A/N: This chapter is dedicated to my pamangkin, Bebe Nimelyn!

****

"Tell me what happened?" it's Bianca. Nasa canteen sila para sa lunch. Habang si Warren ay nagpadeliver ng pagkain sa office nito.

"About?" balik tanong naman niya, kahit alam naman ni Chloe kung tungkol saan ang tinatanong nito.

"You know what I'm asking. And don't you dare lie to me, Chloe Xavina. Tell me everything, as in everything." mariin sabi ni Bianca with matching pandidilat pa ng mga mata.

Kaya naman kinuwento na lang niya lahat. She have no choice, kilala niya ang kaibigan, hindi din siya nito titigilan.

Sa bawat sinasabi niya ay nanglalaki ang mata ni Bianca at bakas sa mukha nito ang pagkamangha.

"Kaya pala magkasama kayo sa kotse kanina." wika nito pagkatapos niyang magsalita.

At pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang eksena kanina. Paglabas nila ng bahay ay naghihintay na ang kotse ng binata, marahil ay tinawagan nito ang driver nito para maihatid ito sa office. Balak na niyang maglakad papunta sa sakayan nang hawakan ni Warren ang kamay niya at iginiya siya papunta sa kotse nito.
Napatingin na lang siya sa magkahawak nilang kamay. Bakit ba sa tuwing hahawakan ni Warren ang kamay niya lagi siyang natutulala at hindi niya maiwasang kiligin.
Bumabalik sa isipan niya ang nakaraan. Their memories together. Pinagbuksan siya ng binata ng pinto at inalalayan pa papasok ng kotse.

Pagdating naman nila sa Madrigal Builders parang ayaw na niyang lumabas dahil yung ibang mga officemates niya ay nasa harapan pa ng building at nakatingin sa gawi nila. Even Bianca is there too.
Nang pinagbuksan siya ni Warren ng pinto, nag-aalangan man na bumaba, hindi naman maaring manatili na lang siya sa loob. Paglabas niya, agad tumutok sa kanya ang tingin ng mga ka-opisina niya. Ka'close man niya ang lahat, at mga nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa gawi nila, at ang iba ay bumati sa kanila nang dumaan sila sa tapat ng mga ito, hindi pa din niya maiwasang kabahan at isipin kung ano ang tingin ng mga ito sa kanya ngayong nakita siyang kasama ang boss nila.

"Stop that, Chloe." pukaw ni Bianca sa kanya nang mapansin nito ang pananahimik niya.

Napatingin ang dalaga sa kaibigan na nakakunot ang noo. Hindi niya agad naintindihan ang ibig nitong sabihin.

"I know you. Alam ko kung ano ang tumatakbo dyan sa utak mo. And believe me, lahat sila kinikilig sa loveteam niyo ni Boss Warren. Not knowing na dati na kayong loveteam." bakas sa tinig nito ang panunukso.

"Bianca! Ano ba yang sinasabi mo?" nararamdaman niyang namumula ang mukha niya.

"Totoo no! LoeRren!"

"Lo-loren?" kumunot ang noo ni Chloe sa binanggit ni Bianca.

"Not Loren, it's Loe-Rren." Pagtatama nito.
"Combination ng names niyo ni Warren. Chloe plus Warren equals LoeRren." tila kinikilig pa na paliwanag ni Bianca.

"What? Sino naman nakaisip nyan? Ikaw?"

"Haha! I told you, boto ang buong staff ng Madrigal Builders sa inyo ni Boss Warren. Sila ang nagbansag sa inyo nyan. But I am the president of your fans club. Hashtag Sweetheart. Go team sweetheart!" may kasama pang pagtaas ng kamay si Bianca.

Naiiling na lang at hindi na kumibo ang dalaga. Pero aaminin niya na masaya siya na hindi siya pinag-iisipan ng masama ng mga ka-officemates niya.

Bahagya siyang natigilan ng maalala si Warren, how she wish na sana hindi rin siya pag-isipan nito ng masama. But she doubted it, siguradong iba na ang tingin nito sa kanya, patunay na dito ang sinabi nito kagabi. At nakaramdam siya ng sakit sa puso. Naipilig na lang niya ang ulo para iwaksi ang kaisipan iyon. Nagpatuloy na lang silang kumain.

****

Abala si Chloe sa table niya, kaya hindi niya napansin na kanina pa may mga matang nakatingin sa kanya at pinapanuod ang bawat kilos niya.

Nagulat pa ang dalaga nang may biglang umupo sa upuan na nasa harapan ng working table niya. Napakunot ang noo ni Chloe nang makita kung sino ang taong iyon.

"Hi." nakangiting bati nito. Showing his perfect white teeth.

"Sir Bjorne. Nasa office niya po si Sir Warren. Itatawag ko lang po na nandito kayo." akmang aabutin na ni Chloe ang intercom nang pigilan siya ni Bjorne.

"Later. Hindi naman ako nagmamadali. So, how's your work here? Hindi ka ba pinahihirapan ni Warren?" tanong nito. "Don't get me wrong ha? Just asking" dagdag pa nito.

"Ahm, okay naman."

"That's good to hear. Huwag mo na lang pansinin kapag nagsusungit yang si Warren, bitter lang yan." natatawang sabi pa ni Bjorne.

Alam ni Chloe na alam ng mga kaibigan ni Warren ang nakaraan nila. Nagpapasalamat siya at nagkaroon ng mga kaibigan si Warren sa mga panahon na nasaktan niya ang binata.

At nakikita niya kung gaano kalapit at kung paano nila pahalagahan ang bawat isa. Hindi lang magkakaibigan ang turingan nila, they are brothers not by blood but by heart.

"It's snack time, wanna go out?" biglang tanong nito.

Napatingin si Chloe dito, and he winked at her na ikinataas ng kilay ng dalaga. He's using his charms on her, tinitigan ito ni Chloe and she saw amusement in his eyes and she knew instantly that he's just teasing her.

"Nah. Just kidding. Baka mapatay ako ni Warren." natatawang sabi nito, na ikinapula naman ng mukha ni Chloe.

"But kidding aside, I like you. Not in a romantic way, of course. But in a sisterly kind of like. You reminds of my sister, my twin sister actually. I'm kinda miss her, so can you be my little sister?" taas baba pa ang kilay nito habang nagsasalita. And she finds it cute.

Napangiti si Chloe sa inaakto ni Bjorne. At aaminin niya magaan ang loob niya dito. She don't know why, siguro dahil sa lahat ng kaibigan ni Warren, si Bjorne ang may happy personality and nag-uumapaw na charms.

"So?" pukaw nito sa kanya.

"Okay, fine." nakangiting sagot naman ng dalaga. "Sa tingin ko naman, okay kang maging kapatid." kibit-balikat pa niya.

"I know, right!" imitating a girl's tone. At napatawa si Chloe, maging si Bjorne ay natawa sa sariling kalokohan niya.

"What's happening here?" natigil sila sa pagtawa nang marinig nila ang boses ni Warren. "Oras ng trabaho, pero nakikipagtawanan ka?" nakakunot noong tanong nito kay Chloe. "At ikaw? Anong ginagawa mo dito?" baling naman ni Warren kay Bjorne. Bakas sa tinig nito ang iritasyon.

"Chill, Madrigal. I'm here for business." nangingiting sagot naman ni Bjorne. Baliwala dito ang pagsusungit ni Warren.

"You're here for business? Really? So, ano namang business ang ino-offer mo sa secretary ko? At mukhang tuwang tuwa siya base sa inabutan ko." binalingan muli ni Warren si Chloe ng matalim na tingin.

Nag-iwas naman ng tingin si Chloe, hindi niya kayang tagalan ang paninitig ng binata.

Hindi agad sumagot si Bjorne, nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa. Naiiling na tumayo ito at lumapit kay Warren. "Alam mo, dude, masyado kang masungit." inakbayan ni Bjorne si Warren. "Tara sa office mo, usap tayo." iginiya na nito ang binata habang nakaakbay pa din kay Warren na pilit namang inaalis ng binata.

****

A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked this chapter, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie!

👉Jheng👈

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!