Kabanata 11

55 10 0
                                    

"Doc, kinakabahan na kami! Bakit hindi pa rin nagigising 'yong anak ko?" nag-aalalang boses ni mommy.

"We will see. Later on magigising na rin si Seb."

Nagising ako sa maingay at pamilyar na boses. Hindi ko gaano maimulat ang aking mga mata, pero sapat na para makita ko kung sino ang mga taong nasa paligid ko. Dahan-dahan kong sinubukan igalaw ang aking katawan upang makabangon ako.

Nanlaki ang mata ni mommy nang makita niyang nagising na ako. Nang tuluyan na akong nakabangon sa aking pagkakahiga, ay agad itong lumapit sa akin pati na rin si Doc. Tumabi naman si mommy sa tabi ko.

"Seb? Ayos ka lang ba anak? A-anong masakit sa'yo?" sunod-sunod ang mga tanong nito sa akin at medyo natataranta pa. "Nurse, check his vital sign. ASAP!" Sumenyas ang Doctor sa mga nurse na nasa loob din ng silid.

Agad bumaling ang atensyon sa akin ng Nurse at ganoon din si Doc. "Seb, can you tell us what happened to you yesterday?" tanong naman sa akin ni Doc. Wala naman na akong maramdaman na sakit sa aking ulo. Ayos lang naman ang aking pakiramdam.

Kung kahapon ako nawalan ng malay, malamang ay isang buong araw ako nakatulog. Naalala ko naman ang nangyari sa aking panaginip, pero ang pinagtataka ko lang ay bakit sa tuwing iisipin ko ang babaeng iyon sumasakit ang ulo ko at mas lalo naging malala kahapon.

Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit sumakit ang ulo ko. Pero medyo nangalay ang aking likod, siguro dahil buong isang araw ata ako nakatulog. At isa pa, hindi ko rin naman pwedeng sabihin ang nangyari sa akin sa panaginip ko. Tiyak na magtatanong sila kung ano ang mga napapanaginipan ko at ayaw ko naman na magtanong pa sila.

"Sa totoo lang wala akong maalala sa nangyari sa akin kahapon, sumakit lang bigla ang ulo," ito na lamang ang na-itugon ko sa Doctor para hindi na sila magkaroon ng maraming tanong.

Para hindi na rin magtanong masyado si mommy. Mas makakabuti ito.

Agad naman lumapit sa aking ang dalawang Nurse at chineck ang aking pulse rate at inilawan ang magkabilang mata ko.

"Ano ba kasing ginawa mo?! Umuwi lang ako sandali sa bahay tapos namataan ka na lang daw ng mga Nurse na nakahandusay sa sahig at walang malay!" nag-aalalang sabi ni Mommy. Nangingilid ang kanyang mga luha sa kaniyang mga mata.

She's really damn worried. Kitang-kita ko ang pagiging aligaga niya nang makita niya akong nagising na.

Sorry, mommy.

Pagkatapos ma-check ang ang aking pulse rate at sa aking mga mata, may kinuha silang pang blood pressure at chineck din ang blood pressure ko.

"One tweny over eighty, Doc, ang blood pressure ng patient," anas ng isang Nurse kay Doc at tumango lang ito. Nakita ko naman ang isang Nurse na may sinusulat sa isang folder. Siguro ay doon niya sinusulat ang mga resulta ng vital sign ko.

"Mrs. Perez, huwag po kayong masyadong magpanic. Kumalma lang po kayo nang sagayon ay magawan po natin ng paraan," pagpapaliwang naman ni Doc kay mommy.

"Don't worry, mommy. Ayos na po ako, huwag na po kayo mag-alala," saad ko kay mommy. Just to assure that I'm okay.

"Oo, lagi mo sinasabi na okay ka lang! Tapos huwag mag-alala?! Eh, sa ginagawa mong 'yan, Seb, ako pa yata ang mag kakasakit sa'yo!" walang paawat na sermon ni mommy. Lumakas ang boses ni mommy, panigurado naririnig na sa labas ng kwarto 'yung sobrang lakas ng boses niya.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon