Chapter Twenty Five

1.1K 88 26

A/N: Finally, nakapag'update din. So tagal no? Hehe! Paxenxia naman, busy lang talaga, hectic ang schedule. Haha!

Anyway, this chapter is dedicated to @justbunnyyy (Mehanna)
Sabi ni tita mo, nagbabasa ka din daw. Thank you! Enjoy reading!

****

"Mahal.. kita..."

"Mahal... kita..."

"Mahal... kita..."

Paulit ulit na naririnig ni Chloe ang mga salitang iyon sa utak niya. Nakatulala lang siya sa harap ng salamin habang binabalikan sa isip ang  nangyari nong gabing iyon.

FLASHBACK

"Mahal... kita.." marahang bigkas ni Warren habang nakapikit na ang mga mata.

Kumabog ng malakas ang dibdib ng dalaga sa narinig at kasabay non ang pagtulo ng luha. Her heart aches for that. She doesn't know why. Hindi niya alam kung totoo iyon o epekto lang ng alak kaya nasabi ni Warren iyon. O marahil nasasaktan siya dahil kung totoo man iyon, kailangan pang may alak sa sistema nito para masabi iyon. O kung para sa kanya ba ang mga iyon.

Ilang minuto pang pinakiramdaman ng dalaga si Warren. Hinihantay niya na muli itong magsalita. Na sabihin nito na totoo iyon at bigyan siya ng assurance na magiging okay na sila.

Pero hindi na ito muling gumalaw at nagsalita. Lumuwag na din ang hawak nito sa kamay niya. Indikasyon na tulog na ito.

Kinabukasan ay hindi na niya nagisnan si Warren sa tabi niya.  Ang akala niya ay nauna na itong pumasok sa opisina, na pabor naman sa kanya dahil hindi niya alam kung paano aakto ng normal sa harap nito pagkatapos niyang marinig ang mga salitang iyon.

Pero pagdating niya sa Madrigal Builders ay wala doon ang binata. Hindi niya alam kung nasaan ito. Kaya nang sumapit ang lunch break ay nagpasya na siyang tawagan ang secretary nito sa advertising company nito para alamin kung nandon ang binata at kung pupunta ito sa Madrigal Builders.

Ganon na lang ang panglulumo niya ng sabihin ng secretary nito na nasa Singapore si Warren para sa isang biglaang business conference.  Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib ng maisip ang bagay na yon. Pero ano nga bang karapatan niya? Sino ba siya para magpaalam pa ang binata sa kanya?

Pero secretary siya ni Warren, db? Dapat alam din niya ang mga whereabouts nito. Pero wala sa schedule nito na aalis itong bansa. Tulad nga ng sabi ng secretary nito sa advertising ay biglaan ang alis nito para sa conference na yon.

Pilit na iwinaksi ni Chloe sa isip ang nangyari ng gabing iyon. Halos isang linggo na ang nakalipas pero nandon pa din ang damdamin ng pagkalito lalo na at hindi pa sila nagkikita ulit pagkatapos ng gabing iyon.

Gusto niyang alamin ang totoo. Pero natatakot din siya sa maari niyang malaman o sa maaring maging epekto nito sa kanya. Kung sasaya o masasaktan lang siya.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga saka pinagpatuloy na ang pag-aayos sa sarili para pumasok na  sa opisina.

****

"Good morning, Ms. Chloe!" Masayang bati ng security guard kay Chloe.

"Morning, kuya!" Tipid na tugon lang ng dalaga. Saka lang bahagyang ngumiti dito.

Nagtuloy na siyang pumasok sa building. Nakita niya na iilan pa lang ang nandito. Maaga pa naman. Binati siya ng mga kasamahan nang makita siya.

Bahagyang ngiti lang ang tugon niya. Wala siya sa mood ngayon. Actually ilang araw na, since ng umalis si Warren. Hindi siya makapag-focus sa work, laging pumapasok sa isip niya ang binata. Kahit may ginagawa  siya bigla na lang siyang matutulala at  maiisip si Warren.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!