Con. 11

942 45 1
                                    

Continuation of Chapter 11 (Operation: Make the Maldita Suffer)
_____

YASSY's POV:

TOTOONG masakit ang ulo ko. Kaya hindi ko na lamang pinansin pa ang sinabi ng binata.

Tumungo na lamang ako sa lutuan para makapagsimula na.
At gaya ng pangako ni Patrick, siya ang tumulong sa akin dahilan para makaluto ako ng kanin.

Hindi naman pala mahirap ang pagsasaing.

Nagkataon lang na anak-mayaman ako, kaya hindi ko alam ang ganitong gawain.

"Salamat.", tipid na sambit ko sa kanya.

Sa dalawang araw na nakasama ko si Patrick, halos siya ang nagsilbing bayani sa buhay ko.

Wala s'yang pakialam kung magkaroon ng gusot ang pagiging magkapatid nila ni Adrian.
Basta ang gusto nitong mangyari, ang ilayo ako sa kamay ng kuya niya. Siguro, dahil inaabuso ng lalaki ang kahinaan ko, kaya humahantong sa sagutan ang dalawa.

Pero tama naman si Patrick noh?
There so many ways para mapabago ako.
But still, he choose to make me suffer.
At hindi ko tuloy alam kung bakit siya ganyan?

"Ouch.", mahinang bigkas ko.
Muntik na akong matumba dahil sa biglaang paghilo na naramdaman ko.
Buti na lang at nakaalalay sa akin ang binata.

"Shit. Mainit ka na, Yassy.", turan nito nang mahakawan ang braso ko.

I feel that he is concern.

Kaya ngumiti ako at bahagya s'yang tinapik.

"Malamang, galing ako sa pesteng pagluluto.", tanging sabi ko para hindi na ito mag-alala.

"You're always pretending, Yassy. Bakit ba ang hirap para sayo na sabihin ang totoo?", muling saad niya.

Umupo ako naman ako sa may silya at marahan kong hinilot ang sintido.

"Don't worry about me. Ayos lang ako.", sambit ko kay Patrick.

"Tsk.", inis na bigkas niya na tila hindi sa akin naniniwala.

But after twenty minutes, dumating na si Adrian na may dalang supot.
Sa tingin ko, 'yon na ang magiging ulam namin.

"Oh ayan. Ilagay mo na 'to sa mangkok. Para makakain na tayo.", agad na utos niya.

Sino pa ba ang uutusan niya diba?
Walang iba, kundi ako.

Naging maid ako sa paningin niya.

"Ako na. Maupo ka lang dyan.", mabilis na turan ni Patrick at kinuha ang supot.

"Pati ba naman sa simpleng bagay, ikaw pa ang gagawa? Masyado ka ng pabibo, tol.", asar na saad ni Adrian sa kapatid.

"Pabibo na kung pabibo. Pero wala akong pakialam sa sasabihin mo, kuya. Just try to look at her. Hindi na pantao ang kulay ng labi niya. Namumutla na siya at ngayon pati katawan niya, mainit.", matalim na tugon nito.

At this point, pasimple akong tinapunan ng tingin ni Adrian.
Pero yung reaksyon niya, nanatiling kalmado.

"Hindi natin siya kaano-ano. Kaya wala akong pakialam kung mamatay pa 'yan.", malamig na sabi ng lalaki.

I don't know why, but it hurts.
I feel the pain on his words.

Pagdating sa mga salita niya, masyado akong apektado.

"I can do it.", saad ko kay Patrick nang tumayo ako.

Akma na sana akong maglalakad, pero unti-unting dumilim ang paligid ko.

At hindi ko alam kung sino ang sumalo sa akin.
Ang tanging naalala ko lang, ay nawalan ako ng malay.

END OF CHAPTER 11
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon