A/N: A short update. Enjoy reading, sweeties!!

****

"Then prove it." hamon nito.

Yun lang at tumalikod na ang binata at nagtungo na sa kwarto.
Naiinis namang kinuha ni Chloe ang kumot at unan at nagdadabog na sumunod sa binata.

Tuloy-tuloy na pumasok ang dalaga, at tila siya naestatwa sa naabutang ayos ng binata. Kasalukuyan nitong tinatataas ang boxer shorts nito habang nakatalikod ito! Kitang kita niya ang behind nito!

“Aaaahhhhh!” isang sigaw ang kumawala sa bibig niya.

At dahil sa gulat ni Warren sa sigaw ni Chloe, napapihit ito paharap sa dalaga, habang ang boxer shorts nito ay nasa mga hita pa nito. Natuon ang mga mata ni Chloe sa pagitan ng mga hita ng binata.

“Aaaaahhhhhh!” muling sigaw ni Chloe sabay talikod.

“Bastos!” hiyaw niya habang nakatalikod pa din.

“Hindi ka kasi marunong kumatok. Basta ka na lang pumapasok.”

Ano daw? Kumatok? Bakit? Eh, kwarto niya ito!

“Kumatok? Kwarto ko ‘to, bakit ako kakatok sa sarili kong kwarto?” inis na sagot niya. “Ang sabihin mo, bastos ka talaga. Alam mong kasunod mo ako, sinadya mo yon!” nakatalikod pa din ang dalaga, natatakot siya na makita ulit ang hindi dapat makita. Sariwa pa sa isip niya ang nakita niya kanina! Kahit ipikit niya ang mga mata, malinaw pa din niyang nakikita sa isipan niya.

“Sinadya? Eh di sana lumabas na lang ako ng banyo ng walang twalya at naglakad sa harapan mo ng hubad.” may halong pang-aasar sa tinig nito. “At saka kung makareact ka, parang hindi mo pa ‘to nakita. Baka nga madami ka ng nakitang ganito.”

Nagulat si Chloe sa huling sinabi ng binata. At parang may matalim na bagay ang tumusok sa puso ng dalaga, hindi siya tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Warren. Ganyan na ba kababa ang tingin nito sa kanya? Sa inis ay napaharap na siya sa binata. Wala na siyang pakialam kung nakahubad pa ito, but thank God, nakasuot na ito ng boxers at may nakatakip na twalya sa katawan nito.

“Oo nga naman, sa dami ng nakita kong ganyan, hindi na dapat ako nagulat.” sa inis niya ay nagpunta na siya sa kama para mahiga. Bahagya pa niyang nasagi si Warren ng madaanan niya ito. Padabog niyang inayos ang mga unan saka nahiga. Doon siya sa tabi ng dingding pumwesto.

“Paki-on ng electric fan, hindi de aircon ang kwarto ko. At paki-off ng ilaw.” sabi pa ng dalaga bago siya tumalikod ng higa. Mas okay pang kaharap ang dingding kaysa makita ang pagmumukha ng binata. Naiinis at nasasaktan siya sa paratang nito.

Naramdaman na lang niya na nahiga na ito sa tabi niya. At sa liit ng kama niya ay nararamdaman niya ang init na nagmumula sa binata. At hindi niya alam kung makakatulog siya ng maayos or kung makakatulog pa ba siya. Narinig na lang niya na payapa na ang paghinga nito. Mabuti pa ito nagawang matulog na katabi siya. Maybe he’s not affected anymore. Pero ano ba itong ginagawa ng binata, may mga kilos ito na parang importante pa din siya dito. Na concern pa din ito. At kahit hindi ito aware na nagiging sweet ito sa kanya minsan. Nakikita niya ang dating Warren, her Warren. How she really wanted her Warren back. And how she really wish na hindi ginagawa ng binata ang lahat ng ito para saktan siya in the end. Nakatulugan na lang ng dalaga ang mga kaisipang iyon.

****

Sa inaantok pa din na diwa ay kumilos si Chloe sa pagkakahiga, inabot niya ang unan saka niyakap. Ang bango naman ng unan niya, pero bakit parang ang tigas? Pero ang kumportable ng pakiramdam niya kaya mas siniksik pa niya ang mukha dito at mas inayos pa niya ang pagkakayakap sa unan.

Bahagyang kumunot ang noo ni Chloe nang maramdaman na bahagyang gumagalaw yung unan at bakit mainit yata ito. May unan bang mainit? Unti-unting nagmulat ng mata si Chloe, at bumungad sa mga mata niya ang isang hubad na dibdib ng isang lalaki! Wala sa sariling nasundan ng dalaga kung saan nakapatong ang kanyang kamay. Sa abs! Kaya pala matigas! Hindi pa din nagsisink-in sa kanya kung bakit may lalaki sa kwarto niya at nasa tabi niya pa, nang magsalita ito.

“Good morning.”

Mabilis na napaangat ang mukha ni Chloe at ang gwapong mukha ni Warren ang bumungad sa kanya. Nanglaki ang mata ng dalaga ng mapansin na halos gahibla na lang ang layo ng mga mukha nila ng binata. Nagtama ang mga paningin nila. Hindi agad siya nakakilos, para siyang nahihipnotismo sa mga mata ni Warren.

Biglang napabangon si Chloe nang mag-sink in sa kanya ang lahat! Nasa kwarto niya si Warren at katabi pa niya, hindi lang katabi, kayakap pa! Oo nga pala, dito nga pala muna ito pansamantala titira.

Nang malingunan niya si Warren ay nanatili pa din ito sa ayos nito kanina. Nakatihaya pa din ito at nakadipa ang isang kamay. It means braso ni Warren ang naging unan niya? At gustong maglaho ni Chloe nang makita ng maayos ang itsura nito, ang kalahati ng katawan lang nito ang natatakpan ng kumot.

Pakiramdam niya nag-iinit ang mukha niya at sigurado siyang sobrang pula na ng mukha niya dahil napadako ang mga mata niya sa natatakpan ng kumot, na dahil sa nipis ay nababakas dito kung ano ang nangyayari sa katawan nito! Na alam naman niya na normal lang sa isang lalaki na mangyari tuwing umaga. Agad niyang iniwas ang paningin doon.

Ano ba yan? Ang aga niyang nagkakasala!
Agad na siyang tumayo para makalayo sa tukso.

“Fix yourself. Magluluto na ako ng breakfast.” she turned her back after she said that at lumabas na ng kwarto.

Nagtungo muna siya sa banyo para ayusin ang sarili bago magtungo sa kusina para magluto. Nakatingin siya sa repleksiyon niya sa salamin at hindi niya  napigilan ang mangiti. Feeling niya mag-asawa sila ni Warren. At siya bilang asawa nito ay kailangan niya itong pagsilbihan. Tulad ng paghahanda ng breakfast para dito bago ito pumasok sa trabaho. Naipilig niya ang ulo dahil sa mga kahibangan na pumapasok sa isip niya.

Here you go again, Chloe Xavina! Nangangarap ka na naman. Hindi mo nga alam kung ano ang gusto ni Warren sa iyo. Kalma lang! Hinay-hinay sa nararamdaman para hindi ka masyadong masaktan in the end. Pangaral niya sa sarili.

Pinagpatuloy na lang niya ang pag-aayos sa sarili para makapagluto na siya.

****

A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked this chapter, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie!

👉Jheng👈











The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!