Chapter 13

937 42 0
                                    

Chapter 13 (Operation: Make the Maldita Suffer)
___

ADRIAN's POV:

ISANG LINGGO.
Ganyan katagal ang binigay ng Doctor para magpagaling si Yassy sa hospital.

Wala na akong magawa dahil doctor na mismo ang nagsabi no'n.
Kaya kailangan ko din sundin ito para sa kalusugan ng dalaga.

Siguro, maghihintay na lamang ako na matapos ang pitong araw bago ko ituloy ang pagpapahirap sa kanya.

Hindi naman magbabago ang isip at desisyon ko dahil lang sa nangyari.

Baliktarin man ang mundo, mataray pa rin si Yassy. Masama pa rin siyang tao kahit na may sakit siya.

Kagaya ngayon, pinapakita niya ang pagiging malandi sa kapatid ko para paniwalaan siya sa kadramahan at kaartehan.

Nabulag na yata si Patrick dahil sa karisma ni Yassy. Kahit anong request, ginagawa niya talaga.
Konti na lang at magiging aso na siya sa kakasunod sa gusto ng babae.

"You're so funny, Pat. Ni minsan hindi ko naisip na kaya mo magbakla-baklaan.", turan ng dalaga na halatang nasisiyahan din.

Napatameme ako na ginagaya ang sinasabi nito.
Masyado siyang pabebe. Nakakairitang pakinggan ang boses niya.

Gusto ko mang maawa sa kalagayan ni Yassy, pero sa kinikilos niya, naaasar ako.

Dikit ng dikit sa kapatid ko na parang hindi siya babae.

"I told you. I can do whatever you want. Basta maging masaya ka lang.", pagbabanat ni Patrick.

Ang kumag na 'to, ang bilis kumagat sa palabas ng dalaga.

"Wow! Ang sweet mo naman. Ang swerte ng taong magugustuhan mo.", kinikilig na turan nito sa aking utol.

Naka-headset ako kaya iniisip nila na hindi ko naririnig ang kaharutan ng dalawa.

Pero mali sila eh. Mali sila dahil hindi naman ako nagpapamusic.

Umaakto lang ako na ganito para hindi nila mahalata na interesado ako sa pinag-uusapan nila.

"Edi ang swerte mo kung ganon.",

"Huh?",

"Diba sabi mo, maswerte ang taong magugustuhan ko? Then, you are lucky Yassy. Because I like you.", wika ni Patrick na tila iba na ang pinaparating.

Nabitawan ko tuloy ang cellphone na hawak ko dahilan para mahulog ito sa sahig.

Napunta naman sa akin ang tingin nila kaya normal pa rin akong kumilos.

"Hays. Masyado ng pasmado ang kamay ko.", turan ko habang inaayos ang cellphone.

"Minsan, nakakasira din ang pagiging epal kuya. Pwede bang doon ka muna sa labas.", bigkas ni Patrick at tinuturo ang pinto.

Inalis ko naman ang headset ko kasabay no'n ay tumayo ako.

"Ano bang pinagsasabi mo? Pinapaalis mo ako?", nanlilisik na sambit ko.

"Hays. I just want a privacy, kuya. I mean, we want a privacy. At nakikiusap ako na sana ikaw muna ang mag-adjust. Sa tuwing nandito kasi ako, lagi kang nandyan. And I guess, nakikinig ka sa usapan namin ni Yassy.", muli nitong saad.

"Tsk. Ang OA mo. Wala akong pakialam sa inyo. Kaya wala kang dapat ikatakot. Hindi ko aagawin ang maldita na 'yan. Kung gusto mo siya, edi ligawan mo. Basic.", turan ko sa aking kapatid.

"Talagang liligawan ko siya. Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo. Pero dahil naunahan mo ako sa ideya na 'yan, then I will court her now. Thanks!", ngiting wika ni Patrick.

Tangina!

Wala na talaga sa tamang pag-iisip ang taong 'to.

©Binibining_Timoji
To be continue...

Dedicated to: TRIXIE CHANDRIA, HAPPY BIRTHDAY.

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon