Chapter 1

2.3K 79 3
                                    

Chapter 1 (Operation: Make the Maldita Suffer)
____

Yassy POV:

"NO DAD! NO! AYOKO!", pagbubulyaw ko na sa harapan ni Daddy.

Pakiramdam ko, halos lahat ng aking dugo sa katawan ay umakyat sa ulo.

Hindi pa rin kasi ako makaget-over sa desisyon nito.

"Pero ito ang dapat kong gawin, para maputol ang sungay mo. Sobra-sobra na ang pagiging maldita mo, Yassy. At ang dami mo ng nasaktan na tao dahil sa ugali mo.", bigkas ni Papa na animo'y hindi na nga magbabago ang isip niya.

Mapakla akong napangiti at tiningnan siya ng matalim sa mata.

"I can't imagine na sarili mong anak paparusahan mo ng ganito, dad. Wow! Ang galing niyong ama! Nakakatouch!", sakrastikong sambit ko.

"Hija---",

He was about to say something again, pero pinatigil ko na siya gamit ang daliri ko.

"Shut-up. I don't want to hear your voice again. Kaya kung gusto mo akong parusahan at paalisin sa mancion na 'to, then fine. But please, sa condo na lang ako titira kung ayaw mong makita ang pagmumukha ko.", saad ko sa kanya.

"Hindi pa rin ako papayag, Yassy. Kay Adrian ka sasama. At titira kayong dalawa sa iisang bubong. Siya ang magtuturo sayo ng leksyon.", he said, while pointing his finger to the man in my back.

"Shit! Nahihibang ka na yata, Dad. Don't you see, babae ako. Babae ang anak niyo. Tapos ipapatira mo ako kasama ang lalaking 'yan?! Pa'no kung bastusin niya ako at gahasain ha? Naiisip mo ba 'yon?", taas-kilay kong turan.

Nawawala na rin ako ng respeto sa aking ama dahil sa padalos-dalos n'yang sabi.

"Yassy, I know Adrian, very well. At wala s'yang gagawin na masama sayo.", saad muli ni Daddy.

"Tama ang papa mo. Hindi ako gano'n na tao. Baka nga, ikaw pa ang may gawin sa akin.", pagpapasegunda ng binata sa likuran ko.

I can't take this anymore.

Kanina pa ako naaasar sa lalaking 'to.

"Pwede ba, usapang mag-ama ito kaya hindi ka kasali.", sambit ko kay Adrian nang lingunin siya.

"Okay, sabi mo eh.", kibit-balikat na tugon nito.

Kaya tinarayan ko na lamang siya at muling hinarap si papa.

"Magbabago na ako, Dad. I promise, hindi na ako magiging maldita.", labag sa kalooban na wika ko.

I tried my best to be a good girl on his eyes, pero talagang desidido ito.

"I'm sorry, hija. Kahit anong pakiusap ang gawin mo, my decision is final. Besides, aalis na naman ako bukas para sa business natin sa Korea. At sa tingin ko, magtatagal ako do'n ng isang buwan, kaya mabuti na rin 'to para may magbantay sa bawat galaw mo.", litanya ni papa na may halong paliwanag pa.

"Pero hindi na ako bata. I'm now 20 years old.", pagmamatigas ko naman.

"But still, you're acting like a kid. Wala ka pang alam sa buhay. Paghugas nga ng plato, hindi ka pa marunong.", bigkas niya dahilan para mapangiwi ang bibig ko.

"Tsk. Kung wala rin naman patutunguhan 'to, doon na lang ako sa bahay nila Cathy.", bigkas ko ulit.

I am reffering to my friend's house.

Mayayaman din sila kaya kahit anong oras, welcome na welcome ako sa pamamahay nila.

"You're not allowed to go there. Nakausap ko na ang magulang nila. At sinabi ko na 'wag ka nilang papasukin at tanggapin.", seryosong sabi nito.

Gusto kong magmura ng malutong, pero pinigilan ko lang dahil papa ko pa rin siya.
At may natitira pa naman ako na konting respeto pagdating sa kanya.

"Bakit mo sa akin nagagawa 'to, dad? Bakit ang hirap para sayo na bigyan ako ng second chance para magbago?", mahina kong turan.

Kaso hindi niya ako sinagot, sa halip, sinenyasan niya ang binata na kunin ang gamit sa kwarto ko.

"Dad, please, I'm begging you, 'wag mo akong paalisin dito.", saad ko at mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"Yassy, hija, I'm doing this for your own good. Alam kong mahirap na tanggapin ang sinasabi ko, pero maiintindihan mo rin 'to pagdating ng araw.", wika ni Dad kasabay ng pagdampi ng labi nito sa aking noo.

Napapikit ako ng mariin dahil unti-unti ng umusbong ang galit ko.

Kahit naman sino, magagalit ng husto kapag anito ang ginawa ng magulang mo sayo.

At sa lagay kong ito, hindi ko siya mapapatawad.

"Nagkamali kayo ng desisyon. I will never change my attitude just because of this fucking shit! Kung sa tingin mo mapapabago ako ng mokong na 'yan, pwess, 'wag na kayong umasa.", madiin kong pahayag at dinuro ko pa ang lalaki na may dalang maleta.

Kakatapos niya palang na kunin ang gamit ko sa taas, kaya nabaling ko sa kanya ang galit na dapat kay papa ko sana binuhos.

"Eto ang tandaan mo, hindi ka magtatagumpay. Dahil sisiguraduhin ko, na ikaw din ang susuko sa ugali ko.", bigkas ko ulit bilang patuloy.

"Then will see it, Ms. Maldita.", pakindat na sambit ni Adrian.

Aaaaarrrghhhhhh! Bwisit siya!
______

END OF CHAPTER 1

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon