Chapter 9

1.6K 70 8
                                    

Chapter 9 (Operation: Make the Maldita Suffer)

____

Yassy's POV:

"SALAMAT.", tipid na sambit ko sa binata nang ibaba niya ako.

Nakalayo na rin kami sa mga aso. And good to know, hindi kami hinabol.
Napaamo yata ni Adrian ang mga aso.

Kung sabagay, mukhang aso din siya, kaya malamang susunod ito sa binata.

"Bibili muna ako ng mineral water.", bigkas niya nang makarating na kami sa tapat ng University.
Pero dahil nakita kong pawis na pawis siya, pinairal ko muna ang pagiging mabait ko.

"Ako na. Hintayin mo na lang ako sa loob.", turan ko sa lalaki at kinuha ang pera kay Adrian.

Malapit na rin kasi ang bilihan sa labas kaya dito na ako bibili para dire-diretso na akong lumakad papasok.

Nasilayan ko naman na tumango ang binata, kasabay no'n ay tumalikod siya para pumasok na sa University.

Samantalang ako, tumungo sa tindahan.

Hindi naman nagtagal at nakabili ako.
At dahil uhaw na rin ako, binuksan ko ang mineral para inumin ito.

Kaso nga lang, sa kalagitnaan nang pag-inom ko, may isang babae ang bumangga sa akin dahilan para mabuhos ang malamig na tubig sa damit ko.

Hinayaan ko na sana 'to, kaya lang, sa halip na magsorry siya, talagang tinarayan pa ako.

"ANO BA 'YAN! HARANG-HARANG KASI SA DAAN.", mataray na turan niya. Inikutan pa ako nito ng mata na tila hinahamon yata ako.

But I choose to ignore her.
Yes, hindi ko siya pinansin dahil ayoko magkaroon ng gulo dito sa University.

And guess what, bigla n'ya akong sinabunutan na parang ako pa ang may kasalanan.

"Mag-sorry ka.", matalim na saad ng babae.

Hindi na ako nakapagtimpi pa at tiningnan sa mata ang dalaga.

Hindi ko na 'to mapapalagpas, dahil masyado n'ya ng tinatapakan ang pagkatao ko.

"Naiwan mo yata ang manners mo sa bahay. Balik ka nga do'n at kunin mo.", balik na sabi ko sa babae.

"What did you say?", pagtatanong nito.

"Hindi mo yata narinig ang sinabi ko. Pero sige, uulitin ko 'yon para sa panget na katulad mo.", I said again while smirking.

Simpleng salita muna ang binibitawan ko, na alam kong ikakagalit niya.

"How dare you! Sino ka ba sa tingin mo? Akala mo kung sino kang maganda.",

"Well, maganda naman talaga ako. Kahit nabuhusan ako ng tubig, maganda pa rin ako. Kahit sabunutan mo ako ng paulit-ulit, maganda pa rin ako. Eh ikaw? Maganda ka ba?", taas-kilay kong wika.

Mas umusbong ang galit nito sa akin, dahil akma akong sasampalin. But she's too late, kasi ako ang nauna.

Malutong ko siya na sinampal dahilan para dumikit ang make-up nito sa kamay ko.

"Sa sobrang kapal ng mukha mo, ako pa 'tong nasaktan. Pero kawawa ka naman, make-up lang pala ang dumadala sa ganda mo. How cheap.", pang-iinis ko sa dalaga.

At sa pangalawang pagkakataon, sinampal ko muli siya.

Pero gano'n na lamang ang aking pagkabigla nang lumapit si Adrian para awatin ako.

"Yassy, what are you doing?!", pagbubulyaw nito.

"Hindi ba obvious? Inaalisan ko ng sungay ang taong 'to.", kibit-balikat na sagot ko.

"Are you out of your mind? Ikaw ang may sungay dito, Yassy. Kitang-kita ko palang kung paano mo sinampal ang babae.", usal nito.

"So what? Siya ang nanguna. Palibhasa, hindi mo nakita ang umpisa.",

Ang dali para sa kanya na husgahan ako dahil lang sa sampal na ginawa ko.
Tsk. Walang kwenta.

"Kahit na, that girl is Andrea. Campus Queen siya dito.", muli nitong bigkas.

Napatingin naman ako sa babae na ngayon ay nakangisi.

"Pffftt, HAHAHAHAHAHAHA.", malakas na tawa ang pinakawalan ko.

Hinawakan ko na rin ang aking tiyan habang tumatawa dahil baka umutot ako ng wala sa oras.

"She's crazy, Adrian. Dapat hindi mo na siya sinama dito.", rinig kong saad nito sa binata.

Kaya umayos ako ng tayo, at binalik ko ang dating reaksyon.

"Hindi ako baliw noh? Kung meron man sa atin na baliw, ikaw 'yon. Dahil nasobrahan yata sa injection ang mukha mo. May pa queen-queen pang nalalaman, mukha namang virus.", sambit ko ulit saka sila tinalikuran.

Magsama sila ni Adrian!

©Binibining_Timoji
To be continue....

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon