A/N. Ay grabe! Kinakabahan ako dito sa chapter na ito. Haha! First time ko sumulat ng ganito. Sana nagawan ko ng hustisya! Haha! Merry Christmas everyone! Enjoy reading!

****

Ilang araw ng parang halos wala sa sarili ang dalaga. May mga sandali din na natutulala na lang siya, tulad ngayon.

"Hey, Chloe. Nakikinig ka ba?" Pukaw ni Warren sa kanya. Kasalukuyan silang nasa bahay ng binata at gumagawa ng assignments. Nagpapaturo din siya sa isang subject niya. Silang dalawa lang ang naroon, sumama si Aling Mildred sa isang kumare sa Ilocos, may kasal daw na dadaluhan.

Napakurap na lang siya at binalingan ang binata.
"Yeah. Sorry may bigla lang ako naalala. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

Nagbuntong hininga ang binata saka inayos ang mga libro at notebook, bago ito lumipat ng upo sa tabi ng dalaga. Masuyo nitong hinawakan ang kamay ni Chloe na nakapatong sa mga hita ng dalaga.

"Sweetheart, tell me. May problema ba? Ilang araw ko ng napapansin na madalas kang matulala." Masuyong tanong ni Warren.

"H-ha? A-ano? W-wala, wala namang problema."

"Are you sure?"

"Yes. Don't worry. Promise. Okay lang ako." Pagbibigay pa niya ng assurance.

"Okay. If you say so. Basta sabihan mo lang ako kapag may problema ha?" Masuyo pa nitong hinaplos ang mukha ng dalaga.

Napatingin na lang ang dalaga sa mukha ng binata. My God! Kakayanin ba niyang hindi makasama si Warren?

Kayanin mo! Para din to sa kanya. Isipin mo yung pangarap niya! Hindi niya yon maaabot kung mananatili ka sa tabi niya! Hiyaw ng utak ng niya.

Nakapagpasya na siya. Lalayo siya. Pero gusto niyang magkaroon ng bagay na aalalahanin niya, na minsan nagmahalan sila. Lumapit pa siya sa binata at hinawakan ito sa pisngi, at walang babalang, inilapat ang mga labi sa labi ni Warren. Sa gulat ng binata, napaatras siya at bahagyang naitulak si Chloe.

"Chloe!" Gulat na bulalas ng binat. "A-anong ginagawa mo?"

"Warren. Make love to me!" Lakas loob na sabi ng dalaga.

"What? No! Hindi mo alam ang sinasabi mo." Sabay tayo ng binata. Nagpalakad lakad siya sa sala, habang nakatingin sa kanya si Chloe.

"Warren. Mahal mo ako db?"

"Yes! Mahal kita!"

"Then make love with me!"

Nanglaki lalo ang mata ng binata sa gustong mangyari ni Chloe. At napatingin na lang siya sa dalaga na hindi makapaniwala dito. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan siya ng dalaga sa braso, at aaminin niya, unang dantay pa lang ng mainit na palad ng dalaga sa kanyang balat, kakaiba na ang reaksyon ng katawan niya. At natatakot siya na hindi niya mapigilan ang sarili. Napakabata pa ni Chloe!

"Do I have to beg?" Matiim na titig ng dalaga sa kanya.

"Sweetheart, hindi--"

"Please? I am begging you!" Kasabay non ay may tumulong luha mula sa mga mata ng dalaga! And that's it! Hindi niya kayang makitang umiiyak ito. He grabs her left hand and leads her to his room. Wala ng atrasan ito!

****

Pagdating sa kwarto ng binata, agad niyang inikot ang mga mata upang tignan ang kabuuan ng kwarto ng kasintahan. This is her first time to entered his room. Tulad sa labas, simpleng gamit lang din ang makikita sa kwarto nito. Isang electric fan, isang kabinet, maliit na study table, isang plastic chair, meron ding estante na lalagyan ng mga libro ng binata. Natuon ang tingin ni Chloe sa higaan na nasa gitna ng kwarto. Gawa iyon sa kahoy at meron lang manipis na kutson. Napalunok siya saka lakas loob na humarap sa binata.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!