Chapter 3

1.6K 72 3
                                    

Chapter 3 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
_____

Yassy POV:

ISANG malakas na bagting ang bumulabog sa aking tenga dahilan para magising ako.

Kaya dahan-dahan kong minulat ang mata ko at do'n ko nasilayan ang binata na may hawak na takip ng kaldero.
Ito yata ang ginamit niya para makabuo ng ingay.

"Ano ba?! Can you please stop? Don't you see? Natutulog pa ako! Masyado kang istorbo!", mataray kong bigkas at tsaka muling tinakpan ang mukha gamit ang unan.

Kay aga-aga, pinapagalit ako.

"Miss, alas-otso na. At gusto kong ipaalala sayo na hindi ka dito prinsesa. Kaya bumangon ka na dyan, kung ayaw mong buhusan kita ng tubig.", wika ng lalaki.

Awtomatikong napa-upo ako kahit na gulong-gulo pa ang buhok ko.

Tangina!
Napilitan na nga akong humiga dito sa sahig, tapos pati pagtulog ko, kokontrahin niya pa!

"Alam mo ikaw, pabida ka masyado. Siguro, kapatid mo si Jollibee. Bukod sa mukhang bubuyog ka na, ang galing mong magbida-bidahan.", bulyaw ko sa pagmumukha nito.

"Pwede ba, bago mo ako tarayan, mag-toothbrush ka muna. Ang baho ng hininga mo.", saad nito at tinalikuran ako.

GRRRRRRRRR!

I hate him! Nakakaasar siya!

Hindi ko tuloy maigalaw ng husto ang katawan ko dahil sa pananakit ng aking likod. Isama mo pa na maraming kagat ng lamok ang nagmarka sa braso at legs ko.

Masyado kasing matigas ang higaan ko at wala pa akong electric fan na gamit kagabi.

"Nasa'n ang almusal?", inis kong saad nang sundan siya.

Nakaupo na ito sa harap ng mesa, pero ni isang pagkain, wala akong nakikita.

"Talagang hinahanapan mo pa ako, noh? Tsk. Ibang klase ka talaga.", iling na sambit nito.

"Nagugutom na ako. So I don't have time para makipag-argumento sayo.", diretsa kong turan.

"Sa tingin mo ba, ikaw lang ang nagugutom? Syempre, ako rin.", pasegunda nito sa sinabi ko.

"Yun naman pala, pareho tayong gutom. Kaya ilabas mo na ang pagkain, at kakain na tayo.", nakangiting wika ko sa binata.

"Sino bang may sabi na kakain ka?", mapanghamon na saad niya.

"What?",

"Isang itlog lang ang niluto ko, so obviously, para sa akin lang 'yon.", bigkas nito habang nakatitig sa mata ko.

"Bakit ba ang damot mo?",

"Hindi ako madamot. Sadyang hindi ko lang gusto ang ugali mo. Sa isang maldita na katulad mo, hindi dapat binibigyan ng pagkain.", pagwiwika niya.

Tumayo naman ito at kasabay no'n, may kinuha siya sa maliit na lalagyan.
And guess what, isang itlog at isang tinapay ang nilabas niya.

Oo na, natatakam ako.
Gutom na gutom na kasi talaga ako.
At kanina pa kumakalam ang aking sikmura.

"Ang sarap! Bread with egg.", sambit niya at kinagat ang tinapay sa mismong harapan ko.

"Wala na ba talagang extra dyan? Baka tinataguan mo lang ako ha?", pagtuturan ko sa maayos na pananalita.

"Meron.", simpleng tugon niya dahilan para maganahan ako.

"--Pero hindi pa luto. So you need to fried the egg, before you eat.", he continue.

"Ano?",

"But don't worry, may mantika naman do'n at asin na pwede mong magamit para makaluto ka ng itlog.", muli n'yang pahayag.

"Pinagtitripan mo ba ako?",

"Of course not. Hindi kita pinagtitripan. Tinuturuan kita ng leksyon. Kaya kung gusto mong kumain, magluto ka. That's it.", wika nito.

"Pero hindi ako marunong.",

"Well, it's not my problem, anymore.", ngising bigkas niya at tinapik pa ang balikat ko.

At bago ito umalis, pina-inggit pa ako ng pagkain niya.

Mukhang, makakasapak ako ng lalaki ngayon!
Punyeta!
____

I don't even know how to cook.
Tanging paglamon lamang ang alam ko.

Kung may pera lang sana ako, hindi ko kailangan na lumuto.
Pero wala eh. Walang-wala ako!

"Hays! Paano ko 'to sisimulan?", kausap ko sa aking isipan.

Nandito na kasi ako sa kusina, at hawak ko na ang kawali na gagamitin ko sa pagpiprito.
Kaya lang ang pinoproblema ko, kung paano ako makakagawa ng apoy.

Hindi naman kasi stove ang gamit, kundi isang kalan. Yung pangmahirap talaga na talagang hindi ko alam kung paano ito magkakaapoy.

"Kuha ka ng papel, tapos posporo.", saad ng lalaki mula sa likuran ko.

Tinapunan ko naman siya ng tingin na ngayon ay nakasanday pala sa dingding.

"I don't need your help. Dahil kaya kong gawin 'to.", inis kong tugon kay Adrian.

"Kaya mo ba talaga?", natatawa nitong bigkas.

"Oo, kaya ko.", taas-kilay kong turan.

Masyado n'ya ng iniinsulto ang pagkatao ko ha? At hindi ko na siya hahayaan na pagtawanan ako.

"Then okay. I will watch you here.", litanya ng binata.

Kaya heto, nilakasan ko ang loob ko at umakto na parang may alam ako sa ganitong gawain.

Kinuha ko ang papel at sinindihan ito gamit ang posporo.
Buti na lang at nakagawa agad ako ng apoy, simbolo na nalampasan ko ang unang pagsubok.

Ang kaso nga lang, nung nilagay ko ang itlog sa mainit na mantika, bigla akong natakot dahilan para kunin ko ang takip ng kaldero para gamitin pang-shield.
Ayoko kasing matalsikan ng mantika, dahil tiyak, masakit 'yon.

"Pffft. Hahahaha.", pigil na tawa ni Adrian.

But I choose to calm down myself, dahil mas pipiliin kong atupagin ang itlog kaysa sa kanya.

But at the end, I failed.

"Anong klaseng itlog 'yan? Arabo fried egg or Nigeria fried egg?", tanong nito na alam kong iniinsulto ang luto ko.

"Hindi ito arabo fried egg. Alam mo kung ano ito?", balik na turan ko.

"Ano?", curious na bigkas niya.

"Adrian fried egg. Itlog mo 'yan, gago! Kasing itim ng dalawa mong itlog at singit!", bulyaw ko at malakas kong tinapon 'yon sa mismong damit niya.

Nawalan na ako ng ganang kumain.

END OF CHAPTER 3

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon