Chapter 7

1.5K 77 3
                                    

Chapter 7 (Operation: Make the Maldita Suffer)
_____

Yassy's POV:

"MATUTULOG si Yassy sa tabi ko. Kaming dalawa ang gagamit ng kama.", bigkas ni Adrian habang nanonood kami ng T.V ni Patrick.

Matapos naming ligpitin ang nabasag kong plato at baso, napagdesisyunan namin ng binata na manood ng movie, para daw mag-enjoy ako.

Kaso nga lang, biglang lumabas si Adrian para sabihin ang gusto n'yang mangyari mamayang gabi.

Syempre, kaagad na tumayo si Patrick na tila nagulat ito sa sinabi ng kapatid niya.

"Ano bang pumasok sa kokote mo kuya at mukhang naging maamo ka ngayon?", kalmadong wika nito.

Oo nga naman, kakaiba ang itsura ni Adrian, at parang anghel siya.

"Wala ka ng pake do'n, Patrick. Kung ano ang gusto ko, 'yon ang masusunod.", he said.

"But still, babae si Yassy. At ikaw, lalaki ka. Kaya nagtataka ako kung ano ang binabalak mo sa kanya.", muling pahayag ni Patrick.

"Ano ba ang gusto mong iparating?", tanong nito na tila nagsasalubong ang kilay.

"You know what I'm trying to say, kuya.", diretsang saad ng binatang katabi ko.

Naguguluhan ako ha?
Kahit maldita ako, aminado akong bobo pagdating sa usapan ng lalaki.

"I don't need your opinion. Basta matutulog si Yassy sa tabi ko.", tanging saad ni Adrian at akma na sana itong tatalikod sa amin.

Pero muling nagsalita si Patrick, dahilan para magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng magkapatid.

"Gagawa ka na nga lang ng mabuti, medyo kahina-hinala pa.",

"H'wag mo akong simulan.", matiim na sambit nito.

"Bakit kuya? Natamaan ka ba? Sa ating dalawa, ikaw ang seryoso sa lahat ng bagay. Pero alam natin pareho na palihim ka kung kumilos. Malay ko ba kung pinagnanasaan mo si Yassy. Hindi naman 'yon maiiwasan diba? Dahil maganda siya at sexy.", mahabang saad ng lalaki.

Nagkakaroon na tuloy ng katanungan sa isip ko, dahil sa pinag-uusapan nila.

"FUCK! Sabi ng tumigil ka na.", galit nitong sambit at kinwelyuhan ang kapatid.

"Tsk. Hindi ako papayag. Hindi siya matutulog sa tabi mo.", pahayag ni Patrick.

"Sa akin siya pinagkatiwala. Kaya wala kang karapatan para kontrahin ang mga desisyon ko.", matalim na sabi ni Adrian.

"Kahit na. Kung talagang nirerepesto mo si Yassy, siya lang dapat ang matulog sa loob ng kwarto na hindi ka kasama. Babae pa rin siya, kuya. And she need also to respect. Dapat alam mo 'yon.", balik na bigkas nito na hindi man lang nagpapatalo.

Sumasakit na ang tenga ko, kaya mabilis ko silang sinita.

"Tumigil nga kayong dalawa. Kanina pa ako naririndi sa away niyo.", pagpapagitna ko.

Lumalabas na naman ang pagiging maldita ko, dahil lang sa awayan nila.

Alam ko na maganda ako, pero dapat nagkakaintindihan sila.

"Maliit na bagay, pinapalaki niyo.", I continue.

"I just want to protect you, Yassy. Para hindi ka mailang.", baling na saad ni Patrick sa akin.

"I know, Patrick. And thank you for doing it. Pero sa tingin ko, mas maganda kung tumabi nga ako kay Adrian, mamayang gabi.", tugon ko sa kanya.

"What?",

"Alam kong concern ka. But I need to do this. Hayaan mo, kapag may ginawa s'yang masama sa akin, sisigaw na lang ako.", wika ko sa binata para pumayag na ito.

Ayoko na rin namang tumagal ang sigawan nila, baka saan pa umabot ang usapan.

At 'di nagtagal, tumango na lamang si Patrick.

So in short, makakasama ko sa iisang kama ang binatang si Adrian.

Ewan ko ba, pero mismong dibdib ko ang umuudyok na tumabi ako sa kanya.

Kaya sa pagsapit ng gabi, tahimik akong nakahiga sa tabi ni Adrian.
Samantalang si Patrick, sa labas siya ng kwarto, kung saan sa lapag ito humiga.
At dahil siguro sa pagod, mabilis itong napapikit ng mata at mahimbing na natutulog.

"Ayoko ng malikot, kaya matulog ka na.", rinig kong saad ng lalaki.

"Sige. G-goodnight.", pilit na sambit ko.

Hindi na siya nagsalita pa, at maya-maya'y, humilik na rin ito, simbolo na tulog na ang binata.

So I also close my eyes, para simulan ko ng magpahinga.
Kaya lang, hindi pa nga nag-ilang minuto, nakaramdam ako ng insekto na tila gumagapang sa legs ko.

"AAAAHH! Ipis!", pagsisigaw ko. Napatalon na rin ako sa kama, dahilan para magising si Adrian.

"Hays! Ayokong iniistorbo ako ng tulog!", inis na sambit nito.

"M-may ipis. Ginagapang ako ng ipis.", natatakot kong bigkas at tinuro ko ang insekto na feeling butterfly kung lumipad.

"Tsk. Ang O.A mo masyado, ipis lang 'yan.", tugon ng lalaki.

"Pero kasi, nandidiri ako. Ang baho kaya ng ipis tapos gumagapang pa sa legs ko. Like ewww.", maarte kong wika.

"Shit! Hindi ka ba talaga titigil?", pagmumura nito.

"Paano ako titigil, kung buhay pa ang ipis at lumilipad!", pabalik na turan ko.

"Tangina, marinig ko pa ang boses mo, hindi na ipis ang gagapang sa legs mo.", litanya ni Adrian na may pagbabanta.

"Huh?",

"Stop making a noise, kung ayaw mong gapangin kita.", mahinang sabi ni Adrian na animo'y seryoso ito.

Kaya heto, awtomatikong napatikom ang bibig ko dahil sa pangamba na baka gapangin niya nga ako.

END OF CHAPTER 7

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon