Chapter 6

1.4K 67 0
                                    

Chapter 6 (Operation: Make the Maldita Suffer)
_____

Adrian's POV:

"BULLSHIT! DALAWANG ORAS NA PERO HINDI PA RIN SILA UMUUWI.", madiing bigkas ko sa aking isip.

Pabalik-balik na rin ako ngayon habang tinatanaw ko ang daan mula dito sa pintuan.

Baka kung ano na ang ginawa nila sa labas?

Tangina! Hindi naman malayo ang palengke.
At nasisiguro kong sumakay sila, dahil maarte ang babaeng 'yon.

"Fuck! Hindi ko na makakaya pang maghintay dito!", malutong na mura ko.

I was about to go outside the house, pero hindi ko na natuloy dahil narinig ko agad ang tawanan nila.

Ang lakas pa ng tawa ni Yassy, dahilan para umiba ang awra ng aking mukha.

"HAHAHAHA grabe, nakakatawa naman yung ginawa mo kanina. Akala ko pa naman, susugurin mo yung mga lalaki do'n. Tapos hahaha tatakbo din pala tayo. Tangina ka!", wika nito habang hindi matigil sa pagtatawa.

May pahampas-hampas pa itong nalalaman sa kapatid ko na animo'y close na agad sila.

"Hindi ko 'yon kaya. Limang lalaki tapos isa lang ako. Malamang, kapag pinatulan ko ang mga 'yon, edi nag-aagaw buhay na ako sa hospital.",

"Kung sabagay, pero thank you ha? Dahil tinulungan mo ako para hindi mabastos ng mga lalaki. You're really my savior. Pangalawang beses mo na akong niligtas.", malambing na sabi nito kay Patrick.

Hindi na ako nakapagtimpi, at marahas kong kinuha ang supot ng isda.

"Ang bagal n'yong maglakad. Tsk. Daig niyo pa ang mga chismosa sa baranggay na 'to.", pagbibigkas ko at pumasok sa bahay.

Sa kusina ko binuhos ang inis ko sa kanila.
Ako na rin mismo ang nagprito ng isda.

Kaya nang matapos, agad kong hinain ang dalawang isda, samantalang yung natirang isda ay nilagay ko sa ref.

Excited na umupo si Yassy na halos maglaway na.
At nang kukunin niya na ang isang prinito, bigla kong tinapik ang kamay nito.

"Hindi ka kakain.", seryoso kong bigkas.

"Ano?!", singhal na sambit nito.

"Narinig mo ang sinabi ko diba? Hindi ka kakain.", pag-uulit ko naman.

"Pero ako ang bumili nito ha? Inutusan mo pa nga ako, diba?", saad niya para ipaalala sa akin ang pag-utos ko.

"Ikaw ang bumili, pero hindi ikaw ang lumuto.", walang emosyon na turan ko kay Yassy.

"Kuya, hindi na magandang biro 'yan.", sambit ni Patrick na tila kinakampihan na naman ang dalaga.

Nagawa niya pang sumingit para kontrahin ako.

"Sino bang may sabi na nagbibiro ako? Namalengke nga siya, pero anong oras na kayo kung dumating. Sa tingin mo, tama ang ginawa niyo?", bigkas ko para hindi na ito magsalita pa.

"Hindi mo kasi maintindihan. Napagtripan si Yassy sa palengke, kaya natagalan kami.", pagpapaliwanag ng binata.

"I don't fuckin care. Ang usapan ay usapan. Paano maaalis ang sungay n'yan, kung ikaw mismo ang nagtatanggol sa kanya?!", sigaw na tugon ko sa kanilang harapan.

"Sumusobra na kayo, kuya. Hindi na makatarungan 'to. I don't see anything wrong about her. Kung tutuusin nga, nawala ang pagiging maarte niya kanina. And the way she laugh, hindi siya pakitang-tao. Kaya bakit mo 'to ginagawa kay Yassy?", balik na bulyaw ni Patrick.

This is the first time na sigawan niya rin ako, dahil lang sa dalaga.

"I'm just doing my job. Kaya 'wag mo akong questionin. Kung gusto mong makakain siya, edi ibigay mo 'yang ulam mo sa maldita na 'yan. THAT's it!", pagtatapos ko ng usapan.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang akto ko.

Nagiging padalos-dalos na ako sa mga desisyon ko.

At dahil sa babaeng 'to, mukhang masisira ang relasyon naming magkapatid.

___

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon