Con. 14

857 32 0
                                    

Continuation of Chapter 14 (Operation: Make the Maldita Suffer)
____

Yassy's POV:

"WHAT THE FUCK, KUYA! Bakit mo hinalikan si Yassy?", umuusok na bigkas ni Patrick.

Siya mismo ang gumawa ng paraan para ilayo si Adrian sa pwesto ko.

Samantalang ako, nakahawak pa rin sa labi na tila ayoko ng magsalita.

"Pinatunayan ko lang sa kanya na hindi ako bakla. Kaya pagsabihan mo 'yang nililigawan mo. Dahil kapag ako naasar, bubuntisin ko talaga 'yan!", seryosong wika nito habang nakaduro sa akin ang daliri.

Gusto ko siyang sigawan at sampalin, pero hindi ko na lang ginawa.
Baka kasi hindi lang halik ang gawin niya.

"So next time, kung tatawagin mo akong bakla, sana magtoothbrush ka man lang.", muli niyang saad bago siya bumalik sa pwesto.

Palihim ko naman na inamoy ang aking hininga, at medyo mabaho nga.

Nakalimutan ko pala magtoothbrush kaninang umaga. Hays! Nakakahiya tuloy!

"Sorry Yassy ha? Hindi ko alam na hahalikan ka ni kuya. Tsk.", mahinang sabi niya na may galit sa pananalita.

Akala ko, okay na.
Akala ko tapos na.
Pero hindi pa pala.

Dahil hindi pinalampas ni Patrick ang nangyari.

Padabog siyang tumungo sa kapatid niya at hinigit ang balikat

"Magkalinawan nga tayo, kuya.", madiin na turan ng binata.

Natatakot ako sa pwedeng maganap ngayon.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko sila aawatin ngayon na nakahiga pa ako.

"Kung tungkol lang sa maldita na 'yan, ang sasabihin mo, wala akong oras makipag-usap sayo.", sambit niya kay Patrick.

"Oo, tungkol nga ito sa kanya. Hindi ko lang kasi maintindihan, kuya. Galit na galit ka kay Yassy, pero kung makahalik ka, akala mo kung girlfriend mo siya.", saad nito na may pinupunto.

Oo nga naman. Dalawang beses niya na akong ninakawan ng halik. At hindi na rin tama ang ginagawa niya.
Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

"I already told you the reason. Kung hindi niya ako sinabihan na bakla, edi sana, hindi ko siya hinalikan. That's it.", pahayag niya na tila tinatapos ang usapan.

"Ang immature mo masyado kung 'yan ang rason. Wala ka sa tamang pag-iisip, kuya! Harap-harapan mong pinakita sa akin ang pambabastos mo sa babaeng nililigawan ko. Isabay mo pa na kapatid mo ako. Hindi ka ba nahiya? O hindi ka marunong makiramdam?", Patrick shouted.

Nagkakaroon na ng intense sa pagitan nilang dalawa.

"Fucking shit, Patrick! Binibigyan mo kasi ng malisya ang lahat. Yung halik na 'yon, panakot ko lang. At wala 'yon na meaning.",

"Kahit na! Hindi mo dapat binabastos ng gano'n ang babae.", pahabol nitong sabi.

"Kung ayaw mo na halikan ko ang maldita na 'yan, pagalitan mo. Dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila niya!", sigaw din ni Adrian at talagang sinisi pa ako.

"Same here. Hindi ko rin gusto ang tabas ng dila mo!", masungit kong bigkas at mabilis kong tinakpan ulit ang bibig.

"Kita mo na? Nagpipigil lang ako sa taong 'yan! Huwag niya lang hintayin na uminit ang ulo ko dahil baka pati sa baba, magalit.", sambit muli ni Adrian.

"Tangina! Tumigil ka na kuya! Sa pinapakita mo ngayon, parang ayoko ng bumalik sa Batanes.", bulyaw ni Patrick na may malutong na mura.

Napatigil ako dahil sa huling salita na binanggit niya.

"A-aalis ka?", tanong ko sa binata.

Marahan itong tumango na may lungkot sa mukha.

"May kailangan akong asikasuhin sa Batanes, Yassy. Medyo matatagalan nga lang dahil sa trabaho.", sagot nito dahilan para maging matamlay ako.

Kung iiwan niya ako, malamang si Adrian ulit ang makakasama ko sa bahay.
Si Adrian na walang ginawa kundi ang pahirapan ako.

"But don't worry, babalikan din kita. Tatapusin ko lang ang kontrata ko do'n.", patuloy na sambit niya.

Pilit akong ngumiti at bahagya kong sinilip ang reaksyon ni Adrian.

Hindi ko gusto ang titig niya.
Parang may binabalak siya sa akin.

"Goodluck dear.", Ang tanging naintindihan ko, sa pagbuka ng bibig niya.

End of Chapter 14
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon