Con. 12

901 42 3
                                    

Continuation of Chapter 12 (Make the Maldita Suffer)
____

Adrian's POV:

HINDI ako pinansin ni Yassy.
Siguro gano'n na ako kasama sa paningin nito.

Ang dami kong ginawa na parusa at binatong salita na ikakasakit ng damdamin niya.

Sa loob ng ilang araw, naging strikto ako pagdating sa kilos ng dalaga.

Ganito kasi ang naisip kong paraan para mapabago siya bago matapos ang dalawang linggo na palugit.

Hindi ko ito masabi sa babae, dahil ayokong mapilitan siya.
Gusto ko, totoong pagbabago ang makit ko.

"You need to eat this. Para bumalik ang lakas mo.", bigkas ni Patrick habang inaasikaso si Yassy.

Nasa may upuan lang ako, at tinitingnan ang bawat galaw nila.

My brother seems concern.

Lalaki din ako. Kaya ramdam ko na may pag-ibig siya sa dalaga.

"I can handle myself, Patrick. Hindi mo ako kailangan asikasuhin.", tugon ng babae rito.

Pakunwari akong nagbabasa ng diyaryo, pero yung mata ko, nakatuon sa kanilang pwesto.

"Kahit na. May sakit ka pa rin, Yassy. Hindi biro ang magkaroon ng dengue. Pero hayaan mo, pagkauwi mo sa bahay, bibilhan kita ng sariling electric fan.", wika niya na animo'y pinaparating sa akin ang kasalanan ko.

"Tsk.", Tanging sambit ko dahil aminado ako na may mali akong nagawa.
But I never expect this to happen.

Hindi ko rin ginusto na magkasakit si Yassy.

"Okay lang naman na walang electric fan. Para sa gano'n, masanay ako.", kalmadong turan nito.

Hays, masyado siyang mapanlinlang.
Pagdating sa kapatd ko, mukha siyang anghel na tila nasobrahan sa bait.
Pero kapag ako ang kaharap, lumalabas ang sungay niya.

I don't get her attitude.

Kaya napataas-kilay ako nang ilapit ni Patrick ang mukha niya sa dalaga.

Hindi ko makita ang reaksyon ng utol ko, dahil nakatalikod ito sa akin.

But when it comes to Yassy's reaction, nasilayan ko sa itsura niya ang kilig sa mata.

"Ayoko ng maulit ang nangyari sayo ngayon. So just let me do this. Alam mo namang malakas ka sa akin.", muling saad ng kapatid ko.

Ang bilis niya mahulog sa karisma ng dalaga.
Konting ngiti lang, naakit agad siya.

"Naku Patrick ha, 'wag mo akong ganyanin. Baka mahalin kita dyan.", tugon nito na medyo natatawa pa.

Ang corny!
Sobrang corny nila.

May dengue na nga siya, kaharutan pa rin ang nasa isip.

"Edi maganda kung gano'n. At least, sa akin ka mapupunta.", banat ng utol ko.

Hindi na ako nakapagtimpi pa at malakas kong nilapag ang dyaryo.

Private hospital kasi ang napuntahan namin, kaya ang room dito ay parang bahay lang.

"Kung kakain ka, kumain ka. H'wag mong pahintayin ang grasya.", wika ko dahilan para mapalingon si Patrick.

"Oh ano? Ipagtatanggol mo ulit siya?", patuloy kong sabi.

Inunahan ko na ang binata dahil dito rin hahantong ang lahat.

"Hindi excuse ang sakit niya para tratuhin ko siyang normal.",
"--Kaya kung sa tingin mo, magiging prinsesa ka, hindi 'yon mangyayari.", I said again while pointing my eyes to Yassy.

Kahit lalaki ako, marunong din ako mainis.
At sa ginagawa nila, pinapairal muli nila ang seryosong ugali ko.

END OF CHAPTER 12
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤حيث تعيش القصص. اكتشف الآن