Kabanata 25

50 4 3
                                    


"SAAN ba tayo pupunta, Seb?" Nanliit ang kaniya mga mata. "Surprise, love. Kapag sinabi ko sa'yo hindi na surprise iyon!" nakangiting anas ko. "Ha? Wait, tapos na ang anniversary natin, hindi ko pa naman birthday. Anong ganap ba? May even ba, love?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Basta, pupunta tayong Tagaytay. Doon tayo magde-date." Today is the day. Wala na akong nakikitang ibang babae ang makakasama ko habang buhay at si Erica lang ang tanging babaeng gusto kong makasama habang buhay.

Yes, magpro-propose na ako ngayon sa kaniya at hindi na ako makapag hintay na pakasalan siya. Alam ko mga bata pa kami pero alam ko na lahat ng oras sa buhay namin ay nasa tama at perpekto. Ayaw kong masayang ang oras naming dalawa dahil mabilis lang ang panahon. Si Erica lang ang tanging babae na nakikita ko na makakasama ko hanggang sa pagtanda ko.

"Tagaytay? Kailan ba tayo pupunta? Ngayon na ba? Ang layo naman ng date natin."

"Oo ngayon, love. Kaya mag ready ka na dyan at mamaya aalis na tayo." Nanliit ang mga mat anito. "Teka lang, nakakabigla naman iyan. Tagaytay ba talaga? Ano iyon bibiyahe pa tayo doon? Ang layo-layo naman!"

"Love, surprise nga 'di ba? Parang surprise date ganoon. Kapag sinabing surprise pinaghandaan, kaya sa Tagaytay kasi doon ko piniling i-surprise ka," pagpapaliwanag ko sa kaniya para makumbinsi ko siya na sumama sa akin papuntang Tagaytay.

"Grabe naman iyang surprise mo inabot na sa Tagaytay ang dami-daming lugar dito sa Manila. Saka ano bang meron, love? Wala namang espesyal na okasyon. Hindi naman birthday ng Mommy mo o ng kapatid mo. At lalong hindi ko naman birthday!" medyo tumaas ang boses niya.

Natawa na lang ako dahil sa reaksyon ng mukha niya. "Ang dami mo naman tanong, love. Kailangan ko pa ba magmakaawa para sumama ka sa akin?" Nag-puppy face ako sa kaniya para maawa siya at sumama sa akin.

Kailangan matuloy ito dahil nakapag pa-reserved na ako sa isang hotel para sa venue, kung saan gaganapin ang proposal ko. Buti na lang at tinulungan ako nila Billy para mag-ayos sa plano kong proposal kay Erica.

"Love, may tatapusin lang akong trabaho."

"Sunday ngayon. Huwag ka muna mag-work ngayon, please. Gusto ko lang makasama ko ngayon, bukas at sa mga susunod na mga araw pa..." malambing kong sabi

"Every day naman tayong magkasama, na-mimiss mo pa rin ako?" nakangising tanong niya.

"Oo naman. Magkasama nga tayo palagi sa bahay pero madalang naman tayo makapag-date sa labas o mag-usap tungkol sa atin—because we were both busy."

"Sabay naman tayong kumain every day, ah? Hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil ang cute cute niya. "Kahit na. Let's spend our time together, 'yung walang istorbo at tayong dalawa lang ang magkasama. Kaya sumama ka na, please..." saad ko pa malambing kong boses.

Tatawagan ko mamaya sila Billy dahil mauuna sila sa venue na nirentahan kong hotel. They helped me to organize everything. Kahit medyo busy sa trabaho dahil nalalapit na ang mga deadline, nagkaroon pa rin sila ng oras para tulungan ako sa proposal ko kay Erica.

"Okay, I will cancel all my plans just to spend my time for you." She smiled.

"Wear nice dress. Gusto ko ikaw lang ang pinakamagandang babaeng makikita ko."

"Hello, Billy? Papunta na ba kayo?" Kausap ko sa telepono si Billy. "Oo pre, we are on our way na. Hindi nakasama si Tin dahil sa kaniya lahat naiwan ang trabaho. Si Lizza lang ang naisama namin," sagot naman ni Billy sa kabilang linya.

"Hello, Seb! Nasa car na kami, off to Tagaytay na. Mag stop over lang kami later para bumili ng iba pang kailangan," sagot naman ni Lizza sa mahinang boses. Malayo siguro ang telepono sa kaniya. "Sino nagmamaneho?" I asked.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang