Chapter 21

864 30 0
                                    

CHAPTER 21 (OPERATION: MAKE THE MALDITA SUFFER)
_____

YASSY's POV:

HINDI ko muna inimik si Adrian.

Wala akong balak na kausapin siya dahil gusto kong suyuin niya ako.

I want to see his reaction also.
Feeling ko kasi, mas cute pa siya sa iniisip ko kapag sumusuyo.

Tahimik tuloy kaming naglalakad papasok ng mall.
Halos kalahating oras na rin simula nang umalis kami sa bahay. At oo, nakuha na namin ang padala ni Dad.

Kaya matapos naming maligo, dito agad ang punta namin. And until now, we don't talk to each other.

Hindi rin holding-hands ang paglalakad namin, kaya medyo nalulungkot ako.

He's my boyfriend, right? Nobyo ko na siya ngayon. Pero bakit gano'n? Hindi ko pa masyadong ramdam na mahal niya ako.

I don't want to think a negative thoughts about him. But the way he act, I feel nothing.

"Yassy.", tawag nito sa akin.

Hindi ako lumingon dahil ayokong ipakita sa kanya na sobrang inlove ako.

Gano'n kasi ang mga lalaki, inaabuso nila ang babae. Kapag alam nilang mahal sila ng tao, madali para sa kanila na saktan ka. Dahil alam nila, hindi mo sila kayang tiisin.

"I'm sorry, babe. Pinipikon lang kita, kanina. Kaya kung na-offend ka, hindi ko intensyon 'yon. Pangako, I will never do it again.", bigkas nito nang harangin ako.

Agad akong napatigil sa paglalakad at napahinga ng malalim.

"Okay lang.", tipid na sagot ko.

"It's not okay. Hindi ako naniniwala sa ganyan.", he said.

"What?",

"Hindi ako babaero, but I know the attitude of the girls.", turan nito.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko, sabay pingot sa aking baba.

"Adrian!", pagsasaway ko.

"See? You're not okay. And 'okay lang or ayos lang', is one of the girl's lie.", paliwanag niya kaya medyo naintindihan ko ang pinaparating nito.

"Fine! Hindi talaga okay sa akin ang sinabi mo. I'm offended. Hindi naman ako easy to get. I mean, clingy ako, maarte, magaling umakit ng lalaki, pero hindi ako nagpapa-score agad sa kanila. In short, I have my limitation. Maldita but virgin. And yes, I'm belong to those girls.", mahabang saad ko.

"Another one point. Nakakaturn-on kapag ganyan, babe. So proud of you.", bigkas nito at bahagyang hinalikan ako sa noo.

"That is sign of respect. Kaya bati na tayo, Yassy.", patuloy niyang wika.

"Yoko nga.", tugon ko at inirapan siya.

"Babe naman.", maktol ni Adrian habang nakasunod pa rin sa likod ko.

"Yassy, I'm sorry. Hindi ko na talaga uulitin. If you want---",

"Wala akong naririnig.", I just replied.
Sinalpak ko na rin sa loob ng tenga ang aking daliri para hindi ko mapakinggan ang sinasabi niya.

Patungo na sana ako sa loob ng mga jewelry, kaso nasilayan ko ang binata na lumiko patungo sa babae na may hawak na microphone.

Ayoko na sanang intindihin siya kaso laking-gulat ko nang agawin niya ito sa dalaga at nagtula sa harapan ng maraming tao.

"OH AKING INIIROG,
Patawarin mo sana ang aking itlog,
na umaalog,
pagka't ang puso ko'y nahulog,
sa iyong kahubog-hubog,
na---",

"HOY ADRIAN! PESTE KA! Ano bang pinagsasabi mo dyan?!", sigaw ko dahilan para hindi niya matuloy ang tula.

Feeling ko kasi masagwa sa pandinig ang susunod niyang sasabihin.

"Sinusuyo ka.", wika nito sa akin.

"Hays! Bakit ganyan ang suyo mo?", inis kong turan.

"Para naman maiba, babe. Hindi kasi ako mahilig sa mga sweet talk.", saad nito sabay kamot sa batok.

"Ewan ko sayo. Halika na nga.", tanging pahayag ko.
Ako na mismo ang humawak sa kamay niya para hilahin ito papasok sa bilihan ng jewelry.

Mahirap na, may mga bata pa naman sa mall tapos ang tula niya masyadong madumi sa utak.

"Fifty thousand ang pinadala ni Dad diba? So I want to buy this, Adrian.", turo ko sa couple bracelet. Silver lang ito kaya medyo kaya ng budget namin.

"Yassy, pambili mo 'to ng gamit para sa pasukan.",

"Alam ko. But we need this also.", muli kong saad.

"Babe, hindi kailangan sa pag-aaral ang bracelet.",

"Hindi mo kasi ma-gets Adrian. Kailangan natin 'to dahil gusto kong malaman ng iba na mag-jowa tayo.", ngiting paliwanag ko.

"Well, kung 'yan ang gusto mo, sige lang. Bibilhin natin 'yan.", tugon nito kaya agad ko siyang niyakap.

"Yehey! Thank you, babeeeee! I love you.", bigkas ko habang tumitili.

Kaso mabilis niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at hindi man lang ito tumugon sa 'I love you' ko.

Pero okay lang, dahil hindi ko naman ginagawang big deal ito.

©Binibining_Timoji
To be continue...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon