Con. 18

881 39 0
                                    

Continuation of Chapter 18 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____

Yassy's POV:

"Because I like you, Yassy. And I'm starting to fall inlove with you.",

"Because I like you, Yassy. And I'm starting to fall inlove with you.",

"Because I like you, Yassy. And I'm starting to fall inlove with you.",

Ito ang paulit-ulit na ume-echo sa tenga ko na sobrang sarap pakinggan.

Hindi muna ako nagreact dahil baka bawiin niya ang katagang 'yon at sabihin na joke lang.
Kaso hindi niya binawi, bagkus, marahan niyang hinalikan ako sa labi.
Smack lang ang ginawa ng binata pero kakaiba ang epekto nito para sa akin.

"Ayoko ng ulitin pa ang sinabi ko, Yassy. Malinaw naman kung ano ang gusto kong iparating sayo.", he said while looking to my eyes.

Nakatitig din ako sa kanya at wala akong balak magsalita.

Ano naman kasi ang sasabihin ko diba?
Halos, kagatin ko na ang aking dila para lang may maisip na isasagot sa binata.
But I failed. Because my mind, keep on saying na hindi totoo ang sinabi niya.

"Hoy!", pagpipitik nito sa ilong ko.

"Ano ba! Ang sakit no'n ha!", impit na sigaw ko kay Adrian.

"Masyado ka talagang attitude, Yassy.", turan niya.

"Bakit ba ha? Hindi naman kita sinungitan at tinarayan dyan.", nakangusong saad ko.

I just remain silent here beside him, tapos attitude pa ang tingin nito sa akin.

Nalilito tuloy ako kung saan ba ako lulugar?

"Ang attitude mo, dahil hindi ka marunong magmahal pabalik. Dapat kapag gusto kita, gustuhin mo rin ako.", wika nito na may asar sa boses.

"What?", I replied.

Rinig na rinig ko 'yon, pero gusto kong ulitin niya pa rin ito.

"Bakit ba ang bingi mo? Hindi pa kita binubuntis, may sira na agad ang tenga mo.", pagsasabi niya.

"Malay ko ba na pinagtitripan mo lang ako.", tugon ko naman.

"Hayss. Hindi ako nantitrip, Yassy. Seryoso akong tao, kaya seryoso akong magmahal.", wika niya ulit.

"Sige nga, kung seryoso ka, ulitin mo ang sinabi mo kanina.", saad ko sa binata.

Napasapo ito sa kanyang batok at hinawakan ang kamay ko.

"Gusto kita, Yassy.", sambit niya sa aking harapan.

"Matapos mo akong pahirapan, sasabihin mong gusto mo ako?!", sigaw ko sa pagmumukha ni Adrian.

Umiwang ang labi nito na tila nagulat sa tinuran ko.

"Ayaw mo?", kunot-noong bigkas niya.

Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya at tumayo.

"OO! AYOKO TALAGA!", bulyaw ko na kunwari ay galit ako sa lalaki.

Medyo nalungkot ang reaksyon nito kaya palihim akong ngumiti.

"It's a prank, Adrian! HAHAHAHAHA.", natatawa kong sabi.

Kasunod no'n, ay pinalo ko pa siya sa balikat habang patuloy na tumatawa.

Para siyang bata na iniwan ng magulang dahil sa mukha nito.

"Syempre, ayokong tanggihan 'yan. Kaya oo na, kina-crushback na kita. I mean, loving back.", kinikilig na saad ko.

Ayoko ng magpakipot dahil hindi naman sa akin bagay.

So yes, ako na mismo ang humalik sa binata.

END OF CHAPTER 18
©Binibining Timoji

Dedicated to:
Melody Aguyapa, Marjorie Castro, Gael Guttierez, Iresh Bolongon, Bluemingkid, Remmalyn Maborang, and Khriztinnah.

Para madedicate and shoutout ka, please subscribe and leave a comment to my vlog.

https://youtu.be/Bb3bog9qOak

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon