narinig niya ang mahinang pagsinghap ni Warren kaya agad siyang napadilat at agad na tinignan ito. Base sa mariin na pagpikit ng mga mata nito at pagkunot ng noo nito, halatang nasaktan ang binata. Agad na bumangon ang pag-alala at takot kay Chloe nang makita na may ilang kahoy na nakadagan sa likod ni Warren. Habang si Warren ay nakadagan sa kanya, upang protektahan siya na hindi matamaan ng mga kahoy. Agad na may sumaklolo sa kanila.

"W-warren." nanginginig na wika niya.

Dumilat si Warren at nagtama ang mga mata nila.

"A-are you okay? Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong pa ni Warren.

Tila gustong maiyak ni Chloe nang mabakas sa tinig nito ang pag-aalala para sa kanya. Napailing na lang siya bilang sagot sa tanong nito. Mas nag-aalala pa ito sa kanya, kaysa sa sarili nitong kalagayan. Nakapulupot sa katawan ni Chloe ang braso ni Warren, kaya hindi niya masyadong ininda ang pagbagsak nila. Nang maialis ang mga kahoy na nakadagan kay Warren, agad din tumihaya si Warren, agad bumangon si Chloe upang tignan ang lagay ni Warren, hindi niya ininda ang ilang galos sa kanyang braso, na kung hindi pa kumirot ay hindi niya mapapansin.

"W-warren, okay ka lang?" ang bilis ng tibok ng puso niya sa sobrang kaba na nararamdaman.
"I'm okay." ngunit napaigik ito, nang tangkain nitong bumangon. "Damn!"

"Warren!" natatarantang bulalas ni Chloe nang makita niya na nasasaktan ito. "Tulungan niyo ako! Kailangan niyang madala sa hospital." baling niya sa mga taong nakapaligid sa kanila. Agad na lumapit si Edward at ang ilang trabahante para alalayan si Warren na makatayo. Mababakas sa mukha nito na nasasaktan ito sa bawat paggalaw nito.

"Dahan-dahan. Sa kotse niyo isakay."

Nakasunod lang si Chloe hanggang sa kotse. Siya na ang nagbukas ng pinto sa likod. "Dito nyo na lang sa likod isakay. Sir Edward, ikaw na magdrive." Agad kinuha ni Chloe ang susi ng kotse ni Warren na nakahook sa pantalon nito.

Mabilis na pumasok sa loob si Chloe nang makita na maayos naihiga si Warren sa back seat. Itinaas niya ang ulo ni Warren at inayos sa pagkakaunan sa hita niya, pagkatapos niyang alisin ang safety hat na suot nito.

Napasinghap si Chloe nang maramdaman ang kamay ni Warren na humaplos sa kamay niya na hindi niya namalayan na nakapatong na pala sa dibdib ng binata. Napatingin siya sa binata at nagtama ang mga mata nila.

"W-warren? A-anong nararamdaman mo?" Kinakabahang tanong ni Chloe sa binata.

"M-my back hurts. At nahihirapan akong huminga." Mahinang sagot nito at bakas sa tinig nito na may iniinda nga itong sakit sa katawan.

"P-papunta na tayo sa hospital, konting tiis na lang."

"I-I'm okay, kaya ko ang sakit. S-sanay naman akong masaktan."

Hindi alam ni Chloe kung nakaringgan lang niya, o talagang may halong pait ang pagkakabigkas ni Warren ng mga katagang iyon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa binata.

Nataranta lang siya nang maramdamang lumuwag ang paghawak nito sa kamay niya. Nang tignan niya ito ay lalo siyang nataranta ng makitang nakapikit na ito.

"W-warren?" Marahan niya itong niyugyog sa balikat, ngunit hindi ito natinag.

Agad siyang bumaling kay Edward na siyang nagmamaneho.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!