Chapter Forty Five

1.6K 89 23
                                    


A/N: ALERT! ALERT!

Enjoy reading, sweetheart!

****

Kaya hindi na niya nagawang makapalag nang bigla siya nitong hinila papasok sa cabin at natagpuan na lang niya ang sarili na nakasandal sa pinto pagkatapos isarado ni Warren. At sakop na nito ang mga labi niya.

Pilit niyang itinutulak ang lalaki palayo sa kanya, ngunit para lang siyang nagtutulak sa pader, hindi ito matinag sa pagkakayapos nito sa kanya at ang mga labi nito ay patuloy pa din sa pagsalakay sa kanyang mga labi, kahit na pilit niyang itinitikom ang kanyang bibig.

Hinuli nito ang kanyang mga kamay na tumutulak sa dibdib nito at itinaas sa uluhan niya at mahigpit na hinawakan ng isang kamay nito habang ang isang kamay nito ay nagsimula nang humaplos pababa sa katawan niya.

Napasinghap si Chloe nang maramdaman niya ang kamay nito na sumasakop na ngayon sa isa niyang dibdib, at dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Warren na ipasok ang dila nito sa loob ng bibig niya.

"Hmmm..." ayaw man ipaalam ni Chloe sa lalaki kung ano ang epekto ng ginagawa nito sa kanya ay hindi naman niya napigilan na kumawala ang isang ungol habang patuloy pa din ito sa paghalik sa kanya.

Dahil sa narinig na ungol ay mas lalong naging mapusok ang pagsalakay ng mga labi ni Warren kay Chloe.

Halos kapusin na sila ng hininga nang tantanan ni Warren ang kanyang mga labi, ngunit hindi ito tumigil sa pananalakay sa kanya, gumapang ang mga halik nito sa panga niya hanggang sa maramdaman niya ang mainit na hininga nito na tumatama sa leeg niya, at hindi nagtagal ay ang leeg naman niya ang pinauulanan nito ng mga halik.

Maging ang isang kamay nito na nasa dibdib niya ay wala na ding tigil ang pagdama doon, at unti-unting gumagapang ang init sa kaibuturan ni Chloe, marahas man ang paraan ng lalaki sa pagsalakay nito sa kanya at may takot man siyang nararamdaman dito ay mas nananaig sa kanyang pakiramdam ang pagkasabik at kakaibang pakiramdaman.

Ramdam din niya sa kilos ng lalaki ang pagkasabik nito sa ginagawa, na tila matagal na nitong gustong gawin ito at ngayong nabigyan na ito ng pagkakataon ay walang sinoman ang makakapigil pa dito.

At walang balak si Chloe na pigilan ito, kung ito ang gusto ni Warren ay buong puso niyang ibibigay, kung sa ganitong paraan lang niya maipapadama kung gaano niya ito kamahal.

Kaya nang muling salakayin nito ang kanyang labi ng halik ay buong puso siyang tumugon. Ramdam niya ang saglit na paghinto nito dala marahil sa gulat nang maramdaman nito ang pagtugon niya at ang pagkapit ng dalawang braso niya sa batok nito upang mas mapalapit pa ito sa kanya. Saglit lang itong tumigil at muli siya nitong mapusok na hinalikan. Hindi man gaanong sanay si Chloe sa paraan nito ng paghalik ay pilit pa din niyang sinasabayan ito. Hindi nagtagal ay natutunan na din niya ang paraan ng lalaki, tinutumbasan na din niya ang mapusok na pananalakay nito sa kanyan labi, tinutugunan niya ng kasing init na halik nito.

And because of that, Warren became more aggressive. Muling bumaba ang paghaplos nito sa kanyang katawan. Pati ang paghalik nito ay gumapang na muli sa kanyang leeg. Ang kamay nito ay humahaplos ngayon sa kayang hita. She's wearing a dress kaya malayang nahahaplos nito iyon. Sunod na lang niyang namalayan ay naihubad na nito ang kanyang damit, tanging mga panloob na lang ang tumatabing sa kanyang katawan. Saglit itong humiwalay sa kanya upang sipatin ang itsura niya. Hindi man naka-on ang ilaw sa cabin ay sapat naman ang liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan at ilang ilaw sa mga poste sa labas na pumapasok sa nakabukas na bintana na natatabingan lang ng kurtina na nililipad din ng panggabing hangin. He's looking at her intently, bakas sa tingin nito ang pagnanasa na nararamdaman nito ngayon sa kanya.

The Broken PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon