Chapter Seventeen

1.4K 79 10

A/N: Soooooo sooorrrryyyy, sweeties!!! Sooo tagal ng update, i know. Ang busy qoh lang talaga, kapit lang kauh. Ang keep on supporting, Warren and Chloe and the rest of the gang.
Enjoy this chapter, sweeties!

****

Kasalukuyang nag-uusap si Warren at Edward tungkol sa plano ng building, nang makarinig sila ng batingaw na hudyat na lunch break na. Napatingin si Warren kay Chloe. nawala sa isip ni Warren na hindi pa pala sila nanananghalian. Akmang aayain na nya si Chloe na umalis muna sila para sa pananghalian, nang magsalita si Edward.

"Lunch break na pala. Saluhan niyo na kami, Engineer." tatanggi sana si Warren, ngunit bumaling na si Edward kay Chloe. "Ms. Chloe, dating gawi?" nangunot ang noo ni Warren dahil hindi niya naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng foreman.

Napansin ni Chloe ang pagkunot ng noo ni Warren, kaya bumaling siya dito. "Kapag inaabutan kami ng lunch sa mga sites, sumasalo kami ni Mr. Santiago sa kanila.'' paliwanag niya sa binata.

"Hindi ba nakakahiya?"

"Ano ka ba, Engineer, okay lang yon." Edward assured him.

"Nakahanda na ang pananghalian, Foreman. Tara na dito."  napalingon sila sa nagsalita, isa ito sa mga trabahante.

"Tara na, Engineer, Ms. Chloe."  aya din ni Edward.
Sumunod na lang si Warren at Chloe nang maglakad na si Edward patungo sa mga trabahante.

May isang mahabang mesa sa gilid kung saan nakalagay ang mga pagkain.

"Engineer, kain na." Sabi ng isang trabahante sabay abot ng plato sa kanya.

"Salamat."

"Ms. Ganda, wala ng plato, ito na lang gamitin mo," alok kay Chloe nung isang trabahante.

Napalingon si Warren sa gawi nila, nang marinig ang sinasabi nung lalaki.

"Kayo ho, anong gagamitin nyo?"

"Pwede na ako sa takip ng kaldero, Ms. Ganda."

"Huwag na. Share na lang  kami ni Chloe." wika ni Warren na nagpalingon sa kanilang lahat.

"B-but.."

"No buts. Come on, let's eat."

Wala nang nagawa si Chloe kundi ang sumunod kay Warren, nang humanap ito ng pwesto upang makakain. Naupo siya sa tabi ni Warren. And thank God at nakita niyang dalawa ang kutsara na nasa plato nito.

"Chloe?" untag sa kanya ni Warren.

''Y-yes?" wala sa sarili niyang baling kay Warren.

"Kumain na tayo, or do you want me to feed you?"

"H-ha?" pakiramdam ni Chloe ay tila nag-init ang mukha niya ng mag-sink in sa kanya kung ano ang sinabi ni Warren. At lalo pa siyang namula ng makita na nakataas na ang kutsara na may lamang pagkain at akmang isusubo na sa kanya ng binata.

Iniwas niya ang kanyang mukha saka kinuha sa kamay ni Warren ang kutsara. "A-ako na.'' saka niya sinubo yung pagkain.

Nagkibit balikat na lang si Warren at nagsimula na ding kumain. Wala silang imikan dalawa habang nagpapatuloy sa pagkain. Panaka-nakang sumusulyap si Chloe sa binata. Ano ba tong ginagawa ni Warren? ramdam niya na may galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya noon, pero may mga pagkakataon naman na nararamdaman niya at nakikita niya yung dating Warren, yung Warren na sweet at maalalahanin sa kanya. her sweet and loving Warren. Kaya hindi na niya maintindihan kung ano ba ang totoo sa lahat ng pinapakita nito sa kanya. Is this his way to punish her?

Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ni Chloe kaya hindi niya napapansin na sumusulyap din sa kanya si Warren. Hindi maiwasan ni Warren na mamangha sa dalaga, kaya niya talagang makihalubilo sa kahit kanino, sa mga tao mula sa iba't-ibang antas ng pamumuhay, isipin pa na galing siya sa isang marangyang pamilya. From the start, ganito na ang dalaga. But wait, nakalimutan niya na magaling nga pala itong artista. Hindi nga ba at, napaniwala siya nito na tanggap nito ang pagiging mahirap niya noon? na mahal siya nito, ngunit ang lahat ng iyon ay isang kasinungalingan, isang malaking pagpapanggap. Sa kaisipang iyon, ay muling bumangon ang nararamdaman niyang galit sa dalaga. Yes, galit, until now, hindi niya maalis sa sarili niya ang galit na nararamdaman para sa dalaga. Pilitin man niya, ngunit mas mangingibabaw ang kagustuhan niya na makaramdamam ng ganito kasya sa kung ano pa man, hindi na niya hahayaan na siya na naman ang mapaglaruan. This time, he'll make sure na hindi siya ang maiiwang luhaan sa huli.

Pagkatapos ng pananghalian, habang nagpapahinga, ay nakipagkwentuhan si Warren sa ilang mga trabahante. At hindi maiwasan ni Chloe na hindi titigan si Warren, ibang iba na talaga ang binata, at masaya siya na, natupad nito ang pangarap nito, na nagagawa na nito lahat ng gusto nito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na kung hindi ba niya ito iniwan noon, ano kaya ang buhay nila ngayon?  Siguro ay kasal na sila ngayon at nagsisimula nang bumuo ng pamilya. Napangiti si Chloe ng pumasok sa isip niya ang isang imahe ng isang masayang pamilya. She and Warren together with their children at the park, masaya habang kumakain at nagkukwentuhan. Larawan ng isang masayang pamilya.

"Ang ganda ng ngiti mo ah.'' biglang sulpot ni Edward sa tabi niya.

"May naalala lang ako." tipid na ngiti ni Chloe.

"Tungkol sa kanya?"

Nangunot ang noo ni Chloe sa tanong na iyon ni Edward. Hindi niya naintindihan agad kung ano ang ibig sabihin nito.

"Tungkol kay Engineer." may mapanuksong ngiti ito sa labi.

"Kay Warren? Ano bang sinasabi mo?" nahihiyang wika ni Chloe.

"Ilang beses na kitang nakikitang nakangiti, pero hindi tulad ng ngiti mo ngayon, habang nakatingin ka kay Engineer." obserba pa nito na nagpapula sa mukha niya.

"Guni-guni mo lang yan, Foreman." tanggi na lang niya.

My God! Ganoon na ba siya katransparent para makita ng ibang tao kung ano ang nararamdaman niya? How  she wish na sana, si Warren ang makapansin ng bagay na iyon.
Napalingon siya kay Warren at hindi niya inaasahan na nakatingin din ito sa kanya.Ilang sigundong nagtama ang mga mata nila, at hindi niya mabasa kung ano ang binabadya ng mga tingin nito. Naputol lang ang titigan nila, nang may nagtanong na trabahante kay Warren, nilingon ito ng binata at kinausap.

"Ang lagkit ng titigan ha." wika ni Edward, na hindi pa pala tumigil sa pag-obserba.

"Foreman," naiiling na lang na tugon ni Chloe.

****

Pagkatapos magpahinga, balik na muli sa trabaho ang mga trabahante.  Isang oras din nag-usap si Edward at Warren, bago nagpasya si Warren na libutin ang buong site, para makita kung ano na ang mga kailangan at kung tama ang pagkakagawa. Halos nasa kalahati na ang nagagawa sa building, ngunit madami pang dapat gawin, at base sa lagay ng project na ito ay, aabutin pa ito ng mga dalawa o tatlong buwan pa.

Nagpatuloy sa pag-uusap si Warren at ang Foreman habang naglilibot sa site. Si Chloe nakaabang lang kapag may ipinasusulat si Warren.

Patapos na sila sa pag-iikot, nauuna nang maglakad si Chloe para puntahan ang mga gamit nila na naiwan lang sa table. May mga detalye pa na sinasabi si Warren kay Edward habang naglalakad.

Hindi niya alam kung bakit habang nag-uusap sila ng Foreman, ay parang may humahatak na pwersa sa kanya na sulyapan si Chloe, nangunot ang noo niya, nang makita na wala namang kakaiba kay Chloe para makaramdaman siya ng kakaiba, naglalakad lang naman ito.

Wala sa loob na napatingin siya sa taas, at nangunot ang noo niya ng makita na parang may mali sa pagkakasalansan ng mga kahoy sa taas. Bumalik ang tingin niya kay Chloe, saka muling tumingin sa itaas, at ganoon na lang ang paglaki ng mata niya ng makitang  pabagsak na ang mga kahoy!

At siguradong tatamaan si Chloe! Kakaibang takot ang bumalot sa buong pagkatao ni Warren, hindi na siya nagdalawang isip  na takbuhin ang kinaroroonan ni Chloe.

"Chloe!"

****

-A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked my story, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie!

👉Jheng👈



The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!