Chapter 18

900 43 1
                                    

Chapter 18 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____

YASSY's POV:

ISANG HIMALA!

Ito ang masasabi ko sa mga kilos ni Adrian.
Kanina lang, halos itago niya ako para hindi ako makita ng mga lalaki.

And now, his acting so sweet and caring na parang tinotohanan niya ang pagiging asawa.

Ayoko sanang mag-assume, pero sa mga pinapakita niya, feeling ko may gusto na ito sa akin.

Sayang lang dahil hindi ko talaga narinig ang sinabi niya sa palangke. Medyo nacurious tuloy ako.

"Adobo at sinigang ang niluto ko para sayo. Kainin mo lahat 'yan.", he said.

Hindi agad ako makagalaw at nanatiling nakatingin kay Adrian.

Halos napanganga ang aking bibig dahil sa kabaitan na taglay niya.

Hindi siya ganito noon.
Pinapahirapan niya nga ako ng sobra diba? But now, look at him. Para siyang anghel na bumaba sa kalangitan.

"M-may sakit ka ba?", tanong ko sa kanya.

"Wala. Sa gwapo kong 'to, pati sakit, nilalayuan ako. Ayaw daw nilang masira ang kagwapuhan ko.", mahangin na sabi niya.

"Sana all.", I just replied.

Wala akong masabi.

"Kung hindi mo gagalawin 'yan, susubuan na lang kita.", turan nito.

"Huh?", takang bigkas ko.

Agad niyang kinuha ang kutsara at tumabi sa pwesto ko.
Sobrang dikit na dikit ang katawan namin sa isat-isa, kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng kuryente sa aking damdamin.

Kinikilig yata ako. Ewan. Weird.
Bumibilis kasi ang tibok ng puso ko, kaya pati ako, nagtataka sa sarili.

"Say 'ahh'.", sambit niya na tila bata ako na pinapakain.

"I--I can handle myself. Wala akong sakit, kaya ako na.", tugon ko sabay iwas ng titig.

Hindi ako sanay.

Mas gugustuhin ko pa na sungitan niya ako at pagalitan kaysa maging sweet siya.

"Huwag ka ng mag-inarte. Minsan lang ako maging ganito. So enjoy the moment.", wika ni Adrian.

Wala akong nagawa kundi ang ibuka ang bibig hanggang sa isubo niya ang pagkain sa akin.

"Uhmm. Sarap.", saad ko para iparating sa kanya na magaling siya magluto.

Oo, masarap ang pagkakaluto niya.

Marunong din pala ang gago na lumuto tapos ako pa ang pinapaluto niya?
Bwisit noh?

"Huwag kang umungol, ginigising mo ang natutulog kong cobra.", usal nito dahilan para itaas ko ang kilay.

"Cobra? May c-cobra ka dito sa bahay?", I asked him.

"Yes.", tipid na sagot niya.

Kinabahan at natakot ako sa sinabi nito.
Hindi ko kasi maisip na may gano'ng hayop pala dito sa kanyang bahay.

Inilinga ko ang aking mata pero wala akong makita.

"Nasa'n ba ang cobra na tinutukoy mo?", muli kong tanong.

"Nasa harap mo. And actually, nahahawakan mo na.", turan niya na may ngisi sa labi.

Agad kong tinapunan ng tingin ang palad ko, kung saan nakahawak ito sa gitnang parte ni Adrian.

Tila napaso naman ako nang marealized ko na ibang cobra pala ang tinutukoy niya.

Shit! Bakit ba ang gaslaw ng kamay ko?

Baka isipin niya, hokage akong babae.

"Huwag kang matakot, hindi nanunuklaw ang cobra na 'to. Papaiyakin ka lang sa sakit at sarap.", paliwanag niya na animo'y iba ang gustong iparating.

"T-tumigil ka nga! Hindi magandang biro 'yan. Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to?!", inis kong bigkas.

"Because I like you, Yassy. And I'm starting to fall inlove with you.", mabilis na sabi niya.

©Binibining_Timoji
TO BE CONTINUE...

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon