Chapter 17

887 38 0
                                    

Chapter 17 (Operation: Make the Maldita Suffer)
____

Yassy's POV:

Nakakasuka, nakakadiri at nakakasakit ng tiyan ang palengke.

Hindi ko gusto ang amoy ng isda, feeling ko anytime, babagsak ulit ang katawan ko.

Oo, nandito na kami ni Adrian.

Kausap niya ang matandang babae na tumitinda ng isda. I guess, siya yata ang nag-iinsist para ako na ang magbenta ng paninda nito.

Sa sobrang bayani niya, ako ang nagiging kawawa.

"Come here Yassy.", tawag nito sa akin.

Mataray akong lumapit sa gawi nila habang nakatakip ang kamay ko sa ilong.

"What?", inis kong turan.

"Pumayag na si Manang, pero sa isang kondisyon.", bigkas niya kaya taas-kilay na lamang ako.
Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin dahil wala na akong oras para makipagtalo sa binata.

"Kailangan mong mapaubos at mabenta ang lahat ng isda. 200 ang isang kilo.", he continue.

Napadako naman ang tingin ko sa mga timba ni Manang. Halos mahulog ang panga ko nang mabilang ko ito.

PITONG TIMBA!

Ganyan karami ang tinitinda niya!

Paano ko magagawang paubusin 'to?

Bukod sa madami siyang kakompetensya, masyado pang mahal ang isda na binebenta niya.

"Are you serious?", mahina kong sambit na may diin sa pananalita.

"Yes. Seryoso ako, Yassy.", ngising tugon niya.

He clapped his hand at pinapwesto niya ako sa mismong pwesto ni Manang para umpisahan ang pagtinda.

"The time start now. Kailangan mong mapaubos 'yan, exactly 6:00 o'clock in the evening. Do you understand?", pahayag ng lalaki.

Hindi na ako sumagot pa.
Sa halip, padabog akong lumapit sa may timba.

I hate my life!
Hindi ko pinangarap 'to noh?!
At hindi bagay sa kagandahan ko ang magtinda ng isda.
Ang sexy ng katawan ko tapos magiging tindera lang ako? Tsk.

Pero kahit anong gawin ko, hindi magbabago ang lahat.

So again, I don't have choice kundi ang gayahin ang mga tindero/tindera kung paano sila magbenta.

"BILI-BILI NA KAYO! SARIWANG-SARIWA ANG ISDA!", I shouted.

Nasilayan ko ang pagtawa ni Adrian dahil sa aking ginagawa.

Napapansin ko rin na medyo napapadalas na yata ang pagtawa nito.

Hindi kaya na-iinlove na siya?
Hays! Imposible naman!
Ang isang tulad niya na antipatiko, kailan man hindi magkakagusto sa tulad ko.

Kinakamuhian niya kaya ako. And same to me dahil kinakamuhian ko rin siya.

"MGA SUKI, ALE, MANONG, BILI NA KAYO! BILI NA KAYO PLEASSSEEEEEE!", pagsisigaw ko ulit.

Para akong baliw na nagmamakaawa sa maraming tao.

Yung kamalditahan ko ngayon, biglang nawala dahil sa pesteng pagtitinda.

"HOYY POGI, BILI KA NG ISDA OHH! UBUSIN MO NA 'TO!", kalabit ko sa binatang dumaan.

Base sa postura niya, mayaman siya.
At hindi ko itatanggi na gwapo nga ito.

"Bakit Miss? Magkano ba lahat ng 'yan?", he asked me.

"Bibilhin mo ba lahat?", nakangiting tanong ko habang kinakamot ang aking dibdib.

Syempre, napunta sa hinaharap ko ang mata niya dahilan para mapalunok ito ng laway.

Pinapairal ko na ngayon ang pagiging malandi ko para sa gano'n, hindi na ako mahirapan.

"Of course. Kaya kong bilhin lahat ng 'yan. But in one favor.", tugon niya sa akin.

"Anong favor ba ang gusto mo, sweetie?", kagat-labi na bigkas ko.

"Gusto kong ayain kang lumabas. I mean, magdate tayo. Hindi kasi nababagay sa isang babae na kagaya mo ang magtinda sa ganitong lugar. So can I?", sambit ng binata.

I was about to say 'yes', kaso biglang sumingit si Adrian.

"Asawa ko, ubos na ba ang paninda? Kung hindi pa, tutulungan kitang magtinda.", turan niya at inakbayan ako.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi nito.

Did he call me 'asawa ko?'

"Sayang, may asawa ka na pala. Sige Miss, sa iba na lang ako bibili.", saad ng lalaki.

Umalis na ito at lumipat sa ibang tindera.

Kaya heto, naiwan ako na walang benta!

Grrrrr! Bwisit ka Adrian!

©Binibining_Timoji
TO BE CONTINUE...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon