Con. 22

843 34 0
                                    

Continuation of Chapter 22 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____

YASSY's POV:

"ANO BANG DAPAT KONG GAWIN?", bigkas ng aking isipan.

I'm asking myself right now.

Hindi pa rin kasi lumalabas si Adrian sa kanyang kwarto.

Halos tatlong oras na siya sa loob at hindi man lang naisipan na kumain.

Kaya ayan, maging ako nadadamay.

Ayoko rin naman kumain na mag-isa dahil ang lungkot kapag gano'n.

"Bakit ba kasi ganyan ang mga lalaki? Kapag maikli ang suot ng girlfriend, nagagalit? Pero kapag may nakitang babae na naka-short, biglang lumalaki ang mata. Hays! I don't understand them! Akala mo, sila yung nireregla.", usal ko habang pabalik-balik.

Nahihilo na ako sa ginagawa ko, kaya umupo muna ako saglit para makaisip ng plano.

Mukhang nabaliktad yata ang sitwasyon namin.

Kanina, siya ang sumusuyo sa akin. Tapos ngayon, ako na ang susuyo?

"Paano ba kasi?", inis ko ng sambit.

Hindi gumagana ang utak ko dahil gutom na gutom na ang sikmura ko sa mga oras na 'to.

Ang pabebe masyado ng boyfriend ko. Tsk.

"Adrian, babe, labas ka na dyan ohh.", pakiusap ko nang lumapit ako sa may pinto.

Pero hindi siya sumasagot, na tila galit pa rin hanggang ngayon.

"Sorry na, kung nagalit ka.", pagsisimulang kanta ko.

Ito ang naisip kong trip para suyuin ang binata.
Hindi naman ako expert sa pagsuyo dahil lahat ng may gusto sa akin, sila mismo ang sumusuyo.

"Di naman sinasadya...", patuloy kong sabi.

Para akong nagtutula dahil hindi ako magaling kumanta.

"Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo. Pipilitin ko magbago, pangako sa iyo. Sorrry na, talagaaa!", pagbibirit ko na may panota-nota pa ng kamay.

Awtomatikong kumulog bigla dahilan para mapahiyaw ako.

Peste! Pati panahon, hindi sumasang-ayon sa kanta ko.

"Adrian naman kasi eh! Pramis, hindi na ako susuot ng maikling damit.", nakangusong turan ko.

But still, no response coming from him.

Naiinip na tuloy ako sa kakatayo dito sa may pinto.

So I decided to kick the door.

"Bwisit ka! Sabi ng sorry na nga!", sigaw ko muli.

Malakas kong sinipa ang pinto na naging hudyat para masira ito.
Kaso sa maling pagkakataon ang naabutan ko at nakita. Dahil nung nabuksan ko ang pintuan, bumungad sa paningin ko ang pwet ni Adrian.

Shet! Sobrang puti!

"YASSY! Ano bang--fuck! Tumalikod ka nga!", asar niyang saad na may mura pang kasabay.

Humarap siya sa akin habang tinatakpan ang hinaharap.

I was so shock kaya yung tingin ko, nanatili sa bandang ibaba niya.

"Sabi ng tumalikod ka! Tatalikod ka ba o gusto mong--",

"Ang sarap.", kagat-labi na wika ko.

"What did you say?",

"H-huh? W-wala.", turan ko na kaagad tumalikod.

Bigla tuloy akong pinagpawisan dahil sa kaganapan ngayon.

Hindi ko man makita yung tinatago niya, pero ang hula ko, malaki yung kargado ng binata.

"Stop it, Yassy. Maling-mali 'yan.", mahinang wika ko sa sarili.

Narinig ko naman ang hakbang ni Adrian palapit sa aking gawi, kaya agad na kumabog ng mabilis ang puso ko.

"Next time, kumatok ka ng pinto, babe. Hindi yung sisirain mo pa ang pinto para lang bosohan ako.", he whispered.

Ramdam ko ang mainit niyang yakap mula sa aking likod dahilan para kabahan ako.

"H-hindi kita binobosohan. Ang tagal mo kasing buksan.", paliwanag ko rito.

"It's okay, Yassy. You're my girlfriend now, kaya ayos lang 'yon sa akin. Pagbibigyan naman kita kapag gusto mo. Magsabi ka lang.",

"Sabi na kasing hindi nga! Tara na at kumain na tayo!", sigaw ko muli at tinapik ko pa ang kamay niya.

"Hahaha, sige na nga, kakain na tayo. Pikunin masyado ng girlfriend ko.", tanging tugon nito.

Ang ganda sa pandinig kapag binabanggit niya ang salitang 'girlfriend'.

Bawat araw, lalong lumalala ang pagmamahal ko sa lalaki.

END OF CHAPTER 22

©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Where stories live. Discover now