Chapter 4

1.4K 65 1
                                    

Chapter 4 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____

YASSY POV:

I decided to go outside.
Kung demonyo ako, yung kasama ko naman sa loob ay Satanas.
Masyado s'yang sakim sa pagkain.

Yes, I admit na maldita ako, pero hindi ako yung tipo ng tao na madamot pagdating sa pagkain o gamit.

Nakakairita!
Dahil sa ginagawa niya, mas binibigyan niya ako ng rason para pairalin ang kamalditahan ko.
____

Kahit mainit sa labas, nagtiyaga akong umupo sa gilid ng isang halaman.
Pumitas na rin ako ng bulaklak, at dito ko binuhos ang galit na para sana sa lalaking 'yon.

"Walang puso! Pabida! Madamot! Matakaw! At higit sa lahat gwapo! Ay teka, hindi siya gwapo. Mukha s'yang tipaklong na may pagka-unggoy.", inis kong sambit habang binabawi ang huling salita na sinabi ko.

Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang bigla kong marinig ang tawa muli mismo sa aking tapat.

Kaya dahan-dahan kong ini-angat ang ulo para tingnan kung sino 'yon.

And guess what? Isang lalaki lang naman ang pasimpleng tumatawa dahil sa postura ko ngayon.

"Hindi tayo close, so stop laughing.", asar kong bigkas sa binata.

Yes, hindi ko kilala kung sino siya.

Kakalipat ko lang kasi sa ganitong lugar, kaya hindi pa ako gaanong pamilyar sa mga taong nakatira dito.

"Sorry, na-cutan lang kasi ako sayo. Para kang bata na naagawan ng pagkain.", wika nito na may ngiti sa labi.

Pagkain.
Pagkain.

Tama! Pagkain nga ang dahilan kung bakit ako umaakto ng ganito.

"Na-offend ba kita sa tawa ko?", he asked me.

Pero sa puntong ito, umupo na rin siya para maging kapantay ako.

"Ahm, p-pwede ba akong pautang ng pera?", pagwiwika ko sa kanya.

Kinapalan ko na ang aking mukha dahil gutom na gutom na talaga ako.
Kanina pa kasi kumakalam ang tiyan ko at tila gusto ko ng malagyan ito ng pagkain.

"H-hindi pa kasi ako nag-aalmusal.", malungkot na saad ko at napayuko ako para sa gano'n, maawa siya sa kalagayan ko.

Damn it! This is my first time to beg someone just because of money.

At sa unang pagkakataon, binaba ko ang aking pride.

"Yan lang pala eh. Walang problema sa akin. Saktong-sakto nga dahil hindi pa rin ako nag-aalmusal. So ano, kain tayo sa malapit na karenderya dito.", pahayag niya na animo'y inaaya ako.

Sinuri ko naman ang kanyang itsura para makasiguro kung mapagkakatiwalaan ko siya.
Mahirap na, baka dalhin niya ako sa ibang lugar para pagsamantalahan ang kasexihan ko.

"Miss, hindi ako masamang tao. Kaya wala kang dapat na ipangamba.", saad ng binata na tila nababasa nito ang tumatakbo sa isip ko.

"Then fine. Sasama ako. Saan ba 'yon?", tanging bigkas ko bilang pagpayag.

Tumayo na kaming dalawa at sabay na tumungo sa kabilang kalsada.

Buti na lang, dahil hindi masyadong marami ang kumakain kaya medyo naging komportable ako.

"Here. Spaghetti and sandwich. Kung may gusto ka pang kainin, sabihin mo lang at bibilhin ko.", pagsasabi ng lalaki habang inaasikaso ako nito.

Hindi na ako nag-inarte pa, at mabilis kong kinuha ang tinidor para kumain.

I don't care anymore kung ano ang masabi ng kasama ko.
Ang importante, nababawasan ang gutom ko sa aking sikmura.

"Matanong ko lang, baguhan ka ba dito sa baranggay?", tanong nito para umpisahan ang pag-uusap.

Sabagay, natural na sa isang tao na magtanong lalo pa't maganda ako.

"Sa kasamaang palad, oo. Baguhan nga ako.", sagot ko at patuloy kong nginunguya ang puto.

Tapos ko na kasing kainin ang spaghetti kaya yung puto naman ang sinunod ko.

"By the way, what's your name?", balik na sambit ko.

Gusto kong malaman ang pangalan niya para kapag natapos na ang paghihirap ko, magawa ko s'yang suklian.

"Patrick. Ikaw ba?", muli n'yang tanong.

"I'm Yassy. Pero dahil tinulungan mo ako, pwede mo akong tawagin na 'Yas'.", ngiting sabi ko.

Tanging mga kaibigan ko lang kasi ang pinapayagan ko na tumawag sa akin ng ganon. And because of what he did, syempre, ituturing ko na rin s'yang kaibigan.

Well, I am maldita with a heart.
But take note, pinipili ko lang ang mga ginagawan ko ng mabuti.

"Kaya pala maganda ka, dahil maganda rin ang pangalan mo.", pagbabanat nito dahilan para matawa ako ng bahagya.

Masyado na kasing gasgas ang binitawan n'yang salita, dahil narinig ko na 'yon sa ibang lalaki.

"Alam mo gwapo ka, pero next time, mag-isip ka naman ng bagong banat.", turan ko kasabay ng pag-inom ko ng tubig.

"Anyway, thank you for this. Hayaan mo, kapag nagkapera na ako, babayaran kita. I need to go.", bigkas ko ulit.

Tatayo na sana ako, kaya lang, bigla n'ya akong pinigilan.

"Sandali. Sabay na tayong maglakad, total, taga-dito rin ako.", pahayag nito.

Hindi na ako nag-atubli pa at agad akong pumayag.

Pero ang pinagtataka ko, parehong-pareho ang hinahakbang ng paa namin.
Kung saan ako papunta, doon din siya papunta.
Kaya matalim ko itong tiningnan dahil hindi ko na nagugustuhan ang pagsunod niya.

"Teka nga lang, saan ba dito ang bahay mo?", tanong ko sa binata na may kainisan sa boses.

"Doon oh. Sa puting pinto.", saad niya habang nginguso ang bahay na tinutuluyan nami ni Adrian.

Wait, what?!

"B-bahay mo 'yan?", ulit kong bigkas.

"Yeah. Bahay namin ng kapatid ko. D'yan kami nakatira ni Kuya.", paliwanag nitong sabi bilang kasagutan.

Halos malaglag naman ang panga ko dahil sa aking nalaman.

Shit!
Si Patrick at Adrian, magkapatid?!

END OF CHAPTER 4

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon