Kabanata 22

53 5 0
                                    


IT was a photo of my sister with Erica. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko nang mapasok ko ang kwarto ni Kathleen. Lalo na nang makita ko sa mismong drawer niya ang litrato na ito kasama si Erica. Sa mga oras na iyo ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramadaman. Pakiramdam ko binuhasan ako nang malamig na tubig dahil sa mga nakita ko. Nanghihina ang aking mga tuhod habang ang isang kong kamay ay nakayukom.

Para akong sinasaksak ng libo-libong kutsilyo sa sobrang sakit ng dbdib ko! Ang bigat-bigat isipin na pinagkakaisahan ka ng lahat! Na ikaw lang itong tanga na walang kaalam-alam! At lahat ng taong nakapaligid sa'yo ay niloloko ka!

Si Erica? Siya 'yung taong nandyan sa panaginip ko para saluhin ako sa lahat ng kalungkutan ko. Si Erica 'yung liwanag ng buwan sa madilim kong buhay! Pero ano ito? Ano itong mga nalalaman ko?

Bakit sila may litrato ng kapatid ko? Paanong nangyari na nandito siya sa mundo ko? All I know, she's the girl of my dreams. Lahat ng mga sinabi niya pinaniwalaan ko. Is she fucking real? O kasama rin ba si Erica sa panloloko sa akin all this time? And did Erica lie to me, too?!

Totoo ba na hindi ka lang nasa panaginip ko, Erica? Is she also involved in everything that happens to me? Kung totoo man, paano? Gulong gulo na ako! Gusto kong sumabog at sabunutan ang sarili ko para mawala na lahat ng nasa isip ko. Hindi ko lubos maisip na kaya rin ako lokohin ni Erica.

Paanong hindi ko nalaman? Bakit hindi ko napansin o naisip man lang?! Tangina! Tanginang buhay 'to! Mas lalo ko pang tinitigan ang litrato na ito. Nakangiti silang pareho at nakaakbay si Erica sa kapatid ko, sa likod nito ay may nakasulat na mensahe.

Goodluck, Ate Erica! Our future CPA!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari dahil sa wala akong kaalam-alam at walang ni isang maalala sa buhay ko! Paano nangyari ang mga ito? Wala ako sa panaginip ko at sigurado ako roon! Sinabunutan ko pa ang sarili ko at para akong nawawala sa sarili kada maalala ko ang mga sinabi ng janitor na iyon kanina.

Bakit kilala niya si Erica?

Imposible talaga mangyari 'to! Nasa panaginip ko lang si Erica, bakit siya nandito?

Mas lalo kong kinuyom ang kamay ko dahil sa mga nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw at sumabog, pero hindi ko ito magawa! Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero wala ni isang kataga ang lumabas dito. Nagngingitngit ako sa galit kahit hindi ko pa alam ang tunay na nangyari sa akin. Nakakaramdam ako ng poot at galit dahil sa putang inang buhay ko! Bakit pa nila kailangan magsinungaling? Bakit hindi na lang nila sabihin ang totoo!

Pabigat ng pabigat ang mga nararamdaman ko kada makikita ko ang larawan ni Erica. Hindi ko alam kung paano sisimulan o kung saan magsisimula.

At hindi ko maintindihan kung bakit kilala nila si Erica? Buong akala may sakit ako, nang magising ako wala akong alam sa sarili ko ni mga taong nasa paligid ko hindi ko kilala. Natatakot ako dahil bigla na lang akong nagising sa ospital na hindi ko man lang kilala ang sarili ko. Halos mabaliw at masiraan ako ng bait kakaisip kung bakit ako nasa ospital? Bakit ayaw nila sabihin sa akin ang totoong nangyari sa akin?!

At alam nila iyon! Na sa mga panahon na iyon nagiging miserable at nagdudusa ako araw-araw sa buhay ko. At alam nila na gusto ko na lang mawala sa mundo!

Namumuo ang mga luha sa mga gilid ng mata ko. Akala ko kapag nakauwi na ako malalaman ko na ang katotohanan at sa wakas hindi na ako iiyak pa, dahil sawang-sawa na ako umiyak! Gusto kong tumakas sa magulong buhay ko, sa miserable kong buhay! Pero hindi ko alam!

Dapat pala noon palang tinapos ko na ang buhay ko! Sana noon pa lang namatay na lang ako!

"AAAAHHHH!" Hindi ko na napigilan ang mga nararamdaman ko. Hindi ko kayang itago sa sarili ko na kaya ko pa, na kaya ko pang umahon! Sa pagkasabog ko sa galit ay pinagsusuntok ko ang pader. Hindi ko ininda ang sakit at sugar na matatamo ko habang pinagsusuntok ko ang pader. Wala akong maramdamang sakit habang ginagawa ko iyon.

When He Stared At The Moon (PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon