Con. 27

976 34 1
                                    

CONTINUATION CHAPTER 27 (OPERATION: Make the Maldita SUFFER).
____

ADRIAN's POV:

"DAPAT hinayaan mo na lang si Andrea.", turan ko kay Yassy habang patungo kami sa cafeteria.

"I'm sorry. Hindi ko lang kasi makaya na ginaganon ako, lalo na kung sinasabi nito na hindi tayo bagay. Kasi nasasaktan ako.", wika niya na may nguso sa labi.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanyang labi at minabuting ituon ito sa dinadaanan.

"Hays. Kahit na. Dapat hindi mo pinatulan.", I said again.

"Pero nasa tamang katwiran ako, Adrian. Teka nga, kinakampihan mo ba siya?", turan nito nang tumigil siya sa paglalakad.

"Hindi naman sa gano'n.", I replied.

Pilit siyang ngumiti at inalis ang kamay niya sa kamay ko.

Holding hands kaming naglakad, pero ngayon magkahiwalay na dahil bumitaw siya.

"Akala ko ba ipapakilala mo ako sa harapan ni Andrea? Bakit parang natameme ka? Sa halip na ikaw ang magpakilala sa akin, ako pa mismo.", aniya ni Yassy na may lungkot sa pananalita.

"Sumingit ka kasi sa usapan kaya hindi--",

"It's okay. Let just eat.", saad niya na hindi man lang pinatapos ang paliwanag ko.

Tsk. Nagtatampo yata ang dalaga?
Kailangan ko bang suyuin siya o huwag na lang?

"Babe, pinagtanggol kita kanina. Hindi mo lang 'yon narinig dahil nasa loob ka pa.", pagsisinungaling ko.

"Talaga? Bakit ano bang sinabi mo?", tanong nito sa akin.

"Ahm, sinabi ko na mahal kita. Kaya ayokong naririnig na pinagsasabihan ka niya ng masama.", I said.

"Wow! So sweet naman babe.", masayang sabi niya na animo'y napawi agad ang tampo.

Ang bilis niya pala suyuin, hindi ako nahirapan.

"I love you. Kaya wala kang dapat na ikabahala.", tugon ko at hinalikan ko siya sa noo.

MASAYA kaming nag-lunch at kumain.

Hindi tuloy maalis sa amin ang tinginan ng mga tao.
Kung sabagay, CAMPUS KING ako dito.
Kaya kilala ako ng mga estudyante.

"Grabe! Ang famous pala ng boyfriend ko.", sambit ni Yassy habang nakangiti sa akin.

Panay lapit kasi ang mga babae para magpapicture lang.

"Hindi ka nagseselos?", I asked her.

"Nope.", tugon nito at lumapit sa aking pwesto.

Nasa likuran ko siya at hinawakan ang balikat ko.

"You know what Adrian, may dahilan ang pagselos ko. Ewan ko ba, kumukulo ang dugo ko kay Andrea. Kasi babae ako, at ramdam kong gusto ka niya.", pagkekwento ni Yassy.

"I understand. Handa naman akong iwasan 'yon para sayo.", wika ko sa kanya.
Halos mapunit ang labi nito sa lawak ng ngiti.

"Really? As in gagawin mo talaga?", paniniguro niya.

"Yeah. Dahil ayokong nagagalit ang girlfriend ko. I love you, Yassy.", tugon ko at tumayo ako para halikan siya.

Smack kiss lang 'to, pero naging hudyat ito dahilan para tumili ang mga nasa loob.

SHIT! Tila umiba yata ang naramdaman ko sa kanya.

Palabas lang 'to diba?

Hays! Hindi pwede!

Hindi ko pwedeng totohanin 'to.

END OF CHAPTER 27
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon