Continuation of Chapter 28

1K 31 0
                                    

Continuation of Chapter 28 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
_____

Yassy's POV:

NAGKATINGINAN na lang kami ni Andrea matapos magdesisyon ang Professor namin.

Umalis ito sa harapan namin at lumabas para pumunta sa Dean.

Syempre, agad na tumayo si Andrea at kinalampag nito ang mesa ko.

"What?", kalmadong sambit ko.

"Masyado kang mayabang. Enrollment palang, hindi ko na agad gusto ang ugali mo. Ang panget ng ugali mo!", turan nito na hindi pa rin mawala ang galit sa mata.

"Same to you. Kasi sabi ng ugali ko, ang panget mo rin daw.", I replied whild smiling.

Naging hudyat ito para sabunutan niya ako, but I just remain calm.

"Huwag mo akong susubukan, Yassy. Dahil hindi mo magugustuhan kapag nilampaso ko 'yang mukha mo!", gigil niyang sabi.

Nagtawanan ang mga kaklase namin, kaya maging ako ay nakisabay na rin.

"Talaga ba? Then do it. Huwag kang puro satsat. Dahil hindi mo rin magugustuhan ang gagawin ko.", ngisi kong tugon.

Binitawan niya ang ang kamay sa aking buhok at huminga ng malalim.

"Back off. Huwag mo na akong kalabanin pa as a Queen.",

"Bakit, Andrea? Natatakot ka ba?", aniya ko sa dalaga.

"Ako? Matatakot? Hell no! Sinasabihan lang kita dahil ayokong mapagod ka. I mean, I'm just concern. Baka kasi mapahiya ka kapag natalo kita.", malakas na saad ng babae.

Kaya bahagya akong pumalakpak at tumayo rin.

"Sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasan ang matalo. Kaya sa tingin ko, hindi ako mapapahiya. How about you?", balik na bigkas ko.

"Well, we're just the same. Hindi ko pa naranasan ang matalo, kaya sisiw ka lang para sa akin.", maangas na sabi ni Andrea.

"Then that's good. At least, mainit ang labanan.", tanging wika ko.

"Are you really sure na itutuloy mo ang pagsali?", pagtuturan niya na animo'y hinihintay na magback-out ako.

"Hindi ako pinanganak sa mundong ito para umayaw sa laban. So yes, itutuloy ko ang pagsali. And I am hundred percent sure na hindi ako magiging talunan.", I said as I raised my eyebrow.

"Halatang uhaw ka nga sa corona.", nang-gigigil na turan niya.

"Hindi ako uhaw sa corona. Hayaan mo, kapag nanalo ako, isasampal ko pa sa mukha mo ang coronang 'yan.", I replied in a nice way para pagalitin pa siya lalo.

After an hour, bumalik ang Professor namin. And she said na pumayag nga ang Dean sa suggestion niya.

Kaya heto, pasimple kong sinulyapan si Andrea na tila kabado.

Dapat lang na kabahan siya dahil ako mismo ang aagaw sa posisyon niya.

"Oo nga pala, si Mr. Adrian, lalaban pa rin siya. Para fair daw ang lahat. So let see. Ikaw na lang Jiho ang representative.", litanya ni Ma'am at ibinaling ang tingin sa binata.

Medyo nagulat si Jiho nang banggitin ang pangalan niya.
Halata ko kasi ito sa reaksyon ng lalaki.

"Noted Ma'am.", ngiting tugon niya.

"Sasali ka?", tanong ko rito sa mahinang pananalita.

"Yes. Sasali ako, dahil kasali ka. Ayaw mo no'n, tayo ang papalit sa mga trono nila. And it would be fun, dahil mapupunta sa akin ang oras mo.", sambit nito dahilan para mapa-iling ako.

END OF CHAPTER 28
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Where stories live. Discover now