Chapter 20

937 36 0
                                    

CHAPTER 20 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
_____

YASSY's POV:

"GOODMORNING ADRIAN!", masiglang sambit ko nang magising siya.

Kakalabas palang nito ng kwarto habang ako ay nasa mesa na may hinandang almusal.

Panibagong araw na naman.
And yes, it's been two days since mangyari ang pagtatapat niya.

Ang bilis ng oras noh?
But still, kahit dalawang araw na ang nakalipas, sariwa pa rin sa aking ala-ala kung paano niya sinabi ang salitang 'gusto kita'.

At simula noon, lagi ko siyang pinagsisilbihan.
Hindi na ito pakitang-tao dahil gustong-gusto ko na rin si Adrian.

Iba siya sa mga lalaking nakilala ko.

Dahil kung tutuusin, lahat ng lalaki na dumating sa buhay ko, mabilis akong mahalin dahil sa kagandahan ng aking mukha.

Pero si Adrian, tinanggap niya ang buong pagkatao ko.

And take note, siya ang naging tulay para maranasan ko kung paano maging mahirap.

Sa madaling salita, kahit masungit at antipatiko siya, may magandang dulot ang lalaki sa akin.

"Hays. Diba ang usapan natin, hindi mo na kailangan kumilos dito sa bahay?", wika niya nang lumapit sa gawi ko.

"Adrian, it's my choice. Napag-usapan nga natin, pero desisyon ko pa rin kung kikilos ako. Besides, ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising pa.", bigkas ko sa binata.

"Oo nga noh? Ang sarap kasi ng panaginip ko.", he laughed.

"Halata naman sa mukha mo. Tingnan mo, may laway ka pa sa gilid ng labi. Siguro sexing babae ang nasa panaginip mo, kaya naglalaway ka.", usal ko sa kanya.

"Yeah, babae nga. Hindi lang sexy, sobraaang ganda pa.", wika nito dahilan para mainggit ako.

May karapatan naman ako magselos diba?
Because we both love each other.

"Sana all.", tanging bigkas ko.

Naupo na ako para sana iwasan ang tingin niya.
Napawi tuloy ang sigla ko at napalitan ito ng tamlay.

"T-tara na, mag-almusal na tayo.", I said again without looking at him.

Pero tumawa siya at pinatong ang kamay sa magkabila kong balikat.

"Ang bilis mong magselos. Ayaw mo bang malaman kung sino ang babae sa panaginip ko?", he asked.

"Nevermind. I don't care anymore. Panaginip lang 'yan, kaya imposible na magkita kayo sa personal.", mataray kong wika.

"Well, you're wrong. Dahil nakita ko na siya. Nakakausap ko pa nga at nakakasama.", he continue.

"Edi sana all nga! Kung gusto mo, pakasalan mo pa 'yon eh! Magsama kayo!", malaka na sambit ko.

Nagawa ko na rin ibalibag ang kutsara sa plato dahil sa sobrang pagka-bwisit ko.

Ang ganda sana ng mood ko kanina, kaso biglang nawala.

"My girlfriend getting jealous. Nakakatakot ka pala magselos noh? Pati sarili mo, pinagseselosan mo.", bigkas niya dahilan para magulat ako.

"H-huh?",

"Ikaw ang tinutukoy ko sa panaginip, Yassy. Akalain mo 'yon, hanggang sa panaginip, kasama pa rin kita. Siguro, tama ang kasabihan ng matanda. Kung sino ang lagi mong nakikita sa panaginip, 'yun daw ang gusto mong makasama habang buhay.", pahayag ni Adrian.

Umupo na rin siya sa tabi ko, and he hold my hand.
Ganito lagi ang sitwasyon namin.
Ganito lagi ang kaganapan namin sa loob.

"G-girlfriend mo na ako?", nauutal ko pang saad.

Ito kasi ang unang sinabi niya, kaya malinaw sa aking tenga kung paano niya ito bigkasin.

"Yes. I want you to be my girlfriend. Pero kung nabibilisan ka sa desisyon ko, pwede naman kita ligawan.", wika niya muli.

Agad akong umiling at ngumiti para sabihin na ayos lang.

"Adrian, kahit hindi mo ako ligawan, handa akong sagutin ka. Sino ba naman ako para tanggihan ang tulad mo diba?", I replied.

"So you mean 'yes', as in, tayo na?", pagkaklaro nito.

"Oo, Adrian. Tayo na. At ayoko na tanggihan ka dahil baka agawin ka pa sa akin ng iba. Kasi sa totoo lang, madamot ako pagdating sa mga taong mahal ko.", pag-aamin ko naman.

Isa ito sa ugali ko na kailanman, hindi ko ililihim.

Selosa akong babae. And at the same time, madamot ako.

"Don't worry, sa ating dalawa, ikaw ang kumander. Lahat ng mga ayaw mo, iiwasan ko para walang problema. I love you.", malambing na sabi niya.

Damn! Ang cute ni Adrian kapag nagiging sweet siya sa akin.

Sarap halikan!

©Binibining_Timoji
To be continue...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon