Con. 16

854 41 0
                                    

Continuation of Chapter 16 (Operation: Make The Maldita Suffer)

_____

Yassy's POV:

"I'm done! R-ready na ako!", lakas-loob na sambit ko.

I don't have choice kundi ang ibigay na lang kay Adrian ang gusto nito.

Kung habol niya ang katawan ko, then fine. Kahit labag sa kalooban ko, handa akong isuko ang bataan para sa kanya.

"Bakit ganyan ang suot mo?", kunot-noong bigkas nito.

I'm wearing tube and short, right now.
Ito ang pinili kong suotin para hindi na siya mahirapan na hubarin ang damit ko.

"Ano bang gusto mo? Sumuot ako ng pantalon?", sakrastikong saad ko.

"Pasalamat ka nga, tinutulungan na kita. Binibigay ko ang pabor na hinihiling mo.", I continue.

This time, hinigit ko ang braso niya para ayain ito sa upuan.
Marahan ko na siyang tinulak dahilan upang mapa-upo ito.

"What are you doing?", nagtatakang tanong niya.

"Inuumpisahan ko na ang gusto mo, para matapos na. At para sabihin ko sayo, hindi ko kaya ang ilang rounds. Virgin pa ako, Adrian. Kaya hanggang isa lang ang kaya ko.", pag-aamin ko para hindi na ito umasa pa.

Kung sex ang tinutukoy niya, handa akong gawin 'yon, pero isang round lang.
Hindi naman ako expert sa ganyan.

Maldita lang ako, pero hindi ako pokpok.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na yata.", wika nito kaya medyo nainis ako.

"Pwede ba, kahit ngayon lang, maging totoo ka. I know what you're talking about. So here, I'm giving you the favor. Baka gusto mong ako pa ang umalis ng damit mo? Sumusobra ka na kung ganyan!", mataray kong saad.

Pero tumawa ito ng malakas na may pang-iinsulto.

"Bakit mo naman aalisin ang damit ko? Tsaka, teka nga, palitan mo ang suot mo dahil ang sagwa tingnan. Baka hindi isda ang bilhin nila sayo kundi 'yang papaya sa dibdib mo.", turan nito sa akin.

"W-wait, w-what did you say?", I asked him.

"Masyado kang bingi. Ang sabi ko, palitan mo ang damit mo. Hindi tayo pupunta sa beach para sumuot ka ng ganyan. Palengke ang pupuntahan natin.", paliwanag ni Adrian para maging malinaw at klarado ang lahat.

"P-palengke? Anong gagawin natin do'n?", muli kong tanong.

"Anong natin, ikaw lang ang may gagawin.", pagbabalik sambit niya.

"What?", usal ko na talagang nagsasalubong ang magkabila kong kilay.

"Magtitinda kang isda doon, kaya umayos ka. Ayusin mo 'yang suot at kilos mo. Huwag kang mag-iinarte dahil malilintikan ka sa akin.", wika nito.

Paalis na sana ito, pero agad ko siyang sinundan.

"SERYOSO KA? MAGTITINDA AKONG ISDA SA PALENGKE?", malakas na bigkas ko.

Hindi ko kaya 'to.
Hindi ko pinangarap na tumayo sa mabahong lugar.

Iniisip ko palang 'yon, nandidiri at nasusuka na agad ako.

"Ang bobo mo para hindi maintindihan ang simpleng tagalog na sinabi ko.", turan nito na tila hindi na magbabago ang desisyon niya.

"Pero kasi, hindi ako sanay sa gano'n Adrian.", malungkot na tugon ko.

Buong akala ko, katawan ko ang habol niya, pero hindi pala.

"Hindi ko na 'yan problema pa. Basta mamaya, magtitinda ka. Kaya humanda ka na. Dahil limang balde na puno ng isda ang dapat mong ibenta.", pahayag ng binata.

"Limang balde talaga? Pwedeng isa lang?", paghihirit kong litanya.

"Limang balde, is equivalent to five rounds. At malaking pera ang makukuha natin kapag nabenta mo lahat 'yon.",

"But----sabi ko nga, magtitinda ako.", tanging saad ko.

Bigla kong binawi ito dahil sa laki ng mata niya.
Nakakatakot siya kapag umiiba ang reaksyon.

"Good. Kung ganyan ka lagi, edi sana, wala tayong problema. So change your clothes, baby. Ayokong nakikita ng ibang lalaki ang dapat sa akin.", mahinang wika nito.

Gosh! Adrian driving me crazy!

END OF CHAPTER 16
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon