Chapter 25

940 36 0
                                    

CHAPTER 25 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____

Yassy's POV:

HINDI ko na nahabol pa si Adrian.

Pagkalabas niya ng cafeteria, hindi ko na siya nakita pa.

Hayyy. Ang bilis niya kumilos.

Hindi pa naman ako familiar sa campus na 'to. Kaya wala akong magawa kundi ang bumalik sa room ko.

Siguro lilipas din ang galit ni Adrian kapag lumamig na ang ulo niya.

'Di bale, magkasama naman kami sa bahay kaya madali ko siyang masuyo.

"Oh? Ba't hindi yata maipinta ang mukha mo, Yass? May problema ba?", tanong ni Jiho na nasa pinto.

Nagcecellphone siya nang maabutan ko kaya natigil ito sa ginagawa.

"Wala.", tipid na sagot ko.

"Anong wala? Huwag ka ng magdeny. Halata naman sa mukha mo na hindi ka ayos eh.", he said.

"Halata pala, magtatanong ka pa. Anyway, dadaan ako kaya gumilid ka nga.", pagsusungit ko sa binata.

Siya ang dahilan kung bakit nagalit sa akin si Adrian, kaya iiwasan ko muna siya.
Baka lumala pa ang hindi namin pagkakaintindihan ng nobyo ko.

Oo na, mali ako. At tama naman ang sinabi niya. Siguro, nagkataon na pinairal ko ang pride ko kanina dahil masyadong ma-tao sa caferia.
Ayoko kasi na napapahiya ako lalo na kung maraming nakakarinig at nakakakita.

"Ang taray mo yata, Yassy. Gusto mo, alisin natin 'yang katarayan mo?", kagat-labi na bigkas ni Jiho.

"Jiho, wala akong oras na makipag-usap sayo. So please, lubayan mo ako.", pakiusap ko ng sabi sa kanya.

Ang hirap niya kasing kausapin, sinabi ng dadaan ako pero mas hinarangan niya pa ang pinto.

"Friends na tayo diba? At ang magkakaibigan, nagtutulungan dapat. And I guess, you need my help para maging masaya ka.", turan niya ulit.

"I can make myself happy, without your help. So excuse me.", tugon ko at malakas ko siyang tinulak dahilan para makapasok ako.

"Ang ganda mo sana kaso ang maldita mo. But I like it. Gusto ko pa naman sa babae yung palaban.", pahayag nito sa akin.

"Tsk.", Ito lamang ang tanging binigkas ko at umupo para makapagrelax ang isip.

Hihintayin ko na lang na matapos ang klase para magkita kami ni Adrian sa bahay.

Sa tingin ko kasi, hindi niya ako sasabayan pag-umuwi. Gano'n ang binata eh, may isang salita.
Kapaga sinabi niyang 'bahala ako', hindi na talaga ito gagawa ng paraan.

Well, in the first place, ako yung nagkamali.
So I deserve this.

Magiging malambot na naman ang puso ko mamaya para suyuin ang lalaki.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Adrian noh? Tapos ang sweet niya pa sa akin.", sambit ni Andrea habang palakad ito sa kanyang pwesto.
Sa boses palang nito, halatang kinikilig ang singit ng dalaga.

Talagang minention niya pa ang pangalan ng boyfriend ko ha? Nakakabwisit!

"And guess what? Nung tanungin ko siya kung may girlfriend na, he answered NO.", madiin na patuloy niya.

Kausap niya kasi ang mga alipores habang binabalita ito.
Kaya yung tingin ni Andrea, napunta sa akin para ipahiwatig na nagsisinungaling ako.

"Nakakaawa ang isa dyan, na-deny ng boyfriend. Or should I say, ang taas ng pangarap niya para sabihin na boyfriend niya ang Campus King dito.", turan muli nito.

Nagtawanan ang mga kasamahan ni Andrea para insultuhin ako.

Pero ano? Si Adrian, Campus King?!

©Binibining_Timoji
To be continue...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon