PROLOUGE

4.1K 108 1
                                    

PROLOUGE of Make the Maldita Suffer

"WHAT THE HELL?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Lalaki kang tao, pero masyado kang lampa! Look, alam mo ba kung magkano ang sandal na suot ko ha? It cost million, na alam kong hindi mo makakayang bayaran. Tapos, tinapunan mo pa ng ice cream? Eww.", maarte kong saad sa binatang kaharap ko.

Umiiral na rin ang kamalditahan ko dahil sa ginawa niya ngayon.
Nakakasira ng mood!

"Sorry Miss. Pupunasan ko na lang.", sambit niya at akmang kinuha ang panyo para punasan ang sandal ko.

"Do you think, papayag ako na 'yan ang gagawin mo?", taas-kilay na turan ko.

"Huh?",

"Dilaan mo.", madiin kong utos.

"Ano?",

"Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Don't use that, instead use your tounge.", muli kong ulit na halatang umaapaw ang kamalditahan sa itsura at pananalita ko.

"Miss, hindi niyo ako utusan para sundin ka. Kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako ng kung ano-ano.", saad nito dahilan para tumalim ang titig ko sa kanya.

"Ah gano'n? Ang lakas din ng loob mo para sagutin ako. Hindi mo yata, kilala kung sino ako. But anyway, here. I think you need this. Kailangan mo siguro ng kape, para kabahan ka.", palaban kong wika at binuhos ang mainit na coffee na binili ko sa mamahalin na coffee shop.

Nakangisi akong iniwan siya at hindi ko na hinayaan na magsalita pa ito.

Well, hindi na rin siya lugi dahil sobrang mahal ng kape, kumpara sa buhay niya.

___

Pumunta na ako sa party ng aking kaibigan habang suot ang sosyalin kong dress.
Sa pagpasok ko do'n, nasa akin agad ang atensyon ng lahat, especially ang atensyon ng mga lalaki.

Wala eh, habulin talaga ako ng binata dahil sa taglay kong ganda at kasexihan.

Sa gabing ito, hindi ko pinalampas na magkaroon ng kaaway.

Pa'no ba naman, kahit may jowa na ang ibang lalaki, nilalapitan pa ako dahilan para awayin ako ng mga girlfriend nila.

Pero syempre, dahil maldita ako, hindi ako nagpatalo.

Kaya umuwi ako sa mancion na puno ng saya na tila nakamit ko ang tagumpay.

Kaso nga lang, yung kaligayahan ko, biglang nawala nang makita ko si Dad.

"Ano 'tong nababalitaan ko, Yassy? Hindi ka na ba talaga magbabago ha?", pagsesermon nito sa akin.

"Dad, I'm tired. And please, 'wag kayong sumigaw. Kakarating niyo palang galing Canada, at 'yan agad ang sasabihin mo? My ghad!", turan ko kasabay ng pagtaray ko.

"I'm very disappointed, hija. Akala ko magbabago ka, pero nagkamali pala ako. And I guess, this is the right time, para tumino ka.", seryoso n'yang sabi.

"Wait, w-what do you mean, dad?", utal kong tanong.

"Buo na ang desisyon ko, anak. Ipapatapon kita sa lugar na hindi mo kinasanayan, para magkaroon ka ng leksyon at mawala 'yang kamalditahan mo.", turan muli ni Daddy.

"Dad, are you out of your mind?! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari noh! So stop this nonsense words! Matutulog na ako.", I just said.

Akma na sana akong aakyat sa taas, pero pinigilan niya ako.

"You're not going to sleep here. Dahil simula ngayon, sasamahan ka ni Adrian.", saad nito.

"At sino naman ang pesteng Adrian na tinutukoy mo?", pagalit kong tanong.

"Ako.", sagot ng lalaki mula sa aking likuran.

Kaya dahan-dahan akong lumingon at hinarap siya.

"Ikaw?!", gulat kong bigkas nang makilala ko kung sino yung tao.

"Oo. Ako nga, Ms. Maldita. Ang binuhusan mo ng kape kanina. Small world, right?", ngising sambit nito.

"--Pero sa pagkakataong ito, ako ang magiging hari at ikaw ang magiging alagad ko. Because I have my operation. And that is to make the Maldita suffer. In short, I will make you suffer. So goodluck.", he continue.

The heck!
Sa titig niya palang, alam kong may pinaplano itong masama sa akin.
______

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon