Con. 20

881 33 0
                                    

CONTINUATION OF CHAPTER 20 (OPERATION: MAKE THE MALDITA SUFFER)
_____

Yassy's POV:

"NAKALIMUTAN ko palang sabihin sayo na tumawag pala ang Daddy mo kagabi, kinakamusta ka. Ang aga mo kasi natulog kaya hindi mo siya nakausap.", saad ni Adrian sa akin.

We're eating now the breakfast that I prepared.

At ito ang kasalukuyan na topic namin.

He's talking about my dad.

Sayang dahil hindi ko naabutan ang tawag niya.
Halatang antok na antok ako kahapon dahil napaaga ang tulog ko. Pero kapalit no'n, napaaga rin ang gising ko ngayon.

So here, I'm the one who cooked the foods.

"Bukod sa pangangamusta, meron pa ba siyang sinabi?", I asked him.

Gusto ko rin malaman ang dahilan ni Dad.

"Yeah. Tungkol sa pag-aaral mo. Nabanggit ko kasi na tatlong araw na lang, pasukan mo na. Kaya nagpadala siya ng pera.", turan nito bilang pagkekwento.

"Okay. Thank you, Adrian. So bibili ba tayo ng mga gamit mamaya?", tanong ko ulit.

"Of course. Pakakuha natin ng padala, diretso na tayo sa mall.", he answered while smiling.

Nakakataba ng puso.
Ibang-iba na ang binata.
Ang normal niyang kausapin. Kaya komportable na tuloy ako na kasama ito.

Kung dati, pagsusungit at pagseseryoso ang nakikita kong reaksyon sa mukha niya. Ngayon, napalitan ito ng pagiging kalmado.

Kalmado pero gwapo.

"I'm done. Maliligo na ako ha? Namiss ko talaga magshopping, Adrian.", bigkas ko nang maubos ko ang pagkain.

Binilisan ko ang bawat nguya sa kanin at ulam para makaligo na agad sa banyo.

Medyo matagal na rin kasi na hindi ako nakakapasyal sa gano'n na lugar.

And gosh! I can't wait!

"Mamaya ka na maligo, hintayin mo ako, babe.", pigil na wika nito.

Napatigil tuloy ako sa paghakbang at bumalik sa upuan.

"B-bakit ba? Tapos na akong kumain. I need to brush my teeth and take a bath.", nakangusong turan ko na tila bata.

"Stop that, Yassy. Baka halikan kita dyan.", usal niya sa akin.

"Hoy, ikaw ha? Parang adik ka na sa labi ko. And according to article 123, don't kiss the girl infront of the table, okay?", muli kong pahayag.

"Anong article ka dyan? Kung ano-anong lumalabas sa bibig mo. Basta 'wag ka munang maligo. Dahil gusto ko, sabay tayong maligo. Alam kong magugustuhan mo 'yon. Let's play in the bathroom.", wika nito na muntik pa akong mahulog sa inuupuan ko.

"What the hell?! Nahihibang ka na ba? Ang aga-aga, gusto mo na agad pagnasaan ang katawan ko?", sambit ko habang nanliliit ang aking mata.

Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko dahilan para mapaurong ako ng konti.

"Why? Don't you like it?", mapang-akit na bigkas nito.

"Ayoko, noh! Babae ako, Adrian. At hindi ako basta babae lang! You know what I mean.", inis kong saad tsaka tumayo para umalis sa harapan niya.

Bigla tuloy napalitan ang mood ko dahil pakiramdam ko, umiiral ang kamanyakan ng binata.

But still, I love him.
Siguro, masasanay din ako sa mga trip niya.

Pero hindi ko kayang pagbigyan ang mga bagay na ikakasama ko.

Kahit papa'no, I know how to respect myself.

Hayss!

END OF CHAPTER 20
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon