Chapter 5

1.4K 65 1
                                    

Chapter 5 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____

Yassy's POV:

"BAKIT MAGKASAMA KAYO NG BABAENG 'YAN?",

Bungad na tanong ni Adrian nang lumabas ito sa pinto.

Hindi agad ako nakapag-react dahil nagpoproseso pa rin sa aking isip ang tungkol sa kanila.

Sino bang mag-aakala na may kapatid palang anghel ang isang demonyo na katulad niya?

Like hello, hindi ko alam kung saang planeta galing ang lalaki dahil hindi sila magkapareho ng ugali ni Patrick.

"Teka nga, magkakilala kayo?", sambit ng binatang katabi ko.

Pumagitna siya na animo'y naguguluhan sa nangyayari.

"Doon na lang natin 'to pag-usapan sa loob, Patrick.", bigkas ni Adrian na tila inaaya kaming pumasok.

Hindi na ako nag-atubli pa at agad na pumasok sa maliit na bahay.

Ayoko kasing magtagal sa labas dahil nasisira ang skin ko.
Masyadong maalikabok at hindi ko gusto ang ihip ng hangin.

"H'wag mong sabihin na girlfriend mo siya, kuya.", wika nito na tila atat na atat malaman ang totoo sa amin ng kapatid niya.

"Eww. H'wag kang magsalita ng ganyan ha? Nandidiri ako mula paa hanggang ulo.", maarte kong saad.

"Pwede ba, usapang magkapatid 'to, hindi ka dito kasali.", pagsisita ni Adrian.

Tinarayan ko na lamang ito at hinayaan kong pakinggan ang usapan nila.

"Hindi ko siya girlfriend. Kilala mo naman ako utol, diba? Hindi ako pumapatol sa babaeng maitim ang budhi.", sambit nito bilang sagot sa tanong ng kapatid.

Pero kinalma ko ang sarili dahil ayokong ipakita kay Patrick na gano'n akong tao.

Siya pa naman ang tumulong sa akin.
At malay natin, siya pa ang magsilbing taga-pagtanggol ko kapag inaapi ako ng kuya niya.

"Tsk. Hindi naman siya masama. Ang bait niya kaya.", bigkas nito na animo'y hindi naniwala sa paninira ni Adrian.

I told you. Magkakaroon ako ng savior sa bahay na 'to.
At least, hindi ako magiging talunan at magagawa ko pa rin ang mga bagay na gusto ko.

"H'wag kang magpapa-ikot sa maldita na 'yan. Hindi mo pa siya gano'n kakilala.", muling sabi niya.

"Pero bakit siya nandito? Kinidnap mo ba siya, kuya?", saad ulit ng binata.

"Hindi ko siya kinidnap. Pinagkatiwala siya sa akin ng ama niya. At kailangan nating pahirapan ang taong 'yan para maputol ang sungay. Kaya 'wag kang magkakamali na tulungan siya ha?", pagpapaliwanag ni Adrian.

Dahil sa binanggit niya ang salitang 'papa', kumulo tuloy ng aking dugo dahilan para tingnan siya ng matalim.

"Wow! Ako pa talaga ang may sungay sa ating dalawa? Ang kapal talaga ng mukha mo! Akala mo kung sino ka! Maging kapatid mo, bini-brainwash mo!", pagsisigaw ko.

Sa kanya ko talaga nailalabas ang galit na dapat kay dad ko sinasabi.

Besides, naiinis na rin ako sa kanya.
Pati kasi kay Patrick, sinisiraan niya ako.

"Total, putak ka ng putak, mabuti pang bumili ka sa palengke ng isda. Para may ulam tayo mamaya.", pag-uutos na wika nito.

"Gago! Ikaw ang nakaisip n'yan, kaya ikaw ang gumawa!", pabalik kong bulyaw.

"Sino ba sa atin dito ang katulong, diba ikaw?!", pagpapaalala niya.

"Excuse me? Kailan pa naging katulong ang mukha ko?", turan ko naman na talagang hinahamon ko siya.

Kumpara sa postura niya, para s'yang driver o kaya kargador ng mga basura.

"Gusto mo yatang matulog sa kalsada, Miss. Magsabi ka lang, dahil ngayon pa man, handa akong kunin ang gamit mo at itapon sa labas.", pananakot niya na tila makakaya n'ya itong gawin.

"Fine! Nasa'n ang pera at bibili ako!",

No choice eh. Tinakot niya na ako. Kaya ano pang saysay kung papatulan ko siya?

"Good girl.", ngising sabi ni Adrian at kinuha ang pitaka sa bulsa.

Nilabas niya ang dalawang daan na pera kasabay ng pagbigay nito sa akin.

"Oh ayan. Siguro sakto na 'yan, para makabili ka ng isang kilong isda.", saad ni Adrian, kaya mabilis ko itong kinuha.

"Pa'no kung hindi sumakto?", pagtatanong ko.

"Ang usapan natin, isang kilong isda. Kaya kapag hindi sumakto ang pera na 'yan, edi gawan mo ng solusyon.", pahayag nito na animo'y may binabalak sa akin na masama.

Pero 'di bale, magaling naman akong mang-akit ng lalaki, kaya basic na basic lang ito.

Ang pinoproblema ko lang sa oras na 'to ay ang pamasahe.
Kaya muli kong nilahad ang aking kamay sa kanya.

"Ano pang hinihingi mo?", he asked me.

"Kailangan ko ng pamasahe. Ayokong maglakad sa gitna ng tirik na araw noh!", saad ko naman.

"Ang arte mo! 'Yan lang ang budget natin, kaya magtipid ka.", he just replied.

Napangitngit naman ako ng bibig dahil sa pagiging walang modo nito.

"Don't worry, may extra money ako dito. I think, you can use it.", pagsisingit na sabi ni Patrick.

I got it! Maaasahan ko talaga ang taong 'to.

"Talaga? Thank you--",

"No. Hindi mo siya papahiramin ng pera. Kakasabi ko lang kanina na hindi mo siya dapat tulungan.", wika ni Adrian, kaya hindi ko natapos ang pasasalamat.

Agad nitong kinuha ang pera na dapat sa akin sana mapupunta.

"Pero hindi siya sanay na maglakad, kuya. At masyado ngang mainit sa labas. So please, maging lalaki ka naman.", pakikiusap nito sa lalaki.

"H'wag mong sisirain ang plano ko, Patrick. Kapag sinabi kong hindi, HINDI.", pagsasaad nito na may kadiinan sa huling salita.

"Okay lang.", baling na sambit ko kay Patrick.

Nadamay yata siya nang dahil lang sa akin.

"Sandali, sasamahan kita.", pahayag nito na ikinabigla ko.

"Patrick!", bigkas ni Adrian sa pangalan ng utol niya.

"Kuya, hindi niya pa alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to. Baka bastusin pa siya ng mga tambay dyan.", pagtuturan nito.

"Maldita 'yan. Kaya wala kang dapat na ipag-alala.", wika ni Adrian para umatras si Patrick.

"Kahit na kuya, babae pa rin siya. And she don't deserve to be treated like this. So I'm sorry.", bigkas ng binata dahilan para masiglahan ako.

Mapang-asar ko namang kinindatan si Adrian, kasabay ng pag-akay ko sa braso ni Patrick.

Akala siguro nito, matutuloy niya ang pagpapahirap sa akin.

Kaso mukhang siya ang mahihirapan sa sitwasyon namin, dahil mismong kapatid niya ang makakalaban ng lalaki.

And yeah, may hawak na rin akong alas!

END OF CHAPTER 5
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon