Bebe morgan! As promised, nakalaan sayo ang chapter one! Thank you sa support! Enjoy reading!

****

Krrrrriiinnngggg!
Tunog ng alarm clock ang nagpabalikwas kay Chloe mula sa pagkakahimbing. Agad nyang pinatay ang alarm at muling bumalik sa pagkakahiga and covered herself with the blanket. Ngunit wala pang isang minuto may kumakatok na sa pinto ng kanyang kwarto.

"Hija! Bumangon ka na dyan. Baka malate ka." Her Yaya Lucing shouted from the outside.

Oo nga pala, It's her first day as a college student. No choice sya kundi bumangon at maghanda.

"I'm awake Yaya! You can come in."

Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang yaya. A middle age woman. Bata pa lang ito noon ay naninilbihan ng kasambahay sa pamilya ng kaniyang ama. Nang nag-asawa ang kanyang ama ay kinuha niya ito bilang mayordoma sa kanilang tahanan. Upang may makasama daw ang kaniya ina kapag nasa trabaho ang Daddy nya. Nawalan na ito ng panahon na makapag-asawa. Ang pamilya Madriaga na ang itinuring nitong pamilya. Eversince ito na ang nag-alaga sa kanya. Her mother died giving birth to her. Ang kanyang ama naman ay halos wala ng time para sa kanya.

"Good morning, Yaya!" Malambing nyang bati dito.

"Good morning, Hija. Maligo ka na at ako na bahalang mag-ayos ng higaan mo. Pagkatapos mo maligo, mag-almusal ka na."

"Yes, Yaya." Kahit tinatamad pa ay nagtungo na sya sa banyo para maligo.

After an hour, nasa school na siya. Actually, this is not her first time in this school. Dito din sya nag-high school. St. Andrew University. Dito na din niya napagpasyahang magcollege, since kabisado na nya ang mga patakaran dito at mataas ang kalidad ng eskuwelahang ito. At sympre may isa pang dahilan kung bakit dito sya nag-aral.

"Bestfriend!!!" Matinis na boses ang nagpalingon sa kanya.

It's her bestfriend, Bianca. She came from a not so wealthy family from Bulacan. Ama nito ay isang empleyado sa isang sangay ng gobyerno, at ang ina nito ay isang guro. While Chloe's father, Don Alfredo Madriaga, owned one of the multimillion architectural firm. The Madriaga Architectural Corp. Nang malaman nito na dito pa din sya mag-aaral, nag-enrol din ito dito. Ayaw daw nitong magkahiwalay sila. She's a scholar. Same course din sa kanya ang kinuha nito. Management.

"Hi Bestfriend! Ang pretty natin ngayon ah." Bati nito.

"Ngayon lang ba?" Pabiro nya tanong dito.

"Hmp! Oo na! Lagi ka ng maganda." Irap nito, pero nakangiti.

Totoo naman yon, hindi sa pagmamayabang. Nabiyayaan sya ng magandang katangian. She has a very expressive blue green eyes na namana niya sa Amerikanang ina, with long thick lashes. Pointed nose, and a pouty lips. Her hair is long dark brown na bumagay naman sa morena nyang balat.

Chloe Madriaga is the Campus Sweetheart of St.Andrew University. Everyone's looking up to her because she's smart, generous, friendly, always ready to smile to everyone and most specially, she's the most beautiful in their school.

"So ready ka na for our first day?" Tanong nito.

"Of course, I'm always ready. Let's go? Hanapin na natin yung room natin." Aya nya dito.

Masaya silang naglalakad patungo sa building ng course nila, nang may biglang bumungo kay Chloe, dahil sa gulat na'out of balance sya at natumba, pero bago sya humalik sa sahig, maagap syang nahapit sa bewang ng kung sino man ang nakabunggo sa kanya. Handa na nyang sungitan ang kung sino man ang herodes na ito, nang bigla syang matigilan ng makita nya ang mukha nito. Biglang kumabog ng mabilis ang tibok ng puso nya. At hindi sya agad nakakibo.

****

-A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked my story, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

👉Jheng👈

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!