Chapter 11

1.9K 71 12
                                    

Chapter 11 (Operation: Make the Maldita Suffer)
____

Yassy POV:

HE KISSED ME.

We kissed each other.

Shit! Ninakaw niya ang una kong halik.

At talagang hindi ako makakamove-on sa nangyari ngayon.

He stole my precious kiss.

I really hate him!

"Yassy, bakit parang namumutla ka? May sakit ka ba?", bigkas ni Patrick at nagawa pa nitong lumapit para hawakan ang noo ko.

Talagang chineck niya kung may lagnat ako para makasiguro.

"Hindi naman mainit ang katawan mo ha? Is there something wrong? May kinain ka ba na hindi nagustuhan ng tiyan mo? Sabihin mo agad, para madala kita sa hospital.", wika muli ng binata.

Nakikita ko sa mata niya ang pag-aalala, kaya pinilit kong isantabi ang pesteng halik na ginawa sa akin ng kapatid niya.

"M-medyo masakit lang ulo ko. But I'm okay.", turan ko na lamang.

Medyo nagulat naman ako nang umubo si Adrian dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Lumabas na nga ako ng kwarto niya para iwasan siya, pero nagawa niya pa akong sundan.

"Magluto ka ng kanin ngayon at bibili ako ng ulam sa kanto. Bilisan mo dahil nagugutom na ako.", wika nito sa aking tenga.

Ramdam ko tuloy ang init ng hininga niya, na lalong nagpakaba sa dibdib ko.

Nagkaroon na yata ako ng phobia dahil sa pagnanakaw niya ng halik.

"Tsk. Masakit ang ulo niya, kuya. Can you just give her a rest?", inis na sambit ni Patrick na tila narinig ang sinabi ni Adrian.

"Masakit ang ulo? H'wag kang magpapauto sa babaeng 'yan. Nagsasakit-sakitan lang siya para hindi mautusan.", mabilis na pahayag nito.

Oh come on, kahit pumuti ang uwak, mananatili s'yang traydor sa buhay ko.

"Ako na lang ang luluto.", Patrick insisted.

"Ano bang trip mo sa buhay? Lahat ng desisyon ko, kinokontra mo.", litanya ng binata.

"Kasi mali ka na. Hindi na maka-tao ang ginagawa mo kay Yassy. Don't you see, namumutla na siya.", he replied.

"Ano bang pake ko sa kanya? Kanina palang ang tapang n'ya sa University, kaya nag-aacting lang 'yan.", wika muli ni Adrian.

Kung sabagay, kahit magpakita ako ng mabuti, masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"Pero--",

"Patrick, kung hindi mo nagugustuhan ang pagtrato ko sa maldita na 'yan, bukas ang pinto at pwede kang pumunta sa mga barkada mo.", patuloy na sabi nito.

"No. I will stay here. Hindi ko siya hahayaan na parusahan mo dahil lang sa ugali. Kuya, she's also a human, may mga kahinaan pa rin siya sa buhay.", pagtatanggol ng lalaki.

Ewan ko ba, nagkakalabuan na ang relasyon nilang dalawa bilang magkapatid dahil sa pagdating ko.

Well, hindi ko naman 'to gusto na mangyari noh?
Kung hindi lang ako pinatapon ni Dad sa pesteng bahay na 'to na kasama ang hayop na Adrian, edi sana hindi sila nagkagulo.

"Stop it. 'Wag na kayong mag-away. Ako ng bahala sa kanin, I know how to cook rice. So do you have here a rice cooker?", I asked them.

Pero pinitik ako ni Adrian sa noo dahilan para mapahiyaw ako.

"Aray! Nagtatanong lang ako.", saad ko rito.

"Wala. Wala ditong rice cooker. Mismong ikaw ang gagawa ng apoy para makaluto.", sambit niya na ikinakunot-noo ko.

"Ituturo ko na lang sayo yung gagamitin mo, Yassy. At kung hindi mo alam kung paano makagawa ng apoy, bibigyan kita ng instruction. So let's go there.", singit na turan ni Parick na siya na mismo ang sumagot.

Masyadong attitude kasi ang Adrian na 'to.
Akala mo kung sinong hari sa bahay.

"Mamaya, doon ka ulit sa kwarto ko matutulog.", bulong nito bago tuluyang naglakad palabas.

©Binibining_Timoji
To be continue...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon