Chapter Nine

1.1K 51 4

A/N: Hay! This is it! Nahurt ako sa part na to... 😭😭😭😭

****

Ilang minuto lang sigurong nakatulog si Chloe. Naalimpungatan siya nang maramdaman ang mainit na hininga na tumatama sa kanyang leeg. Dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata. At pinakiramdaman ang katabi. Nang balingan niya ito, napangiti siya nang mapagmasdam kung gaano kapayapa ang mukha nito habang natutulog. Bahagya pa itong nakangiti.

Sana ako ang dahilan ng ngiting yan, ako ang laman ng panaginip mo. Sorry kung iiwan kita. Forgive me, Warren. Mahal na mahal kita. Sorry kung gagawin ko ito. Alam kung mali, pero ito lang ang sa tingin ko ang kailangan kong gawin. Para sa'yo.

Habang marahan niyang pinaglalandas ang hintuturo mula sa noo, ilong at mga labi nito, as if memorizing every lines of his face. Walang humpay ang pagtulo ng luha niya.

I'll miss you, sweetheart. Please, don't hate me that much.

She kissed him for the last time, and slowly remove his hand that hugging her. Maingat na hindi magising ang binata. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi ito magising.

Napaigik siya ng nakaramdam siya ng sakit on her private part nang bumangon siya. It still hurts. Pero tiniis niya, she need to leave the house bago pa magising si Warren. Kahit hirap, nagawa niyang kumilos at hagilapin ang mga damit na nagkalat sa sahig.

Pagkatapos magbihis, she looked at the man who's peacefully sleeping. The man that she promised to love forever. Bago pa magbago ang isip niya ay tumalikod na siya at lumabas ng kwarto. Palayo sa lalaking pinag-alayan niya ng lahat lahat sa kanya.

Madilim na ng magising si Warren, agad niyang tinignan ang katabi ngunit nagtaka siya nang makitang wala na ang dalaga.

"Chloe?" Agad siyang bumangon at saka nagmamadaling nagbihis bago lumabas ng silid.

Hinanap niya ang dalaga ngunit wala na ito. Agad niyang hinagilap ang cellphone para tawagan ito. Nakita niyang nakalapag sa center table ang kanyang cellphone mabilis niya itong dinampot at nagmamadaling tinawagan ang numero ni Chloe. Ngunit ilang ring na hindi pa din sinasagot ng kasintahan ang tawag niya. Hindi niya alam kung bakit binundol ng kaba ang dibdib niya. God! please, let her be safe!

Nagpasya siyang itext na lang ito.

Sweetheart? Nasaan ka? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?

Chloe recieved his text. Hawak lang niya ang cellphone niya, pero hindi magawang sagutin ng dalaga ang tawag ni Warren. How can she answer him na hindi malalaman ng binata na umiiyak siya? She decided to just answer his text.

Nasa bahay na ako. Sorry, hindi na ako nakapagpaalam. Tumawag si Daddy, pinauwi ako.
She hit the send button.

After a few minutes, he replied.

Warren: Bakit hindi mo sinasagot tawag ko? Pinag-alala mo ako.

Chloe: Sorry. Lowbatt kasi, baka madead batt kapag sinagot ko tawag mo.

Warren: Ganoon ba? Sige okay lang. I just want to make sure na okay ka lang.

I am not okay! Gusto niya sanang isagot.

Chloe: Yes, okay lang ako. Sige na, gusto ko na din matulog. Goodnight!

Warren: Okay, goodnight! I love you!

I love you too! Pero hindi na siya nagreply. Ito na ang simula ng pag-iwas niya sa binata. And it's killing her.

****

And true to her words. Ginawa lahat ni Chloe para iwasan ang binata. Agad siyang lumalabas ng classroom pagkatapos ng klase sa takot na baka nag-aabang ito sa labas ng silid-aralan. Iniiwasan din niyang magawi sa lugar na madalas puntahan ng binata. At kung magkikita man sila, agad siyang nagpapaalam na may kailangan lang siyang gawin. She even rejected his calls at hindi rin niya sinasagot ang mga text nito. Na labis na pinagtataka ni Warren. Even Bianca, nagtatanong na din kung bakit.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!