Chapter 28

1K 34 0
                                    

CHAPTER 28 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____

YASSY's POV:

IT's been two weeks simula nang pumasok ako sa University.

Sa loob ng two weeks, nakilala ako ng mga estudyante dahil sa pagiging sweet namin ni Adrian.

Gaya ng pinangako niya sa akin, iniwasan niya nga si Andrea.

And I guess, I'm now in the right person.
Dahil ngayon ko lang na-feel ang tunay na pagmamahal.

"ANNOUNCEMENT EVERYONE!", malakas na sambit ng Professor namin.

Nasa classroom na ako ngayon, samantalang si Adrian, nando'n siya sa kanilang room.

Nabibwisit nga ako dahil kaklase ko si Andrea. Pero hindi niya kayang higitan ang katarayan ko dahil makakatikim siya sa akin.

"Ano po ba ang announcement na sasabihin mo Ma'am? We are waiting.", sambit nito sa guro.

Napangiwi na lamang ang labi ko dahil masyado siyang pabida.

Kulang na lang lagyan siya ng pakpak para magmukha siyang Jollibee na malaking bubuyog.

"Well, ang announcement na sasabihin ko ay tungkol sa pagiging CAMPUS QUEEN AND KING. Alam niyo na, bagong taon, bagong reyna at hari ang magiging modelo sa University na 'to.", pahayag ng Professor dahilan para mapatayo si Andrea.

"What? Ba't ang bilis?!", sigaw nito na tila nawala ang respeto.

"I'm sorry Miss Andrea, pero gano'n talaga. We need to obey the rules.", aniya ng guro sa kanya.

"Ang unfair!", pagsasambit nito.

"Just sitdown.", sita ng Professor na kaagad sinunod ni Andrea.

"But I object Ma'am. Ang unfair lang dahil hindi pa nag-isang taon ang trono namin ni Adrian. Tapos papalitan agad? Tsk.", inis na turan ng babae.

"Just respect the decision. Huwag kang tahol ng tahol dyan. Kung corona ang habol mo, edi bumili ka.", sambit ko nang lingunin ang dalaga.

Hindi ko hahayaan na tumubo ang sungay niya at mawalan ng respeto sa mga guro.

"Alam mo ikaw, asungot ka talaga! Hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya manahimik ka!", saad nito sa akin na nanlilisik mismo.

"Manahimik? Kulang ka yata sa injection dahil para kang asong ulol na hindi makaintindi.", I said to her.

"Wala kang pakialam. Palibhasa, uhaw na uhaw ka rin na maging Queen dito. Para lahat ng lalaki, makuha mo ang atensyon nila. Papansin ka masyado.",

"I think, you are reffering to yourself? Kasi diba? Attention seeker ka? Alam ng may girlfriend si Adrian, ang hilig mo pa rin sumawsaw sa relasyon namin. Akala mo, kung naubusan kang hotdog sa Pilipinas.", turan ko rito na talagang pinersonal ko para matamaan siya.

"Insecure ka lang dahil alam mong madali kong maagaw si Adrian sayo. Kaya kung naiinggit ka, pumikit ka.", palaban na pahayag niya.

Napangisi ako dahil nahanap ko rin ang katapat ko.

Lumalabas tuloy ang pagiging demonyo ko sa babaeng 'to.

"Ano bang meron sayo na dapat kong ka-inggitan? Because as far as I know, hindi ka naman mayaman. And most of all, yung mukha mo, hanggang paa ko lang.", litanya ko sa dalaga.

"Can you please stop that! Hindi na kayo bata para mag-away dahil lang sa isang lalaki. Kung gusto niyo malaman kung sino ang maganda sa inyo, then I will talk to the Dean na ilaban kayong dalawa. Ang manalo, siya ang maganda! TAPOS ANG USAPAN!",

©Binibining_Timoji

To be continue...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon