Con. 6

1.4K 61 0
                                    


Continuation of Chapter 6 (Operation: Make the Maldita Suffer)
_____

Adrian's POV:

Hindi ko alam kung ano ang pinakain ni Yassy kay Patrick dahil ganito na lamang ang pagiging concern niya sa dalaga.

Oo, binigay nga nito ang pritong isda na dapat sa kanya.
Hindi naman siya ganyan dati.

Katulad ko rin siya na walang pakialam sa ibang tao. Pero tila umiba yata ang pananaw n'ya sa buhay, ngayong nakilala nito si Yassy.

"By the way, saan ka pala natulog? I mean, isa lang ang kwarto dito sa bahay namin. So, magkatabi ba kayo ni Kuya?", tanong ng kapatid ko.

Tahimik lang ako na kumakain, habang sila ay nagkekwentuhan.

"Hindi ah. Dito ako sa lapag natulog.", sagot ng babae na animo'y anghel kapag kinakausap si Patrick.

Tsk. I got it!
Nagbabait-baitan siya kapag kasama ang utol ko, para magkaroon siya ng kakampi dito.

Maldita na nga, plastik pa!

"Nagawa mong matulog sa lapag? Nakakamangha ka talaga.", masayang wika nito.

"No choice eh. Pero ayos lang, ang mahalaga nandito ako sa loob ng bahay.", mahinang sabi ni Yassy.

Tangina!
Kung kaya n'yang paikutin ang kapatid ko, ibahin niya ako.

Hindi niya ako madadala sa pagpapacute.

"Pwede ba, galangin niyo naman ang pagkain. Mahiya naman kayo. Daldal kayo ng daldal.", bigkas ko para matahimik na sila

Nagawa ko na ring kalampagin ang mesa dahil sa aking inis.

Kaya nagkatitigan sila, kasabay no'n, tahimik na silang kumain.

At tanging kutsara at tinidor na lamang ang gumagawa ng ingay sa loob.

And after we eat, mismong si Yassy na ang kumuha ng plato at baso para sana ilagay sa lababo.

Kaso lahat ng kinuha niya, nahulog ito sa sahig dahilan para mabasag 'yon.

"Fuck! Simpleng bagay na nga lang, hindi mo pa nagawa?!", asar kong sigaw ko sa babae.

"H-hindi ko naman sinasadya. Na-out of balance lang ako.", pagpapaliwanag niya.

"Tigilan mo nga ako. Ang sabihin mo, lampa ka lang.", saad ko sa dalaga.

Pagalit n'ya akong tiningnan na animo'y sasagot ito sa akin.

But I was wrong, dahil binaling niya ang tingin sa mga basag na plato at baso, kasabay no'n ay umupo siya para sana pulutin ito.

"Yassy, no. Masusugatan ka. Let me, help you.", sambit ni Patrick nang lapitan ang babae.

Hinawakan niya pa ang kamay nito, kaya hindi natuloy ng dalaga ang binabalak niya.

"Tsk. Pati ba naman sa paglilinis ng sariling kalat, tutulungan mo pa siya?", wika ko sa aking kapatid.

"Paano 'yan matututo, kung palagi kang nandyan para sagipin siya?", muli kong litanya.

"Kuya, ginagawa ko 'to dahil ito ang tama.", bigkas ni Patrick at kumuha ng dustpan at tambo.

Gusto kong sapakin ang utol ko, para matauhan siya.

Nahihibang na yata ang taong ito.

Pero pinili kong pigilan ang aking emosyon, dahil kahit bali-baliktarin, kapatid ko pa rin si Patrick.

"Palalampasin ko ang araw na 'to ha? Pero sa mga susunod na araw, ayokong makikita na pinagtatanggol mo pa siya.", saad ko sa kanya.

Pumasok na ako sa kwarto, para kunin ang phone.

Pagkabukas ko no'n, bumungad sa screen ang message ni Sir.

"Adrian, may tiwala ako sayo. So please, gawin mo ang lahat para mabago mo ang ugali ng aking anak.", pagbabasa ko.

Ang totoo, n'yan, two weeks lang ang binigay na palugit sa akin ng dad ni Yassy.

Kaya dapat sa loob ng two week, magawa kong maalis ang kamalditahan niya.

END OF CHAPTER 6
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon