Con. 29

3.5K 136 123
                                    

Continuation of CHAPTER 29 (Operation: Make the Maldita SUFFER)
___

ADRIAN's POV:

SINIPA ko ng malakas ang bato na nakita ko, matapos akong talikuran ni Yassy.

Talagang umiral na ang pagiging maldita niya na halos ayaw akong pakinggan.

Tsk. Nilalayo ko lang siya sa ikakasama niya dahil masamang impluwensya si Jiho.

Kinakabahan tuloy ako sa posibleng maganap kapag natalo ako sa labanan.

Hindi kasi ako masyadong close sa mga estudyante rito, kumpara kay Jiho.
Cold akong tao kaya madalas akong snob at walang pakialam sa mga nakapalibot.

Kaya nga nagtataka ako kung bakit binoto nila ang isang tulad ko.
Siguro dahil sa gwapo ako at matikas ang pangangatawan.

Pero ngayon, hindi na ako sigurado kung mananalo pa ako.
Alam ko kasi na mas close ni Jiho ang mga estudyante rito.

"Tangina kasi!", malutong na mura ko.

Naglakad na rin ako papunta sa room namin dahil wala ng rason para mag-stay ako sa likod ng building.

Umalis din naman si Yassy at hindi niya sinunod ang gusto ko.
Masyadong matigas ang ulo ng dalaga.

Gusto ko sanang magalit at pagbitiwan siya ng masakit na salita, kaso hindi ko masabi.

I don't know what happened to myself.
Namulat na lang ako sa katotohanan na mali ang pagtrato ko sa babae.

Matapos naming magtalik, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
May kung anong tumutulak sa aking dibdib na dapat ko siyang protektahan at baguhin ang gawing nakasanayan ko.

So starting today, magiging tototo na ako sa sarili. Pipilitin ko na maging kalmado sa tuwing kasama si Yassy.
Gusto kong bumawi sa kanya.

Kaya heto, pinagpatuloy ko ang paglalakad.
Kaso hindi pa man ako nakakarating sa may corridor, nakita ko si Jiho na kausap ang mga grupong babae.

Akalain mo nga naman, hindi pa nagsisimula, gumagawa na agad siya ng paraan para makuha ang loob ng mga college students.

"Adrian!", sigaw nito nang masilayan ako.

Nag-salute pa ito sa akin na animo'y kaibigan ko siya.

Hindi ko na lang ito pinansin, dahil wala akong oras para makipagplastikan sa kanya.

"Pare, goodluck.", wika niya nang dumaan ako sa pwesto nila.

"Salamat.", malamig na turan ko para ipahatid sa binata na hindi ko gustong kausapin siya.

"Welcome pre. Sana manalo ka.", litanya ni Jiho na may pang-iinsulto sa boses.

"Oo, mananalo talaga ako. Kaya galingan mo.", tugon ko sabay ngisi.

Hindi ko tuloy napigilan ang bibig ko dahil ayoko sa lahat yung minamaliit ako.

"Syempre naman. Nando'n si Yassy eh. Alam mo na, crush ko 'yon. Pero balita ko, girlfriend mo pala ang dalaga.", pagwiwika ng lalaki.

"Alam mo na pala, edi dumistansya ka.", sambit ko naman.

"Bakit naman ako didistanya? Hindi 'yan, uso sa akin.", he replied.

Fuck! Talagang hinahamon niya ako!

"Subukan mo lang na manghimasok sa relasyon namin, paduduguin ko 'yang labi mo.", madiin na saad ko rito.

"Hindi ako manghihimasok, pre. Hindi ako ganyan kababaw. But you know what, kapag nanalo kami ni Yassy, mapupunta sa akin lahat ng atensyon niya. At kapag nangyari 'yan, she will fall inlove with me.", pakindat na tugon niya at nagpogi-points pa sa harap ko.

Shit! Makakabasag yata ako ng mukha ngayon!

END OF CHAPTER 29
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon