Chapter 14

884 36 0
                                    

Chapter 14 of OPERATION: Make the Maldita Suffer
_____

Yassy's POV:

May sakit o wala, mainit lagi ang dugo ni Adrian sa akin.

Siguro kung babae siya, napagkamalan ko na itong buntis na tila pinaglilihihan ako.

Kung tutuusin, dapat ako ang magalit dahil siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa hospital.

Pero dahil may puso ako, hindi ko siya ninais isumbong kay Dad.
Ayoko din naman mag-alala si papa, kasi medyo maedad na rin ito.

So I choose to shut my mouth para hindi na maging komplikado ang buhay ko.
Baka isipin ni Adrian, sumbungera at sipsip ako, edi lalo niya akong papahirapan kapag wala na akong dengue.

"Sorry Yassy, kung ngayon lang ako dumating. May inasikaso lang ako kanina. By the way, kumain ka na ba?", saad ni Patrick na tila hingal na hingal nang pumasok sa room.

Panibagong araw na kasi. At panibagong araw ulit na nakahilata ako sa puting kama.

"H-hindi pa.", pag-aamin ko.

Totoo naman eh. Hindi pa ako pinapakain ng taong kasama ko.
Oo, walang iba kundi si Adrian.
Si Adrian na busy sa paglalaro ng ML.
Rinig na rinig ko kasi yung tunog ng laro niya kanina na ngayon ay nakasalpak na sa tenga ang earphone.

"What? Pero anong oras na ha? Hays.", inis na sambit ng kaharap ko.

Nung dumako ang mata nito sa kapatid, ay tiyak mag-aaway na naman sila.

Kaya marahan kong hinawakan ang braso ni Patrick para pigilan siya.

Nakakasawa na din ang bangayan nila.
Araw-araw silang ganyan na parang hindi magkapatid.

"Hayaan mo na. Hindi pa naman ako nagugutom.", pagsisinungaling ko.

"Saglit lang Yassy. Pagsasabihan ko si Kuya.",

"Pero--",

"Responsibilidad ka pa rin niya dahil siya ang pinagkatiwalaan ng dad mo. Kaya dapat na sermonan ko siya.", muli nitong wika.

Hindi ko na ito napigilan pa dahil tuluyan na siyang nakatayo sa harapan ni Adrian.
Naka-suot kasi ng earphone ang binata kaya hindi nito narinig ang usapan namin.

Bigla itong nagalit nang agawin ni Patrick ang cellphone mula sa kamay niya.

"Ano bang problema mo?! Nasa rank game na ako tapos sinira mo ang laro ko!", bulyaw ni Adrian.

"Kuya, nandito ka sa hospital para alagaan at bantayan si Yassy. Hindi para maglaro!", balik na sigaw niya.

"So what? Ikaw ang manliligaw niya diba? Kaya dapat ikaw ang gumawa no'n.", pilosopong bigkas nito sa lalaki.

"Nagpaalam ako sayo na may pupuntahan ako. And you said, yes na ikaw ang bahala kay Yassy. Pero kuya, alas-dose na! May sakit ang dalaga, kaya dapat pinapakain siya sa tamang oras.", pahayag niya ulit sa mas mataas pang boses.

"Mas matanda ako sayo, Patrick. Kaya konting respeto naman.",

"Bakit kuya? Nirespeto mo rin ba si Yassy? Diba hindi? Tsk.", turan ng binata.

"Bakit ko naman siya rerespetuhin? Isang hamak na maldita lang 'yan.", saad nito at matalim akong tiningnan.

Hindi ko na talaga kinakaya ang kasamaan niya.
Masyado na siyang nakakasakit ng damdamin.

"Oo, maldita ako. Pero 'wag mo akong gayahin sayo na walang puso. Kababaeng tao, pinapatulan mo. Nagmumukha ka tuloy na bakla.", pagsisingit ko sa usapan nila.
Palaban ang pananalita ko na tila handa akong makipagsabayan sa galit niya.

"Anong sabi mo?", he asked.

"Ang sabi ko, bakla ka! Kasi kung totoo kang lalaki, hindi mo dapat sinasaktan ang babae.", tugon ko bilang pag-uulit.

"Hindi ako bakla.", madiin na saad ni Adrian.

Mapang-asar ako na tumawa at ngumiti.

"Talaga ba? Bakit parang pinapakita mo na bakla ka? Kaya ba galit na galit ka sa akin dahil hindi mo matanggap na mas maganda ako sayo? O dahil nalalamangan kita? Siguro nga, gano'n ang dahilan mo. Pero kung insecure ka sa akin, pwede kitang tulungan kung paano mag-ayos. Hindi yung tinatago mo ang tunay mong pagkatao.", I said again.

But at this point, mabilis siyang lumapit sa pwesto ko at agad na hinawakan ang aking mukha.

Hindi siya nagsayang ng minuto dahil agad niyang sinakop ang aking labi, gamit mismo ang labi niya.

He kissed me.
And we kissed for the second time.

©Binibining_Timoji
To be continue...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon