Chapter 8

1.8K 82 3
                                    

Chapter 8 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
_____

Yassy's POV:

"KUMUSTA ang tulog mo kagabi?", bungad na tanong ni Patrick sa akin pagkalabas ko ng kwarto.

Nasa hapag-kainan na silang dalawa habang kumakain ng almusal.

"Okay lang.", tanging tugon ko bago tumungo ng lababo.

Kahit papano, naging maayos naman ang pagtulog ko dahil malambot ang kama ni Adrian, hindi katulad nung nasa lapag ako.
Besides, may electric fan doon kaya hindi ako gaanong nainitan.
___

Marahan kong pinihit ang gripo para makapaghilamos na ako.
And after that, pumunta na ako sa upuan para kumain na rin.

"Siguro naman, para sa akin na 'yang hotdog.", paniniguro kong bigkas.

Nakatingin ako ngayon sa binatang si Adrian na biglang napatigil sa pag-nguya.

"Yeah. Para sayo na 'yan.", tanging saad nito.

Napangiti tuloy ako, dahil kakaibang Adrian ang nakikita ko sa mga oras na 'to.

"Thank you, sana ganyan ka lagi.", mahina kong sabi.

Agad kong tinusok ang hotdog gamit ang tinidor at nagsimula ng mag-almusal.

Kahit isang maliit na hotdog lang ang ulam ko ngayon sa sinangag, masayang-masaya na ako.

Syempre, hindi na ako nagluto pa at pinahirapan ni Adrian.
Kaya feel na feel ko 'tong kainin na walang iniisip na pagod.

"Nga pala, sasamahan kita mag-enroll sa bago mong school.", mabilis na sambit niya dahilan para mapahinto ako.

"Huh?",

"Sabi ng Dad mo, papasok ka sa University na pinapasukan ko.", muli nitong pahayag.

"What?!", inis ko ng bigkas na may kataasan sa pananalita.

"Hindi ka naman bingi, kaya alam kong narinig mo ang sinabi ko.", he said again.

"Pero--", Akma sana akong magsasalita ulit, kaso tumingin siya sa akin ng matalim.

"Just continue eating, dahil mamaya, aalis tayo.", seryosong tugon niya.

"Sasama ako.", singit na wika ni Patrick.

"No. Dito ka lang sa bahay.", saad ni Adrian sa kapatid.

"Kuya---",

"Uuwi rin kami agad, kaya dito ka lang.", pagdedesisyon nito.

"Tsk.", iling na turan ni Patrick na tila wala na s'yang magawa.

Mukhang may masamang binabalak si Adrian sa akin ha?
Hindi ko yata gusto ang mga titig niya.

Oo, ramdam kong sinusulyapan ako ng lalaki, kaya napapalunok tuloy ako ng laway.

Matapos kong mag-almusal, naligo na ako at nag-ayos.
Sinuot ko na rin ang best outfit ko, para hindi ako mahirapan sa enrollment.
Idadaan ko na lang sa pagpapacute at charming ang lahat.

"Bilisan mo na ang kilos, Yassy. Anong oras na, ohh!", sigaw ng binata mula sa labas.

Kasalukuyan akong nag-aapply ng make-up sa mukha, kaya medyo natagalan ako sa loob ng kwarto niya.

"Saglit lang! Masyado ka namang excited!", balik na wika ko.

Ilang minuto ay lumabas na rin ako.
Kaso nga lang, yung reaksyon ni Adrian, hindi maipinta.

"University ang pupuntahan natin, hindi party.", inis na pahayag niya.

"Alam ko. Ano bang problema?",

"Yung suot mo ang problema. Masyadong strikto ang University namin. Kaya hindi ka makakapasok na ganyan ang damit mo.", pagsasaad nito.

"Ano bang problema sa damit ko? Ang ganda kaya. Bagay na bagay sa sexy kong katawan.", proud na wika ko sa kanya.

"Seriously? Anong ikina-sexy mo? Para kang kawayan sa lagay mong 'yan.", pang-iinsulto nito.

"Anong sabi mo?", usal ko na animo'y uusok na ang ilong ko sa galit.

"Kawayan.", ulit n'yang sambit.

Talagang pinapakulo n'ya ang dugo ko ha?!

"Malabo yata ang mata mo para hindi mo makita ang kasexihan ko. Look at my body, coca-cola ang shape. At itong hinaharap ko, alam ko na ganito ang habol niyo.", tugon ko kay Adrian para ipagtanggol ang sarili.

I'm pointing my breast, right now.

Malaki kasi ang suso ko, kaya maraming nagkakagusto sa akin.

"Nagkakamali ka. Hindi ako kasama sa mga lalaki na habol ay ganyan. Ibahin mo ako, Yassy. Mas gugustuhin kong maliit ang dede ng babae, para sa gano'n, ako ang magpalaki.", diretsang wika nito, bago ako tinalikuran.

Tangina!

Hindi ko talaga mabasa ang tumatakbo sa utak niya.

Mas wild pa siya sa iniisip ko.

____
©Binibining_Timoji

To be continue...

A/N: Don't forget to vote and comments your feedbacks.

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon