A/N: Another update, sweeties! Ang muling pagkikita nila Warren at Chloe!

Enjoy reading!

****

Abala si Chloe sa kanyang table nang tumunog ang intercom sa ibabaw ng table niya. Agad niyang sinagot iyon.

"Sir?"

"Please come to my office now, Chloe." Her boss, Mr. Santiago said.

"Yes, Sir." After she answered, inayos muna niya yung mga papeles na kailangan pirmahan ng boss niya. Saka siya tumayo at dumiretso na sa office nito. Kumatok muna siya bago pumasok.

"Sir, do you need anything?" Tumayo si Chloe sa harapan ng table ni Mr. Santiago. "Ito nga po pala yung mga kailangan ng pirma nyo." Sabay lapag sa mga papeles sa table nito.

"Thank you, Chloe. Anyway, pinatawag kita to talk about the turn over. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may bagong nag-mamay-ari na ng firm."

"Yes, po."

"Nakausap ko na si Mr. Madrigal. Ayos na ang lahat para sa kanya. And he wants to start to run the business by monday. And he will be your boss from then on."

Nasa ibang bansa na ang buong pamilya ni Mr Santiago. At gusto ng pamilya nito na doon na din ito tumira, walang ibang pwedeng mamahala sa Santiago Constructions Services, kaya napagpasyahan nito na ibenta na lang ang kompanya, tutal naman daw meron din silang negosyo sa ibang bansa. Last month lang nabili ang kompanya. Hindi pa niya nakikilala ang bagong amo. Mr. Santiago said that the new owner is a very private person. Tanging abogado lang daw nito ang nakipag-usap sa kanya. Isa lang naman ang kondisyon ni Mr. Santiago  para sa bagong may-ari, at yon ay ang imaintain ang lahat ng mga empleyado. Na tinupad naman daw nito.

"Tuloy na talaga ang alis nyo, Sir." Malungkot na wika ni Chloe.
Being her boss, he's a kind hearted man. He treat his employees as his family. Sana ganon din ang papalit dito.

"Yes, Hija. Matanda na din ako. And I want to be with my family for the remaining years of my life." Bakas din sa boses nito ang lungkot.

""Don't worry, nakausap ko na si Ezekiel, he's a bit strict but I guess, he'll be a good employer. Base on his acheivement when it comes to business. At the young age, nagawa na niyang lalo pang mapalago ang family business nila. At ang alam ko may mga business pa siyang iba." Patuloy na wika ni Mr. Santiago.

"Sana nga po, tulad nyo siya." Tipid na ngiti lang ang sumilay sa mga labi ni Chloe.

"And, Chloe, bago ko makalimutan, please no suprise despedida for me, okay? Kung may plano kayo. Forget it. Magpa-cater na lang kayo sa monday, bilang pagsalubong kay Ezekiel, okay?"

"Okay, Sir. If that's what you want. Is that all?" Magalang niyang tugon.

"Yes, that's all for now. You can go back to work. Thank you"

"Okay, Sir. Thank you" tugon niya na bahagya pang tumango.

Ngumiti muna ito kay Chloe bago nito muling itinuon ang pansin sa mga papeles na nasa mesa nito. Tumalikod na ang dalaga at tuluyang lumabas ng opisina ng boss.

Lumipas ang maghapon na naging abala para sa dalaga. Naayos na din niya ang  pa-welcome para sa bagong employer. Hindi na niya namalayan ang oras.

Nagulat pa si Mr. Santiago paglabas nang makita niya tutok pa din sa gawain si Chloe.

"Hija, you're still here. Tama na iyan."

Gulat din na napa-angat ng ulo ang dalaga. "Sir?"

"Uwian na. You can continue that tomorrow."

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!