Chapter 10

1.2K 53 0
                                    

Chapter 10 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
_____

Yassy's POV:

"BAKIT GANYAN ANG MUKHA MO?", bungad na tanong ni Patrick nang umuwi ako sa bahay.

Yes, umuwi ako at hindi na ako nag-enroll pa.
Bahala si Adrian sa buhay niya.
Wala s'yang karapatan na pigilan ako.

Bwisit!
Kung pwede lang pumatay, kanina ko pa siya sinaksak.

"Hey, I'm asking you. Are you okay?", bigkas ulit ng lalaki habang kinakaway ang kamay sa mukha ko.

Do'n ko na-realize na nakatulala pala ako sa kawalan.

"Sorry, badtrip lang ako ngayon.", usal ko rito at umupo.

Naramdaman ko naman na tumabi si Patrick sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Si kuya ba ang dahilan kung bakit ka badtrip?", he asked again.

"Bakit mo pa kailangan tanungin 'yan? Malamang siya ang sagot. Sino pa ba ang demonyo sa bahay na 'to? Diba 'yang kapatid mo.", mataray kong wika.

Kapag inaatake ako ng kamalditahan, wala akong pake kung sino ang nakakausap ko.
I can't even control myself for being like this.

"Pagpasensyahan mo na lang si Kuya Adrian, siguro nga, ginagawa niya ang binilin ng dad mo.", pagpapaliwanag nito para hindi ako magtanim ng galit.

"But he's unfair! Masyado na s'yang nakakasakal. Pinaglalaban ko lang ang sarili ko kanina, pero ako pa ang pinapahiya niya.", I said.

Lalong umiba ang awra ng aking mukha nang maalala ko ang kaganapan kanina.
Para s'yang concern sa babaeng virus na 'yon.

"I don't know the whole story on happened to you. But I'm always here at your side, Yassy. Naniniwala ako sayo.", malambing na wika ni Patrick.

He's really a good person.
Wala akong masasabi sa kanya.

"Buti na lang hindi ka katulad ni Adrian. Walang modo, ang panget ng ugali, akala mo kung sino.", inis kong bigkas na tila kinumpara sila.

"Yeah, ganyan talaga si kuya, medyo mahigpit.", tugon n'ya naman.

"Alisin mo na ang medyo. Dahil talagang mahigpit siya.", asar kong sambit.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ng lalaking katabi, kaya napataas ako ng kilay.

"Ohh, bakit ka natatawa?", inis kong turan.

"Ang cute mo kasi.", he replied.

"Cute?",

"Oo. Ang cute mo kapag galit. Baka nga magustuhan ka ni kuya, kapag lagi kang ganyan.", nakangiting saad nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?",

"Wala. Just forget it.", iling na pahayag niya.

"Tsk. I need to rest. Kulang pa ang tulog ko.", tanging sambit ko at tumayo para pumasok ng kwarto ni Adrian.

Humiga ako sa malambot na kama niya, at nagpagulong-gulong.

"Hayyyyy!!! Kailan ba ako makakaalis sa pesteng lugar na 'to! Miss ko na ang dati kong buhay!", sambit ko habang nagdadrama.

Nagawa ko na ring kunin ang kumot para gamitin.
Kung ano-ano na tuloy ang sumagi sa isip ko, hanggang sa nakatulog nga ako sa mismong kwarto ng binata.

At sa pagdilat ng mata ko, agad kong inalis ang kumot para sana bumangon na.
Kaya lang laking gulat ko nang makita kong nakatikod si Adrian habang hinuhubad ang pantalon na suot niya.

At oo, nakita ko ang kulay pulang brief nito dahilan para mapahiyaw ako.

"AAAAAAHHHHHHHHH!", malakas na tili ang pinakawalan ko sa bibig at nagawa ko na ring takpan ang dalawa kong mata.

"WHAT THE FUCK? ANO BANG GINAGAWA MO DITO?", tanong nito sa akin.

"N-natulog lang ako. Inaantok pa kasi ako kaya naisipan kong pumasok dito. Eh ikaw? A-anong ginagawa mo? Balak mo akong gahasain noh?", balik na turan ko sa binata.

Hindi niya ako sinagot, sa halip, humakbang ito palapit sa gawi ko.

Nasisilayan ko kasi ang galawan niya, sa pamamagitan ng pagsilip ko sa maliit na butas ng dalawa kong daliri.

Napapalunok na lamang ako ng laway dahil yung tingin ko, nakatitig sa gitna ni Adrian. Masyado itong bakat, kaya hindi ko maiwasan na kabahan at ma-excite sa pwedeng mangyari sa loob ng kwarto nito.

Ini-imagine ko palang, mukhang iiyak yata ako sa kalakihan ng alaga niya.

"ARAY!", impit na sigaw ko nang alisin marahas niyang alisin ang kumot ko.
Ito rin ang nanging dahilan para mahulog ako sa kama.
Ang sakit ng pwet ko, shet!

"Sa susunod, 'wag mong gagamitin ang kumot ko. Pagmamay-ari ko 'to.", seryosong bigkas ng lalaki.

Matalim ko naman s'yang tinitigan na tila sasabog na ang galit ko sa kanya.

Kaya nang tumalikod ito, mabilis akong umakyat sa likod niyo at pinagpapalo siya.

"KANINA PA AKO NAGTITIMPI SAYO!", madiin kong sambit.

"Ano ba! Bumaba ka nga!", saad ni Adrian habang pinipilit niyang alisin ang kamay kong nakapulupot sa leeg niya.

"Ayoko! You deserve it!", tugon ko muli.

Umipon ako ng pwersa para sana saktan ang katawan niya, but it ended up on kiss.

Hinalikan niya ako, nang magawa nitong buhatin ako.
Hindi ko alam kung paano n'ya ginawa ang posisyon namin ngayon.

Pero isa lang ang natatandaan ko, dumikit ang labi namin sa isat-isa.

"Isang halik, para matigil na 'yang bunganga mo.", ngising wika nito.

ARRRGH!

_____
END OF CHAPTER 10

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon