Chapter 23

929 31 0
                                    

CHAPTER 23 (Operation: Make the Maldita Suffer)
___

Yassy's POV:

THIS IS IT!

Ang unang araw ng klase namin.

Mabilis talaga ang takbo ng oras kaya hindi ko aakalain na pasukan na agad.

Sabay kami ngayon ni Adrian na papasok sa Campus, kaya ang kinalabasan, naghihintay siya sa akin sa labas ng kwarto.

Nakabihis na kasi ang binata samantalang ako nag-apply ng make-up sa mukha.

I need this, para maging maganda ako sa paningin ng mga tao sa University.

Mahirap na, ang yabang ng Campus Queen nila na si Andrea. Akala mo kung sinong mayaman, ang cheap naman ng suot.

"Babe, 20 minutes na lang, magtatime na.", pagkakatok ng lalaki.

"Oo na po, saglit lang. Malapit na akong matapos.", tugon ko sa kanya.

After a minute, lumabas na ako ng room at agad na inakbayan siya.

"Tara na Jowa, pasok na tayo.", masayang sabi ko.

Hindi muna ito kumilos at tiningnan ang labi ko na mapula.

"Hindi party ang pupuntahan natin, Yassy para magmake-up ka ng ganyan.", seryoso nitong wika.

Mukhang galit na naman si Kumander kaya inalis ko ang akbay at kinuha ang panyo.

"Sabi ko nga, tatanggalin ko na ang lipstick.", I said.

Akma ko na sana itong pupunasin sa labi ko, pero bigla niya akong pinigilan.

"Babe, matatagalan ka pa niyan. Mas mabilis kung labi ko mismo ang gamitin mo para maalis agad 'yan.", turan niya at walang paligoy-ligoy na hinalikan ako.

Ang dami niya talagang alam kaya mabibigla ka na lang.

"Taste sweet. Thank you sa goodmorning kiss.", nakangiting sabi niya.

"Suss, kunwari ka pa. Gusto mo lang ako machansingan.", pagkukurot ko sa tagiliran niya dahilan para matawa kami pareho.

Lumabas na kami ng bahay pero naalala ko ang kalsada na dadaanan namin.
Buset! Malinaw pa rin sa isipan ko ang mga aso na nagbabantay lagi sa daanan na 'yon.

"Adrian, pwede bang sumakay na lang tayo? Baka makagat tayo ng mga aso dito eh.", bigkas ko sa binata.

"Chill babe, hindi ko hahayaan na kagatin ka nila. Dadaan muna sila sa binti ko, bago ka nila makagat.", sambit niya na ikinangiwi ng bibig ko.

"Babe, alam kong mahal mo ako. But you don't need to sacrifice yourself just to save me. May tricycle naman na pwede nating sakyan. Huwag kang feeling hero dyan.", tugon ko sabay batok ko sa leeg niya.

"Hays. Oo na. Minsan na nga lang ako maging sweet, hahadlangan mo pa. So let's go.", saad niya at hinawakan ang kamay ko.

Tumawag siya ng tricycle at sumakay kami doon.

Mabuti na lang at hindi trafic kaya nung nag-bell, sakto naman na nakarating kami.

"Magkaklase tayo diba?", tanong ko kay Adrian.

"Hindi. Hindi tayo magkaklase, babe. Pero magkatabi ang room natin. Kaya oras-oras dadaan ako sa room niyo para silipin kung may lumalandi sayo na lalaki. So make sure, na walang lalapit sayo dahil kapag nakita ko talaga---",

"Kalma. College na ako at hindi elementary. Besides, sayo lang ako kakalampag. Pumasok ka na nga dyan.", pahayag ko nang putulin ko ang sasabihin niya.

"Okay. I love you. Papasok na ako. Pero gusto kong ipaalala muli ang pinag-usapan natin. Ako at ikaw, tayong dalawa lang ang magkasabay na kakain, uuuwi at higit sa lahat, akin ka lang ha? Galingan mo, babe.", malambing na sabi niya.

He kissed my forehead bago siya tuluyang pumasok sa room niya.

Kilig na kilig tuloy ang utong ko.

©Binibining_Timoji
To be continue...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon