Con. 23

825 32 0
                                    

Continuation of Chapter 23 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____

YASSY's POV:

Taas-noo akong naglakad papasok sa room.

Kailangan ko ang dating Yassy na maldita kapag nandito sa campus.

Mahirap na, ang daming ahas na nakaabang lagi sa boyfriend ko.
Baka anumang oras, tuklawin nila si Adrian kahit nasa harapan ako.

"Goodmorning.", pagbati ko sa mga bagong mukha.

Pero masyado silang ma-attitude dahil hindi man lang sila sumagot o bumati pabalik.

"I said, goodmorning. Wala bang goodmorning too?", muli kong sambit.

At this point, mga lalaki lang ang lumapit sa akin na tila namangha sa kagandahan ko.

Kung sabagay, ako lang yata ang angat sa kanila.
Hindi ko sinasabi na panget ang Queen nila dito, pero parang gano'n na nga.

"Hi Miss, dito ka sa section namin?", the boy asked me.

"Nakita mo namang pumasok ako diba? So ano sa palagay mo?", pamimilosopo kong saad.

"I guess, you're my classmate. Kaya welcome sa amin. Mukhang baguhan ka kasi.", wika niya na may ngiti sa labi.

"Yes, bago naman talaga ako. Siya lang naman yung mukhang luma.", turan ko sabay tingin kay Andrea.

Kung inaakala niyang malilimutan ko ang pagiging maldita nito sa akin nung enrollment, well, hindi ako gano'n na tao.

Malas niya lang dahil naging kaklase niya ako.

"Ah si Andrea. She's the Queen here. Pero sa susunod na buwan, mapapalitan din yan kapag may lumaban sa kanya.", paliwanag ng binata.

Lumaban?
Hmmm. Sounds interesting.

"Gano'n ba? Good to know. Makakasira kasi ng image kapag tumagal 'yan.", nakangising bigkas ko.

"By the way, thank you. I'm happy to meet a man like you. So excuse myself dahil uupo na ako.", patuloy kong sabi at naghakbang muli.

Kaso nung dumaan ako sa pwesto ni Andrea, tsaka niya lang ako nakilala.

Kaya inalis nito ang earphone na nakasalpak sa tenga niya at nilapitan ako.

"You, again? Paano ka naka-enroll dito?!", usal nito na nagsasalubong ang kilay.

Hindi ako sumagot para pikunin ang babae.

Ganito dapat para mas magalit siya at mawala ang drawing niyang kilay.

"Tinatanong kita ha, kaya matuto kang sumagot.", she shouted.

Sa oras na 'to, bigla niya akong tinapik sa balikat na tila nanghahamon ng away.

Ako pa talaga ang tinatarayan niya?

"Pigilan mo yang kamay mo ha? Baka mandilim ang paningin ko at putulin ko yan.", kalmado kong sabi.

"Ang tapang mo talaga. Kay bago-bago, kung umasta akala mo kung sinong reyna. Ano bang pinagyayabang mo ha? Palibhasa, sunud-sunuran ka lang kay Adrian ko.", wika niya na animo'y inaangkin ang nobyo ko.

"Ikalma mo yang pechay mo, nangangamoy eh. Halatang bulok na.", tugon ko sa dalaga.

"And correction, Adrian is my boyfriend. Akin siya at hindi sayo. Kaya huwag mong angkinin ang pagmamay-ari ko.", pahayag ko ulit.

Akma sana siyang magsasalita ulit pero bigla ko itong pinigilan gamit ang daliri para iharang sa bibig niya.

"At nga pala, kung tatarayan mo ako, magtraining ka muna ha?", huling sambit ko bago umupo.

END OF CHAPTER 23
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon